"Itetext ko ba si Taehyung o hindi?" Angal ko ng batuhin ko ng unan si Hanna. Nagwawala ako dito sa may lapag kasi lahat ng punyetang ginagawa ko dito, nauwi lahat sa swerte. Lahat ng pagdradrama ko, Eto na~ "Tumigil ka nga Elise. Wag mong itetext ang Bangtan kung wala ka naman importanteng sasabihin.."
"Ikaw na lang magtext Hanna. PLEASE."
"WALA DIN AKONG SASABIHIN GAGA."
"PLEEEEAAASEE?"
Hindi pumayag si Hanna na iText niya si Taehyung. Ayaw niya daw na magpalit ng sim si Taehyung sa sobrang kakulitan namin kaya hintayin na lang daw na si Taehyung ang magtext mismo samin.
Sunday ng gabi at napagplanuhan namin ni Hanna na tumambay muna sa tapat ng big screen at manood ng The Loved Ones kung saan patungkol sa babaeng sobrang obsessed sa lalaki. "YAN. BAKA YAN YUNG GAWIN MO ELISE KAPAG HINDI PUMAYAG SI JUNGKOOK SA PROM AH."
"ASA NAMAN HANNA. HINDI KO TOTORTURE-IN ANG BIAS KO DAHIL LANG DON." Nagtawanan kami ng sobrang lakas sa mga scenes kahit madugo na at napakathrill. Hanggang sa biglang tumunog ang phone ko. "TANGINA ELISE KUNIN MO NA DALI!!~~~~!~!~~!"
"Good evening Elise." TENTENENNENENENENEN! 'KIM TAEHYUNG <3' ON THE SCREEN. Sa sobrang pawis ng kamay ko ay sobrang dumi at sobrang lagkit na ng screen ng phone ko. "Elise easy-han mo lang. Nanginginig ka."
Anong sasabihin kooooo!??!?!?
'Hello at Good evening din Taehyung oppa :))'
"IPAUSE MO MUNA YUNG MOVIE HANNA." Dali daling hinablot ni Hanna ang remote at pinatay ang TV. ANG SABI KO IPAUSE HINDI PATAYIN. Nakita kong sumulpot ang word na 'Read' sa gilid ng text ko which means binasa niya yun.
"About dun sa kahapon,"
"Ano yung ibubunyag mo muna???"
"San? Kay Jungkook? Basta sabihin mo lang sakin kapag may ginawa sa'yong kung ano yung ilong na yon. Tatanggalan ko ng ngipin yun para sa'yo." JKADIOAWJDNHIKWDHIKADH. "Wait. Gusto mo ba ibigay ko sa'yo yung number ni Jungkook?"
Ibibigay yung number ni Jungkook. Mag isip ka Elise. Kung hihingiin mo agad yung number ni Jungkook, hindi ba't parang napakadesperada mo naman. Lalo na kapag tinext mo agad? Eh kung si Jungkook mismo ang manghihingi kay Taehyung, hindi ba't parang napaka pabebe mo naman? Isip Elise.
Hay bahala na nga. "Ano.. Kasi baka magmukha akong sasaeng fan kapag hiningi ko pa. Napadesperada ko naman hahahahaha."
"Elise, kaibigan ka naman namin eh. Wala kang dapat ikahiya. OR. Gusto mo ibigay ko na lang number mo kay Jungkook?"
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary (Completed)
FanfictionAng diary-ing to ay hindi lang basta diary. Maaring may mga extra FEELS, MINI-HEART ATTACK, IYAK DUGO, FLIP TABLES, PAGWAWALA, AT PAGKANTA NG KA-ALIENAN na hindi angkop sa mga HINDI FANGIRL. NO SOFT COPIES © COPYRIGHT 2015
