"Good morning class." Nagbow ang lahat sabay-sabay. Kakadating lang ng Music teacher namin galing sa isang bakasyon which means, ngayon lang namin siya nakita kaya hindi namin kilala kung sino or anong pangalan niya. Sobrang taray ng mukha niya pero tingin ko naman mabait to or what. "Sorry kasi late na ko pumasok. So third week na ngayon since the start of classes right?"
"NEEEEEE~"
Music teacher. Expectation: Kalog, may dalang piano o gitara, mabait, angelic ang mukha.
Reality: Naglalakad na mayordoma sa bukirin. Makapal ang lipstick, Malaking salamin, may dalang madaming music sheets at napakataas na high heels. Ang best definition? Nabuhay na mangkukulam. Hindi sa pangungutya. Pero ang galaw niya, para siyang siya ang Maleficent ng korea. Yung tipong ang elegant ng lakad, laging naka "Mangungurot" position (yung parang okay sign sa kamay na sobrang arte) at laging nakataas ang kilay. "Okay, lapitan niyo lang ako if you all want to learn and improve your voice. I'll be waiting at the music room 24/7 forever. Okay?Nga pala. Lahat ng gustong maging singer ang career, at maimprove ang vocals, Lumapit sakin mamaya." Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung anong mangyayari mamaya pero nung sinabi niyang lahat ng singer ang career, which means yung vocal path, kailangan lumapit sa kanya mamaya.
Tinapik ako ni Hanna na nagpagising sa buong katauhan ko. "Oy. Bakit namumutla ka?"
"Ako? HINDI AH."
"Sus. Kilala na kita dre. Alam ko kung kinakabahan ka o hindi. Para kang cellphone na nalolowbat paginaantok, 100% charged kapag nagiispazz at drained kapag kinakabahan. Ano nga? Si bias na naman?"
"Hindi ka ba kinakabahan kay Maleficent? I mean dun sa Music teacher natin?" Eto na. Magsisimula na naman ako sa panjajudge ng teacher. "Pre. Kinakabahan akong mapahiya mamaya. Look, nakapasok ako dito kasi sa boses ko. Eh pano kung pati yung boses ko, Alien din sa kanya. I mean, unusual sa pandinig niya. Pano kung hindi ko siya magawang iimpress? Babagsak ako sa Music?"
"Elise. Ang pagkanta, passion yan. Kaya kahit anong discrimination sa'yo, kung gusto mo, ipagpatuloy mo. Listen, dati talaga hindi ako marunong magsketch. Pero sa kakapractice ko, naimprove ko yun. Wala naman talagang taong walang talent. It's either takot lang sila ipakita or ayaw nila ishare. Wag ka nga mahiya. First step na to sa success oh. Hahahaha."
Huminga ako ng malalim. Sa totoo lang hindi ko naman alam kung bakit ako nandito eh. Hindi naman ako mapili sa kung anong school man yan. Wala naman kasi akong alam kundi Academics at Fangirling. Kung talent lang ang fangirling edi sana pasadong pasado na ko.
Tignan niyo ah. Niyakag ako dati ni Hanna na sumali sa Choir ng school; Hindi ako nakapasok. Volleyball competition ng buong 4th year sa campus; hindi ako nakapagservice ng ayos.
Tapos ngayong nakapasok ako dito, Hindi ko akalain na kukunin ako dito since na pangalan pa lang, pamatay na. Minsan tuloy nahihiya na kong sagutin yung mga tanong sa twitter na, "SA SOPA KA NAGAARAL?! VOCAL, BROADCASTING, DANCER OR WHAT?!" WALA. Hahaha. Napadaan lang ako dito.Pagkatapos tumunog nung bell, kaming dalawa na lang ni Hanna ang natira sa classroom, naghahanda ng mga gamit pauwi. Medyo madami yung assignments kaya...
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary (Completed)
FanfictionAng diary-ing to ay hindi lang basta diary. Maaring may mga extra FEELS, MINI-HEART ATTACK, IYAK DUGO, FLIP TABLES, PAGWAWALA, AT PAGKANTA NG KA-ALIENAN na hindi angkop sa mga HINDI FANGIRL. NO SOFT COPIES © COPYRIGHT 2015