33: Fansite 101

1.1K 59 7
                                    

Dear diary,

Lahat ng fans naghahangad makita ang mga idol nila. Pero paano pag naghihinala sila na may girlfriend ang idol nila? Hahayaan na lang ba nila na magpaikot ikot ang mga rumors sa utak nila? Siguro pare-parehas din kaming gagawin ang naiisip ko.

Pano ba?

Ang maging isang fansite noona?

--

"Reregalo mo to sakin tito?! SALAMAT!!"  -Isang 'Basooka Camera' na pwedeng palitan ng lenses ang niregalo sakin ni tito noon.

"Kung gusto mo ang ginagawa mo, at kung lalagyan mo ng love at dedication, Pwede ka nang maging isang fansite noona." -Love, Dedication at responsibility; Secret recipe ng isang fansite noona.

Muli akong nagbalik tanaw sa buhay ko habang tinititigan ko ang camerang hindi ko naman nagamit ever since na bigay sakin ni tito. Andito parin. Hindi pa nabubuksan. Hindi ko alam kung dapat ba kong magopen ng isang fansite o pabayaan ko na lang ang mga fansite noonas na gumawa ng trabaho nila. Alam kong magiging sasaeng ako pag ginawa ko to. Pero hindi naman ibig sabihin nun na kukunin ko na din pati privacy nila. Ang pagiging fansite noona ay pagiging responsable. Kung responsable ka sa sarili mo, hindi mo naman siguro susundan si bias maging sa C.R kung wala ka namang kukunang preview para sa mga fans.
Siguro, gagawin ko to dahil gusto ko. 

Gagawin ko to dahil balang araw aalis din ako sa lupang tinatayuan ko at babalik din ako sa Pilipinas. Balang araw balik fangirl ulit ako, mabubulok sa harap ng computer, at eenjoyin ang mga previews ng mga Korean fansite noonas. Susulitin ko na ang mga nalalabi kong taon dito sa Seoul. Author na ko ng sarili kong fanfiction. Naging isang Hardcore spazzer din ako na sobrang babad sa internet kakaboto, kakapanood ng reality show, at kakapanood ng MVs nila. Naging isang Byuntae fan na laging shiniship ang bias sa bias wrecker niyang si Kim Taehyung. Naging silent spazzer na kung saan hindi ka makasigaw sa public pag pinapatugtog ang favorite KPOP song mo.

Naging isang Delusional fan na hahalikan ang poster at yayakapin bago magconcert kasi tuwang tuwa na sa simpleng sulyap at sa isang normal na araw lang para sa iba ang makapagpapasaya sayo.

Naging isang sasaeng fan sa concert na napahiya ng sariling manager ng Bangtan.

Naging isang fan na pinagtanggol ang idol sa mga haters.

At isang fan na nasaktan, umiyak, napagalitan, napahiya, at nagmahal. Isa akong fan na nagawa na ata ang lahat ng spazz sa buhay. Mapaspazz sa C.R, Sa public, sa Private, sa SNS, sa classroom, at sa mga lugar na alam ko naman na wala dapat KPOP, nasingit ko pa. At itong pagkakataon na to, kung saan nagawa ko na ang lahat,

Mabuti pang sulitin ko na, at maging isang Fansite noona.

Fangirl's Diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon