Dumating kami sa MOA Arena ng mabilisan. Hilong hilo ako sa byahe sa kamamadali ni Hanna at tili ng tili ng tili sa loob ng kotse. Sinigawan ko na lahat lahat, wala parin. Rindi na ko.
Bumaba kami ni Hanna sa may mismong tapat ng MOA Arena. Nakita ko yung mga fans na nagiinternet, nagtetext or anything na related sa phone nila. Unang bumaba si Hanna. Yung lakad niya akala mo model. Ganda pumorma. Sunod ako na nakasukbit ang bag. "Hoy babae. Wag mo isukbit yang bag mo. Wala ka sa University." Ano bang pake ko e wala naman may paki sakin dito diba?
Gaya ng sinabi ko sa inyo, lahat ng fans makikita mo sa concert. May Jeje, may Rich kiddo, may senpai na sobrang tagal na sa KPOP, may peymus, may papeymus, may fansites, may author, at kung ano ano pang mga fans ang makakasalamuha mo.
Akala namin peaceful kaming makakalakad papuntang bigayan ng banners. May sponsored lightstick na kasi kami kaya hindi na kami namomroblema. But still, bibili pa din kami.
May lumapit samin matabang babae na tingin ko mga nasa edad 20. Okay. Pano ko ba to sasabihin? Ang kapal ng make-up. Fit ang soot. I mean, pati sa jacket. Tapos yung tiger print ba na jeans ang tawag? Semi hapit din sa kanya tapos yung wedge niyang brown. Okay hindi naman sa nandidiscriminate pero. Hay. Basta. "Excuse me?" British accent. Rich kid to mga pre. Kinurot ako ni Hanna sa may braso. Sign na naartehan din siya. "Yes?" Wait.
Labanan ba to ng pagandahan ng English Accent or?
Nagsalpak na ko ng earphones. "Do you have a royalty ticket to sell?"
"I have but I'm not selling it sorry."
"Fine then. I just think that you're not deserving to be on that seat."
"Excuse me?" Shoot. We're on trouble. /insert sipol ni Hyuna sa troublemaker/. "Wait, how long have you been in this fandom? Don't be a hypocrite pretending to be an ARMY even though you're not. I've been in this fandom since they debuted and I think you're not. Don't call yourself a real fan if you only pay for concerts and has a lot of Albums. A real fan is the one who stayed up night to vote for their idols and spent their reality to virtual world just to support them. Did you get my point?"
Sisingit na ko. Umiinit na dugo ni Hanna e. "AY ATE. Maganda naman seat sa VIP e. Yung iba nga hindi makakapunta so swerte pa din tayo. Sana talaga lahat ng ARMYs nakapunta."
"Shut up."
Ah ganon? Shut up?
"Hoy matabang babae na hindi maFIT ang jeans sa malaking pata. Tangina ka? Iniirapan mo ko? DUKUTIN KO KAYA YANG MATA MO? Shut up? Ako? Ikaw ang tumigil. Tandaan mo. Kapal ng mukha nitong magsoot ng tiger printed jeans! Ate makuntento ka sa mga nakukuha mo. BUTI KA PA NGA NAKAVIP EH. Eh yung iba nasa bahay umiiyak! Hindi mo ba marealize at hindi ka ba naawa sa kanila? Mas REAL fan pa sila sa'yo at kung pwede lang pagkasyahin ko sila sa upuan MO, gagawin ko. Ikaw ang hindi deserving gaga." Kinurot ako ni Hanna at ako naman ang nangirap sa kanya. Samantalang siya mangiyak-ngiyak na dahil napapatawa ang mga fans sa tabi ng MOA Arena nanonood. "Nakakastress sa leather jacket yun ah. Buti na lang marunong ako magaccent ng english."
"English english ka pa eh ako nga palengkera ang boses ko. Natatapakan na dignidad ko e. Wala akong ginagawa, shinut-up-an ako? Edi wow."
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary (Completed)
FanfictionAng diary-ing to ay hindi lang basta diary. Maaring may mga extra FEELS, MINI-HEART ATTACK, IYAK DUGO, FLIP TABLES, PAGWAWALA, AT PAGKANTA NG KA-ALIENAN na hindi angkop sa mga HINDI FANGIRL. NO SOFT COPIES © COPYRIGHT 2015
