26: Korean Fanmeet

1.4K 73 12
                                        

Bumangon ako sa pagkakalaylay ng kalahating katawan ko sa higaan. Isang maling galaw ko, siguradong mahuhulog ako dito. Hinanap ko ang phone ko kung nasaan at tinignan ang oras. 7am. 
Mamayang 10am may maliit na fanmeet ang Bangtan. Malapit lang yun dito samin na kayang lakarin. Pupunta pa ba ako? Parang ayoko nang magpakita sa sobrang kahihiyan. 

Lumalala na kasi ang sakit na to. Hindi na bias ang tingin ko sa kanya eh. Hindi na rin idol. Sa sobrang napapalapit ka sa kanya, the more na hindi mo narerealize na isa kang hamak na fan lang sa isang kumpol na tao. 

Kung isasummarize mo lang naman ang istorya ng fangirling, isa lang naman ang mabubuong idea e. 

She loved a boy. He didn't know. But she couldn't let him go. She screamed his name, he didn't hear, she tried again once every year. She cried once more as she stood and bowed because she was just another girl in the crowd.

She was just another girl in the crowd. Kahit ako hindi ko maimagine na magiging kami ni Jungkook sa lagay kong to. Alam ko naman na yung halik na yun ay halik kaibigan lang. Kahit si Hanna hinahalikan ako sa noo kapag maghihiwalay kami. Wala naman ibang meaning yun. 

Aminin ko na kasi na wala naman talagang mangyayari. Siguro hayaan ko na lang yung sarili ko na mahalin ang taong hindi naman ako gusto. 

Tumunog ang phone ko at agaran ko namang chineck kung sino yun. Isang message kay Taehyung, Isa kay Hanna, at isa kay Jungkook. Inuna kong buksan ang message ni Hanna. "Bangon ka ng 8am. Punta tayo sa fanmeet. Mamimili lang ako ng mga groceries at foods." 

Sunod kong binasa ang message ni Taehyung. "Enjoy ako last night. Salamat ah ;)" 

"Sige sige. Next time ulit. :))" Reply ko sa kanya. Still, nakahilata pa rin ako sa higaan.

Agad kong binuksan at binasa ang message ni Jungkook na nagpatigil ng oras ko panandalian. 
"Good morning :)" Hindi ko alam kung dapat ba akong magreply sa ilong ranger na to o hindi. Kada nakakabuo ako ng isang sentence, agaran ko rin tong buburahin. Parang nagsasagot ako ng True or False na hindi ko alam kung True ba or False. "Group send ba yan? Hahahaha."

Biglaang tumunog ito makalipas ang ilang sandali. 

"Hindi. D: Good morning Elise. :))"

"Good morning. Bakit? :))"

"Pupunta ka ba mamaya? Punta ka. x)" 

"Sige."

TEKA ANO YUNG TINYPE KO?! "ANO PALA."

"Bakit? :)) Punta ka mamaya ah. Saglit lang naman yung fanmeet namin eh. May gagawin ka ba?"

"Wala naman. Pero kasi."

"Ay nako, baka naman may importante kang gagawin tapos mas uunahin mo pa tong fanmeet. Hindi kita papayagan diyan Elise. Maaasar ako sa'yo sige. Hahahaha. Sige pass ka muna ngayon. :)" 

"Nahihiya kasi ako." Bigla akong napabalikwas nung nasend ko ang text na yan. HINDI KO NA PWEDENG ICANCEL ANG SENDING DITO KAYA GUSTO KO NA NGAYON IBATO TONG SELPON KO AT MAGWALA DITO. Mga ilang minuto lang ay tumunog na naman to. Dahan dahan kong binuksan, at binasa ang text niya. "Dahil ba kahapon? Sa pagiyak mo? Elise, I care about everyone. I don't want to see you crying either. Wag ka nang mahiya." 
You care about everyone. You care about your fans nga naman.

Fangirl's Diary (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon