52: The who

1.2K 64 56
                                        

Natapos ang radio station ng puro tanong sa isip ko at wala naman akong napala kagabi. Tangina totoo ba yun? Pero sinong tanga namang lalaki ang magpropropose sa harap ng madaming tao?



Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tapos meron pa ko ngayong araw. JUSME. Regla + Jaehyun. Nako problema kayo sa buhay ko. Pano ko ihaharap ang mukha ko mamaya? "Ambilis mo kumain." Sambit ng nanay ko.

"HA?! TAE. MAMAYA NA LANG AKO AALIS DITO LANG AKO. PAPALATE AKO. PAPALATE AKO."



"May iniiwasan ka ba sa school?! Napaaway ka ba?! Wag mong sabihin na...



Ikaw yung Elise kagabi at yung lalaki sa radyo yun yung manliligaw mo?!"



"Oo nga ma, ang hirap kaya..





HA?! HINDI SIRA. WALANG NANLILIGAW SAKIN SA PANGIT KONG TO."



"Alam mo kaya hindi ka makausad sa panahon kasi hindi mo tinatanggap yang anyo mo eh. Pangit ka? Ang ganda ganda mo nga. Mas maganda ka pa sakin nung araw ano." She just used the word 'Nung Araw'. ANG TANDA NG NANAY KO AH AHAHHAHA. "Tsaka kalimutan mo yang mga pressure mo sa pagaaral. Sabi ko magaral ka mabuti. Hindi ko sinabing magpakaobsess ka sa mataas grades at maging Newton na tipong nilalagpasan pa yung mataas na grades at ikaw lang nagbrebreak ng record. Nakakabaliw yan Elise. Minsan kailangan mo din makaexperience ng love at ligawan. Normal na yan sa High School at iCherish mo lang yan. Pinalaki kita para enjoy-in ang buhay. Hindi kita pinalaki para isubsob ang sarili sa SOBRANG TAAS na grades para magkapera. Ang pera nandyan lang yan. Pero hindi mo madadala ang ala-ala niyan pag tumanda ka. Pinagaattend kita ng concert at pinasali sa fandom kasi alam kong yan ang huhubog sa pagkatao mo.

At alam kong maganda ang nagawa ng BTS sa'yo pati ng mga kafandom mo. Naintindihan mo ba?

Ligawan ka? Sure, pakilala mo sakin. Pag sobrang nasatisfy ako niyang lalaking yan, susuportahan ko kayong dalawa."



"Ma, hindi talaga yun yung—"



"Elise, alam ko na ang lahat."





"Ha?"



"Hindi mo ba nahahalata?"







"Ang alin ma?"




Fangirl's Diary (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon