31: Bias x Ulzzang

1.1K 57 3
                                    

"Siya daw yung girlfriend nung Ulzzang?"

"Hala grabe naman may girlfriend na pala yun."

"Hala hindi ko inasahan yun ah."

"Simple lang naman siya eh. Hindi naman maganda."

Tinakpan ni Hanna ang tenga ko habang naglalakad sa hallway. Pinigil ko ang galit ko, ipinikit ko ang mata ko, at huminga ulit ng malalim. Ayos lang sakin na bastusin nila ako as long as wala silang sasabihin sa mga kaibigan ko, sa family ko, at sa fandom ko ng masama dahil kung hindi, magkakaroon ng murder dito sa school. Magbubuga ako ng apoy na siguradong gagawin silang abo ng di oras.

"Pag nagagalit ka kasi, para kang Lighter na nagbubuga ng apoy. Isipin mo na lang yung apoy na yun ay pangtratrashtalk at pangongonsensya. Para kang dragon umasta eh. Sobrang lakas."

Anong magagawa ko Dry Ice? At least hindi ako nagtatago ng galit. 

Kung hindi dahil sa kanya edi sana hindi ako pinaguusapan ng ganito sa school. Gano ba kasi kasikat si Dry Ice at kilala siya ng lahat? Tsk,

"Hanna may nabanggit ka sakin na Ulzzang diba? Sabi mo kamukha siya ni Jongsuk. Patingin naman." Napasmirk si Hanna. Kung ano ano na naman yung pinagiisip nito. Pinaliwanag ko na sa kanya ang lahat na may nangloko sakin at ipinakilala ako sa babaeng hindi ko naman kilala bilang girlfriend niya. Humagalpak lang siya ng tawa.
"Bakit Elise? Naghahanap ka ng Ulzzang para may malandi ka?"

"Aanhin ko ang best face kung kasing lamig naman ng -999 degrees celsius ang paguugali at kasing lakas ng bagyo ang hangin dahil sa sobrang yabang."

"Bakit may parang pinaghuhugutan ka." Lumihis na lang ako ng tingin at hindi ko na lang siya pinansin. Lalo akong aasarin nito at baka may mabunyag pa ko na nakausap ko tong lalaking nasa picture sa training. Baka madulas din ako at masabi ko sa kanya na siya yung lalaking kinukwento ko sa kanya kagabi. 

"Hay Elise, Tsk. Yang Ulzzang na yan ang ayaw magpakilala kahit anong pilit ng mga fangirls niya. Yung mga kaklase niya, ayaw din ibigay sa mga fans niya yung real name niya kasi alam nung mga yon na may mga sasaeng din na pupunta." Ang tigas naman nitong lalaking to. Kala mo naman kung sinong Hallyu star. "Kasing edad mo, 16 years old, Sikat sa pangmomodel, Naka sampung CFs ng soda commercials, Clothing, at sapatos. Pati specs or salamin. Nung bata siya, model din siya ng toothpaste. Kaya ang puti ng ngipin niya. Sabi nung ilan sobrang puti daw niya." Oo sobra. "Tapos matangkad." Oo. Mga sampung story building. "Tas sobrang gwapo daw pag ngumiti."

Fangirl's Diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon