Author's NOTE: Putangina nung comments sa Chapter 40 HAHAHAHAHAHA Seryoso guys mas madaming comment yung Chapter 40 kesa sa Chapter 1 natatawa ako. BTW, Alam kong may mga hints na kayo kung anong mangyayari pero madami pang PLOT TWISTS. WITH S. Keep reading~ Salamat sa lahat :D
---
"Lee Jaehyun? Diba siya yung naleaked sa 6ACES na bagong group ng BigHit?"
"Bakit siya nandito at nagtatagalog?"
"Magkakilala sila ni Ate?! Swerte naman."
"Baka sila. Pero feeling ko hindi."
Samu't Saring bulungan ang naririnig ko. Mapalikod, mapakatabi, pati sa mga likod ng likod na row namin naririnig ko din ang mga boses pepe nilang boses dahil sa sobrang tinis. "Wala bang welcome Lee Jaehyun na tarpaulin? Hahaha Sila ba ang PH ARMYs?"
"Jaehyun-ah..."
Lumingon siya sakin at agad ko siyang tinitigan ng masama. "Ikaw ba, Tinigil mo na ang pagtretraining mo sa Korea?"
Panibagong bulungan na naman ang umaalingaw ngaw. Para silang mga lamok na papasok sa tenga habang natutulog. Nakakairita. Pinaupo ko si Jaehyun at nagusap kami ng mahina habang si Hanna semi nakikinig para takpan din ang mga nakikinig na katabi. "Umalis ako sa BigHit dahil sa'yo. Kasi medyo.. Medyo lang naman na nakakahint ako na hindi sa 2017 ang alis mo. Kundi malapit na. Para masiguro kung kailan ka aalis at para masulit ko naman yung mga oras na kasama ko ang inaasar ko, naquit ako. Sinusubukan ko din kung maghahabol ba ang talent agency sakin o hindi.
Naghabol sila, at nung umalis ka, Sinubukan kong pagisipan lahat ng yun kung sasali pa ko. Hanggang sa may nagleaked ng mga pangalan namin sa internet. Isang trainee ang nagleaked. Hindi siya natanggap sa 6ACES kaya siya ang nagleaked ng mga pangalan, at debut year ng grupo. Nang makita ko yun, hindi na ko tumuloy. Napagisip isip ko na kung doon palang, sa simpleng pangalan at debut year, maingay na ang nasa SNS, interesado na agad samin, what more kung magdedebut kami? Baka mamaya pati address ng Dorm namin maleaked na din. Elise, sabi ko nga sa'yo, iba ang Korean fans. Hindi lahat makakaclose at matutuwa ka kasi ang ilan sa kanila, daig pa detectives. Kaya yung leaked na names? Wala na ko sa 6ACES. Mas minabuti ko na lang na maging fanboy ako ng BTS. Gaya nito,
Effortless. Sisigaw at gagastos ka na lang. Di tulad sa pagiging idol. Gagastusin mo ang dugo't pawis mo." Napabugtong hininga ako. Sa totoo lang, nanghihinayang ako dahil sinayang niya yung opportunity na mapunta siya sa magandang talent agency. Sinayang niya yung opportunity na mapalago pa yung talent niya. Pero kung ayaw naman talaga niya, sino ba ko para humadlang diba? "Asan ang lightsticks niyo?" Agad niyang tanong
"Wala kaming lightsticks. Naubusan kami.." Banggit ni Hanna.
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary (Completed)
FanficAng diary-ing to ay hindi lang basta diary. Maaring may mga extra FEELS, MINI-HEART ATTACK, IYAK DUGO, FLIP TABLES, PAGWAWALA, AT PAGKANTA NG KA-ALIENAN na hindi angkop sa mga HINDI FANGIRL. NO SOFT COPIES © COPYRIGHT 2015