Hindi ko alam ang dapat kong sabihin kay Hanna nang mairita siya sakin dahil pagala gala ako sa loob ng kwarto. "UMUPO KA NGA!"
"Hindi ako mapalagay eh. Tama naman yung paalam ko kanina kela Jungkook at sa BTS. Maliban sa ibang members kasi hindi ko naman sila gaanong kaclose bukod kay Taehyung at Jungkook lang. Parang hindi kumbinsido sa mga paalam ko kanina?"
"Kay Dry Ice? Nagpaalam ka ba ng maayos?"
"Bakit ako magpapaalam ng maayos dun?"
"Elise, Ang flight natin ay sa Sunday na. Sunday ng tanghali. Friday na ngayon. Kaya kung ako sa'yo para makuntento ka, magpaalam ka ng maayos." Inirapan ko lang siya. Talagang naiirita ako sa lalaking yon. Hindi ko lang alam kung bakit siya ganto makagulo ng isip ko. Parang bagyo siya na dadaan. Ayaw ko na nga, dagdagan mo pa ng panira sa buhay. Dapat pala bagyong dry ice ang tawag ko sa kanya.
Kinalikot ang bag ko dahil tumunog ang phone ko. Hindi ko muna pinansin ang phone ko dahil may nakita akong bagay na pakiramdam ko hindi sakin at nakapagtataka kung bakit nandito sakin. "How. To. Socialize. With. Other. People?
SI DRY ICE MAY PAKANA NITO! Pero bakit nasa bag ko to? Pano niya nalagay to sa bag ko?"
Hindi kaya? Nung may lagnat ako? Anong sinasabi ko nung may lagnat ako? Baka bigla akong sumigaw nung natutulog ako? Or sinabi ko sa kanya na ayaw ko sa mga tao? Elise, Kung ano man yung ginawa mo, sa tingin ko naman may matutunan ka diyan sa librong yan.
"Elise, bakit galit na galit ka ba dun kay Dry Ice? Ano bang meron sa kanya?"
Galit nga ba ako kay Dry Ice?
"Hindi naman ako ganun kagalit." Umupo ako sa may office chair at binuksan ang cabinet. "Hindi kaya't may gusto ka kay Dry Ice, Elise?"
"AKO?! Wala ah." Kumuha ako ng bond paper at nagsimulang magsulat. "Hindi naman ako galit sa kanya, Hindi rin ako naiirita sa ugali niya. Medyo lang haha
May kung ano lang sa kanya na kapag ininis mo siya at kapag ininis ka rin niya, matutuwa ka. Pag binully mo siya, pag naiinis yung mukha niya, nakakatawa. Parang gusto mo siya bullyhin pa ng todo hanggang sa maasar siya tas mapikon. Yun siguro ang best asset niya sa ugali."
"Alin? Yung itsura ng mukha niya pagnaiinis?"
"Hindi. Yung pangaasar niya. Iba kasi sa typical na pangaasar eh. Kahit sabihin mong maiinis ka, matatawa ka na lang pagkatapos. Tapos kapag napikon ka, ang gagawing apology sayo is pangbubully pa din."
"Eh ano yang ginagawa mo?"
"Nahihiya na kong lapitan siya at sabihin na aalis na ko. Pagkatapos ng bully at sigaw na ginawa ko sa kanya, parang wala naman akong nagawang matino as co-trainee. Hahaha. Kaya by letter na lang siguro. Iipit ko dito sa libro niya tapos ibibigay ko bukas. :)" Siguro dito na lang at wag sa text. Mas sincere din yung sorry sa mga kagaguhan ko kung by letter.
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary (Completed)
Fan-FictionAng diary-ing to ay hindi lang basta diary. Maaring may mga extra FEELS, MINI-HEART ATTACK, IYAK DUGO, FLIP TABLES, PAGWAWALA, AT PAGKANTA NG KA-ALIENAN na hindi angkop sa mga HINDI FANGIRL. NO SOFT COPIES © COPYRIGHT 2015
