42: Dry Ice Sublimes

1K 61 13
                                    

"GISING NA ELISE. ALMUSAL MO NANDITO NA."

"OMO MA, MALELATE NA KO!"

"Tanga, Korean school yung papasukan mo. Hindi ka papasok ng 7am gaya ng dati dito sa mga ibang school. 8am pasok mo gaga."

"ALAM KO YUN KASI KOREAN SCHOOL AKO PUMASOK DIBA? SOPA. SOPA MA, SOPA. Papasok ako ng maaga kasi trip ko. Maglilibot ako sa school!"


Umalis ako ng bahay ng sobrang aga. 7:00 palang ng umaga nasa school na ko. Hindi ko na papangalanan yung school. Basta Korean school. Hindi naman yung tipong magaaral ka ng Korean language or hindi. But yung setting o yung place, parang SOPA or parang eskwelahan talaga sa Korea. Sliding classroom door gaya ng dati, tapos yung mga upuan nasa tabi mismo ng bintana para kapag wala kang interes sa turo, tutunganga ka na lang dun at papanoorin yung mga naglalaro ng baseball sa grounds.

Ganun lang dito ulit. Medyo maliit lang to ng 20% sa SOPA. Ang SOPA kasi sobrang laki. Eto parang mini SOPA lang pero feel ko padin ang lugar. Presko, hindi mainit, dahilan na siguro ng medyo madaming puno. Ang uniform, hindi long-sleeve at maikli ang palda. Parang normal highschool lang sa pilipinas. Ang kaso lang yung palda maikli at dito, yung necktie talaga, NECKTIE. hindi yung parang medal lang na sosootin. Dito necktie talaga ang gamit. Babasi ka lang sa kulay. Ganun pa din naman, TV sa may left side ng harapan, Isang palapad na blackboard, dalawang sliding door, at puro mga koreana. pili lang ang mapipili mong mukhang pilipino.

Umupo ako sa dulong upuan sa likod. Hindi ako tinatantanan ni Hanna kaya nandito padin siya. Ayaw niya talaga ako layuan. "Elise." Lumapit siya sakin. Kami palang ang tao sa classroom at medyo tahimik pa sa loob ng campus. "Medyo may kukwento ako sayo."

"Medyo may ikukwento?"

"Hindi kasi talaga mapakali tong bunganga ko kapag hindi ko to sasabihin sa'yo eh."

"Ano ba yun?"

"Madami daw..

Multo dito sa school na to." Eto na naman. ANG WALANG KATAPUSANG HIGHSCHOOL HORROR STORIES. Paulit ulit na lang sa lahat ng school na napasukan ko sa tanan ng buhay ko ang mga horror stories sa school. Sa SOPA naniniwala ako sa mga kung ano ano dun kasi napakalaki ng school na yun. Pero yung last na school dito sa pinas na pinasukan ko? Wala naman akong naramdaman kaya hindi ako naniniwala. Ilang taon na ko dun sa school na yun. Niregla na ko lahat lahat, inugat na ang mga paa ko dun, wala pa ni isa ang nagdare na magparamdam sakin. Dito? Siguro meron, isa pa wala akong alam sa school na to. Kumbaga ALIEN kami dito. "Kasi ganito. Kanina pag pasok ko ng school, 6am yun. Inagahan ko kasi gusto ko maglibot. Pero sabi sakin nung guard. Nasa curfew hours padin daw ang Music room kaya daw wag daw dumaan sa hallway na yun. Tinanong ko kung bakit may curfew hours ang Music room. Sabi niya, 8pm - 7am ang curfew hours ng Music room dahil sinabi sa kanya ng principal na gawin yun. Nacurious ako at sabi niya dahil daw yun sa babaeng nagFluflute ng Onara sa loob. (Onara - Popular folk song sa South Korea na ginawa noong Joseon Dynasty Era.)"

"Tumutugtog ng Onara sa loob? Edi nakakarelax pakinggan yun? Woah. Lupet."

"Oo natugtog siya ng Onara sa loob kasi siya yung Music Teacher dito na namatay sa aksidente at di nakapagpaalam sa estudyante. Habang nagtuturo daw kasi siya sa loob ng music room, lumabas siya sa campus at tumawid ng kalsada tas nasagasaan siya ng kotse. And then yung mga rumors dito, kasama nung mga janitor na nagaalisan dito, sabi daw, after magplay nung Onara, which is 2 minutes or 3minutes, bigla daw may kakalampag sa loob at maririnig mo daw yung boses na naiyak at naungol na 'goodbye class'. TANGINA ANG CREEPY DIBA DIBA?" Bigla akong kinilabutan sa kinuwento niya. "Asan ba ang Music room?" Tanong ko kay Hanna. 

Fangirl's Diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon