45: Bias

1.2K 74 12
                                        

Isang maambong panahon ang sumubok sa Day 1 na pekeng relasyon namin ni Jaehyun. TAKTENG PROJECT TO. KUNDI DAHIL SA PROJECT, HINDI TALAGA AKO AARTE NG GANTO KAARTE. Isa pa graduating na din ako. Pag dating ko ng College baka hindi ko na rin makita si Jaehyun /evil laugh/.

Pumunta ako sa bahay nila Jaehyun dahil siya lang naman ang may magandang bahay saming dalawa. Maaga ko siyang tinawagan. Medyo malamig lamig ang simoy ng hangin dito dahil wala naman kami sa siyudad. At medyo fresh ang hangin lagi dito sa amin dahil napapaligiran kami ng puno at halaman. "Jaehyun-ah. Papunta na ko kahit 6pm pa sabi mo. Wala akong ginagawa sa bahay kaya gawin na natin para matapos na.
Naambon na dito
pero naglalakad parin ako.
Wag mo na ko sunduin kasi malapit na ko sa inyo." YEA RHYME. 

Pinindot ko ang doorbell ng gate nila. Sobrang ganda ng doorbell as in. Siguro pasadya to ng magulang niya. HAYS Yaman e.
Pumasok ako sa loob. Ganun pa din naman. May dala akong camera at siya naman ganun din para magvideo ng pakunwaring stolen.
Pinatuyo ko ang buhok at nagsimula na naming planuhin ang project. "Okay ganto gagawin natin. Since na kunwaring Role play lang to gaya sa twitter, pakunwari ka na lang magact tayo as mag-asawa. Okay? Kunwari maglalaba ako kahit hindi naman. Kunwari magluluto ako, kunwari matutulog tayo. Tapos nun mapupunta tayo sa explanation kung bakit mahirap magkaroon ng commitment o kung ano man. Okay? Sa ngayon matutulog muna ako sa guest room niyo dahil nanghihina ako."

"Nanghihina ka? May sakit ka?"

"Hindi. Sa paglalakad ko siguro to kaya ako napagod." Hinipo niya ang ulo ko at agad ko namang tinampal ang kamay niya.

"May sakit ka."

Jaehyun's POV

Si Elise na lang ata ang hindi reklamadora pag dating sa sakit sakit ng katawan. Wala akong paki. Sapilitan ko pa rin siyang binuhat at inilapag sa kwarto ko kahit nagpupumiglas siya. Kahit anong gawin niya rin naman ay di rin siya makakatayo kasi nahihilo din siya kaya wala rin siyang magagawa. Parang dati lang naman sa Seoul. "Next time kung di mo kaya kasi kaya wag mo na ipilit. Magkakasakit ka lalo e.

Oh

Nga nga." Sinalampak ko ang gamot sa bibig niya at uminom siya ng tubig na walang reklamo. Hindi naman ganun kataas ang lagnat niya pero nahihilo siya kaya pinahiga ko muna siya. Umupo ako sa tabi niya at nagbasa ng libro. "Dang hilig mo magbasa ng libro?"

"Wala kang paki. Matulog ka diyan." Dalidali kong kinuha ang camera at nagshoot na habang nakapikit siya.

DANG EPIC NG MUKHA NIYA KAPAG NATUTULOG. "Ayan so kinukuhanan ko na po si Elise habang naidlip at ang epic po ng mukha niya kapag may sakit.

Para niya pong dala ang langit at lupa."

Sa hindi inaasahang pagkakataon bigla siyang sumigaw habang nakapikit na aga ikinagulantang ko. "ITIGIL MO YANG PAGVIVIDEO O IPAPAKAIN KO SA'YO SD CARD NIYAN. ISA!

DALAWA!"

"DANG KJ NENTO BADTRIP."

Fangirl's Diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon