Tahimik akong pumasok sa loob, hindi ako makapakali kung saan ba ako dadaan. Kung sa gitna ba ng sala, or sa likod nila Taehyung at ni Jungkook, o sa likod ni tita. Pag kasi pumunta ako sa likod ni tita, baka tignan ako ng masama nun. Ayoko ng spoiler kasi aabangan ko talaga kung anong pinaguusapan nila. Kung dadaan naman ako sa gitna, medyo bastos. Putek.
Sa likod na lang ako ni tita dumaan. Pinakiramdaman ko ang paligid.
Tinignan ko si Taehyung nang bigla niya kong kindatan sabay ngiti. Nagpipigil na lang ako kasi gusto kong sampalin siya sa sobrang ka-cute-an. Si Jungkook naman ay patango tango lang sa sinasabi ni tita.
Medyo nagtaka lang ako. Nung pagkadaan ko, itinigil nila yung pagkukwentuhan nila or sermon. Pagka alis ko, tinuloy na nila. Pumasok agad ako sa kwarto namin ni Hanna.
Sandali nga,
Ngayon lang ako nagtaka. Diba ang condo unit ay maliit lang? Bakit ang laki nitong bahay? Sa tagal tagal ko nang nakatira dito, bakit.
Wait.
Hindi kaya yung condo na sinasabi ni tita is bokster lang? I mean sinungaling?
"Hanna."
"WAG MO KO KAUSAPIN HUHUZ."
"MAY TANONG AKO.
Condo ba to ni tita talaga? Anlaki..."
"OO TANGA. Hindi lahat ng condo maliliit at walang second floor. Jusme.
Elise.. KINAKABAHAN AKO. Anong pinaguusapan nila sa baba?"
Umupo ako sa homework table na lagi kong ginamit sa paglalaptop, at nagpaikot ikot sa office chair. Binuksan ni Hanna ang aircon, nagkumot at nagparolyo rolyo na parang pusa sa higaan. "Tumigil sila sa 'Talk' nila nung dumaan ako eh. Feeling ko nga medyo seryoso. Teka, bukas na yung prom night diba?" Tanong ko sa kanya.
"Putangina oo nga pala.
PERO BAKA NAGPAPAALAM SILA TAEHYUNG AT SI JUNGKOOK MO DUN SA BABA KUNG PWEDE MAKIPAGDATE SATIN. NAPAKAROMANTIC NAMAN!~"
"Hindi Hanna. Part na yun ng respeto kasi ng mga koreano. Wag tayong magassume." Dinampot ko ang cellphone kong nagchacharge at tinext si Taehyung. "Anong pinaguusapan niyo oy?"
"Prom."
"Ba't antipid mo sumagot ha?"
"AKDHKLAWJA;!@#%@#$%#%^$%NA,NS,DNA,DNA,NMDM,AND,MAD,ANDM,AND,MA. .... Prom."
"SERYOSO :("
"Di. Pinagpapaalam ka namin. Kung pwede kayong makasama bukas for real. As in. Pumayag na yung tita mo. Nakikipagkwentuhan lang siya samin kanina."
"Eh ba't kayo tumigil sa paguusap nung dumaan ako?! D:"
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary (Completed)
Fiksi PenggemarAng diary-ing to ay hindi lang basta diary. Maaring may mga extra FEELS, MINI-HEART ATTACK, IYAK DUGO, FLIP TABLES, PAGWAWALA, AT PAGKANTA NG KA-ALIENAN na hindi angkop sa mga HINDI FANGIRL. NO SOFT COPIES © COPYRIGHT 2015
