38: The Prank Call

1K 64 7
                                        

"ANAAAAAAKKKKKKKK!! Nagenjoy ka ba ha? Ha? Ha? Sa Korea?" Ngiting ngiti ang nanay ko nang salubungin ako. Pero sa pagkakangiting yun, parang gusto ko na lang sumimangot buong maghapon pagkauwi ko ng bansa. "Hindi ka ba nagenjoy?"

"Wala ako sa mood ma eh sorry."

"Tita, May hindi kasi siya nagawa sa korea. Yun yung kausapin ng matino yung kaibigan niya. Hindi siya nakapagpaalam ng pormal at maayos eh." Bulong ni Hanna. Bubulong na nga lang, maririnig ko pa. Para tuloy nireregret ko na lahat lahat. Nakakapanghinayang. Parang lahat ng punta ko dun hindi ko man lang naenjoy dahil lang sa simpleng bagay na yun. At siguro dahilan na rin don ang pagkawala ko ng mood ng sobra sobra. 

Kumain kami sa labas, at sa Korean Restaurant pa. Baka daw kasi maCulture shock kami ulit dito. HELLO? DUN BA KO LUMAKI SA KOREA PARA MACULTURE SHOCK AKO DITO SA PILIPINAS?
Nang makauwi kami, binuksan ko agad ang twitter ko at sobrang daming notifications. Gusto kong ideactivate ulit to at gumawa naman nung twitter account na pangspazz at hindi yung ganto na puro na hangul. Tutal nasa pilipinas na ko, siguro kailangan ko nang baguhin tong account ko.

Lumipas ang mga ilang buwan at medyo nakakalimutan ko na din or nawawala na ang feels ko sa Korea. Kung baga nakakamove on na ko sa buhay at nasasanay na ko nang hindi nagwawala pag iniimagine ko na nakapunta ako sa Korea at nagspazz pati nakapagaral sa SOPA. Ngayon, nagreready na ko sa College at alam kong pagtumuntong ako ng College, siguradong wala na kong time para sa EXO, BTS, APink, Red Velvet, at mga fandoms ko. Siguradong magsisipag ko magaral sapilitan at siguradong hindi narin ako makakapagspazz. Since na grade 11 ako umalis sa SOPA, Ang itetake kong College is 2nd year College na siguro. Gusto ko sana sa Performing Arts din magaral dito kaso, ano namang mararating ko?

Buti na lang kamo, NAPAKIUSAPAN KO SI MAMA. "Ma, gusto kong maging reporter."

"HA? Osige ikaw bahala." Pag future at courses kasi walang paki si Mama as long as gusto ko yung ginagawa ko. Bakit gusto kong maging reporter?

Alam niyo naman na siguro kung bakit? HAHAHAHAHAHA F.A.N.D.O.M.

"Bakit mo naman iniisip yan eh isang taon pa naman."

"Isang taon?"

"Oo. Grade 12 yang papasukan mong school ulit. Sa private school na kita papagaralin at sa mismong katulad ng sa korea. Yung tipong korean style class ang papasukan mo." Nagbibiro ata si Mama. O aasarin niya lang ako para lalo akong magdemand na pumunta Sokor ulit? ASAR. 

Binuksan ko ang precious twitter kong bago at sa tingin ko medyo nagiimprove na din sa followers tong bago. 2months palang akong nagtutwitter dito matapos ang pagpunta ko sa Korea at nakaka 1,500 followers na ko. Puro Pinoy, At asians EXCEPT koreans. Siguro may koreana din akong nafofollow at finafollow back ako pero hindi katulad nung dati na puro korean kasi yung mga kaklase kong may mga Fandom. Ngayon matahimik ang buhay ko sa twitter. Binigyan ko pa sila ng hint sa luma kong twitter acount. Ang nakalagay sa bio. "I'll be making another account. FIND MEE~~" Nasiguradong magtrotroll sa lahat. Piniem ko din ang BTS_twt na iaunfollow na ko sa luma kong account at wag na rin akong ifollow sa bago para maramdaman ko naman yung feels hindi yung magDDM si Jungkook tapos sasabihing "PUPUNTA KAMI DIYAN MAGCOCONCERT KAMI" PUTA ASAN ANG FEELS DUN KUNG HINDI PA NAANNOUNCE, NAANNOUNCE NA NG MEMBER?! Kaya inexplain ko sa kanya na ayoko ng spoiler. Gusto ko yung bighit mismo ang maglalabas at gusto kong magwala habang pinupuluputan ko ang sarili ko ng kurtina sa bahay. 

Fangirl's Diary (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon