29: Sasaeng Fan

1.2K 70 17
                                        

Dear Diary,

Sana tantanan na ko ng lalaking yon. (Wow, kala mo kung sinong hinahabol) 

Namasyal ako sa Myeongdong magisa para makalayo naman ako sa stress sa bahay at para hindi na lang ako panay laptop, cellphone, computer, at spazz. Syempre minsan kailangan mong ienjoy ang bagay bagay lalo na na nandito ka na sa Seoul. Hello? Dream country to ng mga KPOP Stan.

Inilibang ko ang sarili ko sa paglalaro ng arcades, at pagkain sa mga street foods na uulit ulitin mo dahil sobrang bago sa panlasa mo. Yung tipong mapapapikit ka sa sobrang sarap. (Endorser ba ko? haha)

Hapon na at sa tingin ko naman walang training ngayon. Kung sino lang ang gustong pumunta sa Entertainment at magtraining, aba, bahala na kayo. Pero since na pahinga day ang saturday at sunday, Siguro kailangan kong magpahinga.

Ano bang nararamdaman ko ngayon sa paggagala? Eh kahit kailan, hindi ko naman trip na maggala magisa. Eto na lang ako, poker face na nagiikot dito sa Myeongdong. 

Habang nagtitingin ng mga pagkain, agad na tumunog ang phone ko. Nagtext sakin si Jungkook. "Wala kayong training?"

"Wala eh. Naggagala lang ako. Kayo?" 

"Meron."

"Dang hectic talaga ng schedule niyo. Pahing pahinga din pag may time."

"Medyo kailangan namin practice-in yung sequence ng Concert namin eh."

"FCK. TANGINA KAILAN YAN. HHOY WALA PAC AOKONG PERA!"

"Malayo pa naman Hahahaha. Ikaw? Ayaw mo bang magtraining?"

"Pagiisipan ko..

Sige."

Ako yung tipo ng taong mapapapayag mo agad kahit sa simpleng tanong. Pumunta ako ng Bighit. Binati ko ang guard at nagbow din naman siya sakin. Umakyat ako ng 2nd floor na kung saan matatagpuan ang dance studio na pinagprapractice-san ko. Siguro kailangan ko munang sumayaw ng sumayaw at magpakahaggard sa LUV na sayaw at sa Mr. Chu.

Malapit n ko sa pintuan nang makarinig ako ng sapatos na tunog ng tunog na halata mong original kasi masakit sa tenga yung squeak.

Dahan dahan akong lumapit at nakita ko

na naman yung lalaking nakakaasar na sobrang yabang. Si Mr. Ge lord. Agad akong pumasok. 

Wala siyang paki. 

Inuulit ko. Wala siyang paki.

Tuloy pa rin siya sa pagsasayaw ng MAMA at grabe. This time magpapakatotoo na ko. Ang galing niya sumayaw. Yung tingin niya sa salamin, sobrang seryoso at mamatay ka kung fan ka talaga nitong lalaking to pag nag debut. 

"HEARTLESS, MINDLESS. NO ONE. WHO CARE ABOUT ME~~

Ang galingggggg~"

Umupo siya sa tabi ng speaker at pinunasan ang pawis niya. This time sobrang awkward na namin as in talaga sobrang tahimik. Magkabilang dulo kami at sobrang layo na akala mo may volleyball net at yung tipong magseserve ako tas siya nasa dulo ng court. Nagtetext ako kay Jungkook nang bigla siyang nagsalita. This time wala na siyang mouth mask at nakita ko na ang buong mukha niya. Nangingiti ako dito kasi ang pogi niya. Pero I DON'T CARE.

"Ikaw naman sumayaw." Tinitigan niya ko ng poker face.

"Anong sasayawin ko? Hindi ko main talent ang sumayaw."

"Sumayaw ka.

"Ng ano nga?"

"Something

ng Girl's Day." Nabingi ako nang marinig kong sinabi niya yun. Hindi ako hater in fact na bias ko si Minah dun pero. HINDI BA SOBRANG AWKWARD KUNG GAGAPANG AKO MAGISA SA GITNA NG DANCE STUDIO TAPOS SIYA LANG NANONOOD? With matching fierce face pa? Ano na lang iisipin ng tao kapag pumasok sila ng dance studio at sinasayaw ko yung something sa tapat niya? 

Fangirl's Diary (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon