24. Date?

1.3K 67 19
                                    

 

Dear diary,

        Simula na ng pinaka ayaw kong program sa lahat ng program sa buong school year. MapaPilipinas, MapaKorea, hindi ako tinatantanan.

NG PANIRA SA BULSANG PROM NA TO. 

Hindi ko alam kung pano tumatakbo ang prom dito sa korea. Kung ano ba dapat ang gagawin, at kung ano ano ang mga sosootin. Sinunod ko lang ang sinabi sakin ni tita na maggown daw ako. Okay sige, pinagsoot niya ko ng pinangbili niya. Ganun din si Hanna. Ang kulay ng soot ni Hanna ay medyo light na gown samantalang sakin naman ay dark. “AYAN ELISE. MUKHA KANG SOBRANG GANDANG MANGKUKULAM.”

“Compliment ba yan o pangiinsulto?”

Isang linggo na ang lumipas ng sabihin ko kay Taehyung ang lahat ng nararamdaman ko. Ipinaghihiling ko na sana mawala tong kung ano man to kasi ayokong masira ang pagkakaibigan namin ng bias ko. 

The fact na ayoko sabihin na 'love' to. Ayokong naiinlove. Natatanga at nabobobo ako.

Kaya kung ano man to, Magtago ka na. Papatayin kita kapag nalaman kita.

Hinampas ako ni tita sa likod ng sobrang lakas na kulang na lang masuka ko tong baga ko. “Tanga. Magiging maganda yan kasi mukhang lahat ata ng aattend ay konti lang magblablack. Bagay yan pramis. Maputi ka eh. Lilitaw pa yang kaputian mo.” Sa ayaw ko at sa hindi, kailangan kong umattend dito sa prom. Nagtext ako kay Taehyung kung lahat ba ng members pupunta para magperform.

Agad naman siyang nagreply.. “Hindi kami pinayagan ni manager-nim na magperform para bukas kasi formal ang theme. Ang pangit naman kung gagawing clubbing at rock diba? HAHAHAHAHAHA.”

“Pero pwede niyo naman kantahin yung let me know eh. Medyo ballad din yun.”

“Hindi talaga. May schedule din yung rapper line dito eh. Maliban sakin, so ako lang makakapunta. Si Jimin hyung at Jin hyung, magiistay dito sa dorm.”

“Eh pano ka? Aalis ka din?”

“I can take Hanna for a prom date if she want.” okay. Magsasalpak na ko ng earphones para sa isang malaking pagsabog ng nuclear bomb dito sa bahay ni tita. “Text mo si Hanna. Matutuwa yun. :))” Okay lang ako Hanna. HAHAHAHA Well, hindi ko naman hinahangad na gawin din akong prom date ni Jungkook. Makita ko lang siyang nakaTux at formal dress. Pwede na kong umuwi ng bahay at magliwaliw with matching sunog condo at laslas pulso. 

Sa panahon na lumipas, ang akala ko si Jungkook agad ang makakaclose ko sa BTS. Akala ko siya na agad yung una kong magiging kaibigan. Pero nagkamali ako. Indeed, sa tingin ko si Taehyung nga ang pinakafriendly sa Bangtan.

Fangirl's Diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon