16: Seoul Performing Arts High School

1.5K 73 3
                                        

Iminulat ko ang aking mata ng marinig kong tumutunog na ang peste kong alarm. Iginala ko ang mata ko ft. Big eye bags sa loob ng kwarto with matching tulo laway. Ano pa bang gagawin mo kapag tumulo laway? Edi higupin at punasan. 
Napansin kong ako na lang ang tao sa loob ng kwarto. Puting pader, Puting kisame, Itim na bookshelf at mga nakasalansang na libro ang bumungad sakin. Sa pamamagitan ng tatlong patong na jacket, na may kasama pang sobrang kapal na kumot na nakabalot sakin, Hindi ko ramdam ang lamig na nanggagaling sa aircon, o sa labas. Mala hotel ang ganda ng kwartong to. Palibhasa mayaman si tita kaya ganito. 
Tumayo ako, at hinablot ko ang telepono kong mahuhulog na sa kakavibrate kanina pa at tinignan ang oras. 6:30am. 

Ito ang unang pagpasok ko sa eskwelahan. Medyo marunong runong na ako mag salita ng Korean pero hindi ganun kabilis. Interesado kasi ako kaya sa tingin ko napakabilis ako matuto. Mahigit maga.apat na buwan or tatlong buwan na kami dito since nung pagdating namin at wala naman kaming masyadong napansin. Bukod sa tradition, at kung ano ano pang mga pagkain na hindi ako sanay kainin. Hinahanap hanap ko yung sinigang ng pilipinas. 

School of Performing arts? Ano pa bang aasahan mo? Makikita mo dito ang sobrang daming talented na estudyante na mas magaling at mas matalino pa sa'yo. Parang sa tourism, Ganda ang labanan. Pero dito, maiba. Talent at utak ang labanan. Wala kang talent? Sa tingin ko kukutyain ka lang. Ano kayang mangyayari sakin mamaya?

Bago kami inenroll ni tita dito sa SOPA, Inalok na agad kami ng Admin kung gusto ba daw namin mag scholar. Ito ay ang tinatawag nilang, International Student Support Program. Dito, pag dalawang estudyante ang gustong pumasok sa SOPA, At galing ka sa ibang bansa, 50% ang reduction mo sa tuition. Sa loob ng Campus, May dormitories. (Pero gusto ni tita na sa may condo niya na lang kami tumira kasi akala niya malayo yung SOPA. Hindi pala.). Ang masaklap lang dito, wala silang Language Course. Though hindi naman college ang itetake namin, pero wala silang teacher na magtuturo samin ng Korean during free time. Ikaw mismo ang iintindi sa mga bagay bagay sa school. 
Ano ba daw ang dapat kong asahan sa school na yun?

1. Internet cafes. (Yung 5G or 100G man na network yan kasi sobrang bilis)
2. Multimedia room, Media room, Audio video room.
3. Court. Covered? Hindi ko pa alam.
4. Playground sa mga bata. 
5. Piano practice room, at Dance room.
ETC.

Noong unang pumasok ako dito, akala ko, Exam, Tapos interview, tapos tapos na. Pero since na PERFORMING ARTS ang title, aba, maiba. Kinausap ako nung admin para ischedule yung audition naming dalawa ni Hanna. Pinili ni Hanna ang career na Performing Arts which is yung pagkanta niya and so, no choice ako. Yun na din yung tinahak ko. Gusto ko rin naman madiscover yung talent ko kaya, yun. 
Dadaan ka talaga sa butas ng karayom kung gusto mong makapasok sa school na gusto mo. Buti na lang nakapasa kami ni Hanna sa Vocal auditions. Kuntento na ko dun. Basta makapagaral at makatapos. Hindi ko naman hangad ang malaking school. Si tita lang tong nagpupumilit. 

First day ng klase. Uniform ko? Yung dilaw na sobrang daming butones na kulay itim at ang DREAM UNIFORM ko. Though sobrang tagal sootin kasi patong patong, Pero okay lang naman. Ang sarap ipangselca. Umalis na kami ni Hanna sa condo unit namin. Naglakad na lang kami since na ang start ng klase is 8am pa. 7 na kami umalis ng bahay at konting push push lang sa paglalakad, mararating din namin yon. Hindi kami masyadong worried sa pagmumukha namin dahil kahit maglakad kami dito, hindi kami mahahaggard kasi sobrang lamig.
Nginitian ko si Hanna ng makita na namin ang gate. Sobrang daming estudyante na pumapasok sa gate at syempre, iniinspect nung guard kung

Fangirl's Diary (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon