40: BTS BEGINS II

1.2K 80 40
                                    

"GGWAK JABA NAL DEOPJIGI JEONEEEEE!!!! NAE MAMI NEOL NEOH JIGI JEONEEEEE~~ SAY WAT YU WAN. SAY WAT YU WAN"


"Sinong Joan?!"

"Joan?"

"Neo jigi jone. Sila Joan, Sila Joan. Sinong joan? Kasama mo? Akala ko si Hanna lang."

"Ma, Say what you want, Say what you want."

"Ano na naman kasing kaAlienan yang sinasabi mo? Sinasapian ka na naman?"

Ilang years na kong kanta ng kanta ng KPOP, wala parin siyang naiintindihan? Kung sabagay, tayo ngang mga fans, wala pa rin naiintindihan sa mga pinagsasabi ng grupo natin. 

Nahiga ako ng nakangiti nang biglang nagpatugtog yung Lady Luck ng EXO sa speaker. Nanlaki ang mata ko ng umungol na si Chanyeol. "Uh... Ahuh... uH.."

"Ano ma, kanta ng EXO yan."

"IKAW KUNG ANO ANO ANG PINAGDADOWNLOAD MO AH!"

"MA R&B YAN MA! R&B!" Sabagay, nung una ring pakinggan ko dito nalaswaan ako. PERO AS LONG NA EXO O BTS ANG MAG MOMOANS. Bakit hindi?!

Ikukwento ko na ng mabilisan. VIP ang nabili kong ticket dahil kinulang ako sa pera o sabihin na nating kinapos. Pinili ko naman ang VIP first row kaya sabihin na nating royalty na din ako kasi third row. 
PERO! Dahil sa kaswertehan ko sa pagiging fangirl ng BTS, Ang tatlong araw kong pagiyak sa harap ng Computer dahil si Hanna nakaroyalty at ako hindi, Agad na nagpost si Ms. Happee Sy na kukuha siya sa VIP section ng LIMANG TAO na mapapapunta sa Royalty. Tatlo sa Royalty second row, at dalawa sa Royalty first row.

Ang gagawin? Isesend mo lang kung bakit gusto mo ang Bangtan at kung bakit mo sila gustong makita.

Mahigit kumulang 10,000 words ang natype ko sa Microsoft Word sa sobrang dami ng reasons kung bakit gusto ko ang Bangtan. Wala naman talagang adjective or word ang makakadescribe ng feeling ko kung gano ko kaMahal ang fandom na to. Mapapunta sa Fans na sobrang laughtrip at madaling iclose, hanggang sa fanservice ng BTS na halata mong hindi sila napipilitan lapitan yung mga fans na gusto silang makita. 

Pero dahil sobrang dami ng 10,000 words, binawasan ko to at ginawa ko na lang 2,000 words. Pinagkasya ko ang lahat. Nagawa ko pang manreal talk na sana, Yung mga nasa VIP na makuha ay totoong fan na nagkakandahumayaw makita ang BTS at todo boto kapag may competition at nagtyatyaga magnet hanggang alas kwarto ng madaling araw para lang magspazz. Na SANA yung makukuhang VIP na taong yun, ay taong bampira pagdating sa BTS na matutulog ng umaga at gising sa gabi para magspazz. Sinabi ko rin na may mas deserving pa sakin na mapapunta sa Royalty section but since na opportunity na 'to, kailangan ko nang igrab. Sinabi kong mahal na mahal ko ang Bangtan. Na ginamit ko ang lahat ng nalalaman nila at lahat ng kaadikan ko sa kanila bilang inspirasyon para makagraduate ng Middle school (Kasi highschool palang ang itatake ko ngayon.) ng mataas na grades

Ilang linggo ang lumipas nang isang message ang nareceive ko kay Ms. Happee Sy. Isang tanong na nakapagisip ako ng sobrang tagal. 

Fangirl's Diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon