Sinabi ko kay Hanna ang tungkol sa lahat ng bagay nung humupa na ang lagnat niya. Siya nga hindi gulat. "Alam mo Elise. Katulad lang sila ng mga gwapo sa pinas. Sa sobrang gwapo mo, mamimili ka na lang sa mga naghahabol sayo. Isipin mo na lang na si Sunhi ay isang sasaeng at obsessed na fan na pinatulan na lang ni Jungkook pampalipas oras." Sumandal si Hanna sa pader at inilapag ang laptop niya sa may hita niya. "Hindi ganun si Jungkook."
"Talaga?"
"Ewan ko. Pero hindi niya naman siguro gagawing pampalipas oras ang mga babae."
"Elise, lahat ng gusto ni Jungkook sa babae na kay Sunhi na. Maganda mukha, Sexy. At higit sa lahat, YUNG LEGS. Yung magandang legs ni Sunhi.
Ako man hindi na ko naghahangad na mapakasalan ako ni Jimin. Kasi alam ko naman na may mas mabait at may mas maganda pa sakin dito sa Korea kaya alam ko naman na walang wala ako sa kanila. Sana maintindihan mo Elise na hanggang fan lang tayo. Kumbaga, kaibigan lang nila tayo. CUT. Hanggang dun lang. May limitations, may rules. Pero alam ko namang hindi nila papakasalan ang mga babae diyan kung pwede naman ang VKook, Taejin, Vmin, MinHope, Vhope, at kung ano ano pang pairings diyan.""HANNA. VKook shipper ako pero syempre. Imposible din naman yun kung iaapply mo sa totoong buhay."
"So ano nang plano mo Ms Elise?"
"Since na sabado ngayon, maggagala na lang ako. Punta akong Hongdae."
"Tama. Ikain mo na lang yan. BILHAN MO KO NG CHICKEN FEET. SALAMAT."
Lumayas ako ng condo unit ni tita. Gabi na umuuwi si tita so everytime na dadating siya, it's either tulog na kami, or nagcocomputer. Ganun ba talaga kapag nagtratrabaho. Bigla ko tuloy naisip ang College. Nasa desisyon na ni mama kung dito pa ako magaaral ng college or sa Pilipinas na. Pero malaki ang chance na dito parin pero may chance din na sa pilipinas kasi, ang akala ni mama dito, trip to Seoul lang or mga ganun. So, hindi pa rin ako sure. Pero kung sa Pilipinas man na ako magaaral. Sana sulit yung pagaaral ko dito sa SOPA at sulit ang pagpunta ko dito sa Seoul. Hindi ko man makumpleto ang listahan ko na ginawa ko, sana maachieve ko din magawa lahat.
Nang makarating na ko sa Hongdae, (na madaming tao), naglibot ako para tumikim ng mga pagkain. Napapansin ko na madami din akong schoolmates na nandito para bumili ng kung ano ano. Pero pakiramdam ko na dadami pa sila mamayang gabi which is yung clubbing hours dito at yung mga banda. What I mean is hindi yung KPOP group. Banda sila na soon to be discovered.
Pumasok ako sa isang restaurant sa isang tabi lang ng daan. Hindi ganun kadami yung tao kasi nga sa gabi sila napunta after work or etc. Pero mukhang hindi ako tinitigilan ng kahihiyan. Pumasok ako sa pintuan hanggang sa naistock ako dahil sabay kaming pumasok nitong lalaki. Ngayon parehas na kaming nasa pinto na hindi kasya ang dalawang tao. "Ikaw muna miss." Ang tangkad niya at hindi ko makita ang mukha niya. "Sige na ikaw na.""Ikaw na babae ka e."
"Ikaw ata nauna ikaw na."
![](https://img.wattpad.com/cover/28604251-288-k939097.jpg)
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary (Completed)
FanfictionAng diary-ing to ay hindi lang basta diary. Maaring may mga extra FEELS, MINI-HEART ATTACK, IYAK DUGO, FLIP TABLES, PAGWAWALA, AT PAGKANTA NG KA-ALIENAN na hindi angkop sa mga HINDI FANGIRL. NO SOFT COPIES © COPYRIGHT 2015