44: Project

1.1K 77 24
                                        

"Elise. Gising na."

"TUPANG KALABAW! ASAN AKO!?" Bumangon ako sa isang malambot na kama at sa isang kwartong mapapamura ka sa sobrang ganda. "ASAN AKO!? SINO KA?!"

"Si Jaehyun to. Nandito ka sa bahay namin. Maliit lang to kumpara sa Korea kaya labas na. Malelate na tayo."

"HELLO MA?! OO NANDITO AKO KELA HANNA. OO EMERGENCY KAGABI PAGKAKUHA KO NG LIBRO BIGLANG LUMALALA YUNG SAKIT NI HANNA. OO MA, MAMAYA UUWI AKO. SIGE SIGE. BYE." 

Kamuntikan na ko. Ano bang nangyari kagabi? Nastuck kami sa school, tapos nun, tapos na? 

Lumabas ako ng kwarto at nadatnan ko na naman siya. This time nakasalamin siya (Hindi shades) na bumagay naman sa kanya at nakaRipped jeans siyang pangporma. "Wag ka mag madali. May isang oras ka pa. 9am ang pasok natin at civilian lang tayo. Siguro maghahabol lang tayo ng lessons. Or announcement lang ng mga projects. Sige na kumain ka na."

"Niluto mo to?"

"Nabuhay nga akong magisa kaya malamang alam ko magluto. KUMAIN KA NA HINDI YUNG TINITITIGAN MO LANG." Inirapan ko siya. Pero sa tingin ko masarap naman kaya kumain na ko habang siya, nagiinternet lang sa phone. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA MAGCOCOMEBACK NA ATA APINK HAHAHAHAHAHA."

"PUTANGINA ANO?!!??!?!?!?!?!?!"

"Naghihint sila sa Twitter, puro pinky finger ang pose. Pero tingin ko din hindi pa. Pero ewan ko baka Promise pangalan ng comeback title nila kung ganun. Kain. Mamaya mo na agawin cellphone ko." 

Matapos kong kumain at magbihis dumeretso na ko sa labas at nagsimulang maglakad. Iniwan ko na si Jaehyun sa loob. Matanda na siya. Kaya niya na sarili niya. Tutal maaga pa naman at hindi pa mainit init kaya maglalakad na lang ako.

"Sakay." Hindi ko siya pinansin. Dala dala niya ang bike niya samantalang ako maglalakad. "Hindi ka sasabay?"

"Obvious ba?"

"Pabebe ka pa. Sakay."

"Wow."

"Fine. Bye." Derederetso siyang nagbike sa dulo ng kanto hanggang sa hindi ko na siya nakita. Sinalpak ko ang earphone ko at nakinig na naman ng KPOP dahil malamang mas magandang makinig kapag naglalakad lakad. Natanaw ko na naman ang bike niya at siya nga. Si Jaehyun pabalik na naman. "May nakalimutan ka?" Tanong ko.

"Oo. 

Ikaw.

Hindi ka ba talaga sasakay?" Ayoko talagang nasakay sa bike kasi nahulog na ko dati pero inaalok na ko at pampabilis din ng oras kaya umakyat na ko sa bike.

"Yakap."

"ANO?!" 

Fangirl's Diary (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon