Okay hindi naman sa nagmamayabang pero.
HINAHAMON ATA AKO NI TITA SA SUNTUKAN AH. De joke lang.
Si Tita? Well ganito daw kasi yan. Graduate ng business administration si tita. At yung pinasukan niyang company, sobrang taas magbigay ng sahod. Ang pinagtataka lang daw ni tita kung bakit hindi nagpapakita yung manager sa kanila. Pati daw yung ibang empleyado. Tas dumating daw yung araw na pinatawag siya sa office tas nakita niya daw mula paa ang puti. hanggang ulo ang puti tas napamura daw siya kasi ang pogi. (which is nung 23 years old siya nagapply and ka-same age niya yung manager.) Tapos hanggang sa kailangan siyang ilipat from Seoul branch kasi mas kailangan siya dun. And then, ayun. Sabay silang umalis ng bansa, naging magkaibigan, naglandian, naging magsyota, nagpakasal, nagsex, nabuntis, nagkaanak, at ayun. Mayaman na si tita.
Hindi ko naman masasabing maCatea si tita pero siguro mahal talaga nila ang isa't isa. And 26 palang si tita kaya feeling ko nagfafangirl at nagliliwaliw din siya dun kasi alam niya yung mga grupo grupong pinagkukwento ko kay mama.
Madaldal kasi si mama.
Pero the way na pinuputa ako ni tita kakaisip sa pagaaral sa Seoul, the more na gusto ko nang magsipag sa pagaaral. The more na nagiging inspirado ako para makita ang abs ng Bang—
ay. ANO ELISE KAKATI KA NA NAMAN? What I mean is the more na nagiging inspirado ako na magaral sa Seoul. Gusto kong pumasok sa SOPA no.
Pero bago muna ang lahat, May iintindihin pa ako sa mga kaklase ko.
"Hoy kayong lahat magusap nga tayo." Tumayo ako sa harap. "Real talk-an ba gusto niyo? Kailan niyo balak magshooting sa project na yan ha? Ano? Ako na naman iintindi niyan? Kami na naman iintindi? Magkaliwanagan nga tayo. Gusto niyo bang magkaproject o ano? Ikaw Neri karingking? Lalandi ka na naman sa boyfriend mong tarantado? Sayang utak mo. Ikaw Joshua? Maggigitara ka na lang diyan forever? Ikaw Merida? Kailan mo balak itigil yang kakaweeds mo? (Not literally pero lagi kasi siyang hyper). At ikaw "Running for Top 1" Mayabang ka ng mayabang, hindi mo naman ginagawa yung baking natin. Hindi mo naman inaasikasong bida bida ka. Kayong lahat? Kailangan niyo balak gumalaw? Tong mga to. Magkanya kanya na lang kaya tayo? Ako hindi ako nagagalit pero kung prangkahan lang, iilan ilan lang yung nagawa.
Ano tas makakarinig na naman ako sasabihin 'ano ba to. isa ka rin bida bida',
Eh kung hampasin ko kaya kayo ng planggana? At ipalunok ko sa inyo tong chalk?
Wag kayong masanay. Pag college niyo kayo kayo na lang. Loner na kayo. Punyaterang mga to." Napahaba ata speech ko. Natatawa ako sa loob loob ko kasi yung mga itsura nilang parang 'PREACH' kasi nareal-talk ko yung kinaiinisan nila. Juice ko, Ganyan ba dito? "One school year na lang at aalis na ko dito sa school na 'to. Makicooperate naman. Aalis na tayo dito sabay sabay oh. After nito pakamatay na kayo. After nito magpabuntis na kayo kung gusto niyo. Ganun kadali yun guys pero please naman oh. Unahin natin to." Biglang tumunog na ang bell. Isang araw na naman na wala akong ginawa sa classroom sa sobrang dami ng walang teacher. Isang araw na naman na patay ang twitter list. "OH YUNG MGA CLEANERS. PAPAKAIN KO SA INYO YANG BASURA NIYO PAG TUMAKAS KAYO." Sigaw ni Anne na leader ng Wednesday Cleaners.
—————
Pauwi na ko ng bahay at naimagine ko lang. Kung totoo yung mga nasa twitter na rumor rumor na magcoconcert ang Bangtan dito, hindi ko ata kakayanin. Nasa jeep ako at iniimagine ang mga posibleng mangyari. Sa Concert kung saan mahahawakan ko sila and this time buong members na at makikipagusap ako sa kanila tapos sasabihin sakin ni Jungkook 'It's you! It's you. Elise? Oh I love you'
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary (Completed)
FanfictionAng diary-ing to ay hindi lang basta diary. Maaring may mga extra FEELS, MINI-HEART ATTACK, IYAK DUGO, FLIP TABLES, PAGWAWALA, AT PAGKANTA NG KA-ALIENAN na hindi angkop sa mga HINDI FANGIRL. NO SOFT COPIES © COPYRIGHT 2015
