50: Mission Failed

1.1K 72 38
                                        

Jaehyun's POV



"Lee Jaehyun."



Tinitigan niya ko matapos niyang sabihin yun. Iba ang titig niya. Napakaseryoso. Para siyang mamamatay tao. Iniwasan ko ang titig niya dahilan ng pagkainis niya na naman. "Nagugutom na ko tangina sabihin mo na sasabihin mo."


"Kasi..."



"PUTANGINA NAMAN ELISE. PARANG AWA NAMAN NAGUGUTOM NA TALAGA AKO. Kung ipapagkait mo sakin ang lunch ko, aba pumunta na tayo sa canteen at pagusapan ang lahat ng gusto mong pagusap—-"















"Gusto kita Jaehyun."






Nabingi ako saglit. Tama ba yung narinig ko?



"Gusto kita hindi dahil sa mukha mong perpekto. Gusto kita dahil sa katarantaduhan mo sakin. Ngayong alam mo na na may gusto ako sa'yo, gusto kong mawala to. Kaya gumawa ako ng isang magandang laro. Iiwasan kita, iwasan mo din ako. Pag mga projects, magusap fine. Pag mga study, fine. Pero pag spazz at personal na usap ng mahaba, hindi pupwede. Kailangan kong tanggalin tong nararamdaman ko sa'yo. Seryoso ako dito kaya kung ayaw mong makipagcooperate, ako na lang ang lalayo sa'yo magisa. Sa ayaw mo at sa hindi. Yun lang.


Effective na to. Mission alis feeling. Kaya habang nandito ako sa rooftop, pwede pa tayong magdaldalan. Pero aalis na ko, kaya bye. Pagalis, ko wala nang usap okay? Bye."








Elise' POV


Iniwan ko siyang tulala sa sinabi ko. Hindi ako makapaglakad paalis kahit gusto ko. Ayaw magresponse ng paa ko sa sinasabi ng isip ko. Ngayon, nasa harap lang ako ng pintuan pababa ng rooftop, naghihintay kung may sasabihin pa siya o wala. "Pag umalis ako dito, wala ng usap usap ah." Still nakatayo ako sa harap ng pinto. Wala parin siyang imik. "Wala ka na bang sasabihin? Sige aalis na ko."




Hinawakan ko na ang door knob ng bigla kong maramdaman na may humigit sa kaliwang kamay ko. Malamig na kamay, indeed. Walang iba kundi ang kinakabahang si Jaehyun. Bakit siya kinakabahan? Simple lang. Ayaw niyang mawala ang friendship naming dalawa. Pero no choice siya kasi ayoko munang magkaroon kami ng kahit sinulid na tali para sa conversation. Kasi ayoko tong lumala ulit. Nadala na ko kay Jungkook. At sa tingin ko, si Jaehyun ang tingin kong hindi karapat dapat magustuhan ng kahit sino man. Siya ang taong ayoko, ayoko din para kay Hanna, Ayoko para kay Yona, ayoko sa mga babae na matitino, kasi alam kong maasar at maasar lang sila kahit ganto kagwapo tong lalaking to.

Fangirl's Diary (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon