55: Departure

831 54 11
                                        

Dear Diary,



Malapit na ang prom. Eto na naman. Aangat na naman ang kalandian ko, pero dahil wala si Jungkook, sa tingin ko hindi na ko lalandi ok bye.






"Ma, sasama ba talaga ako sa Prom? Tinatamad ako."




"Ay nako Elise, tigilan mo ko sa mga tamad tamad na yan. AYAN. Sumama ka kay Hanna at bumili ka ng pangsoot mo."





"Seryoso? Bakit di na lang yung dati yung sootin ko?" Dinukot ko ang prom gown ko sa may cabinet at ipinakita kay mama kung gano pa katino. "Hindi ma yung gagastos ka na naman. Praktikal na lang oh. Hindi naman pinapansin yung soot mo sa prom masyado eh. Ang pinapansin dun yung presence mo."



"Gown ang pinapansin dun. Ikaw bahala ka. Depende yan sa'yo. Tsaka rush hour na din kung bibili ka next week na ang prom. Ikaw bahala."








"Pang concert ko na lang to."









"ELISE?"





"Fine."












Lumipas ang isang linggong paulit ulit ang nangyayari, at matapos ang exam, Prom na. Dumeretso ako kay Hanna para magpaayos, pero imbis na PROM at BTS ang pinaguusapan namin, --



"Grabe yung exam sa Economics. Minsan hindi mo alam kung tama ba yung compute mo KASI WALA SA CHOICES." Reklamo ko habang kinukulot ni Hanna ang buhok ko. "Ang nakakainis pa dun te, Kabado ka kung tama ba yung ginagawa mo o hindi kasi wala sa choices yung sagot mo."

Fangirl's Diary (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon