43: Onara

1.2K 66 15
                                    

Dumating ako ng classroom ng medyo tanghali na. Hindi pa naman nagsisimula ang klase kaya okay lang naman na medyo ganto ako araw araw. Una ko agad nasilayan si Jaehyun na nakaupo malapit sa bintana, at nakita niya din ako na pumasok ng classroom. Absent si Hanna. Bakit? May kumatok sa loob ng bahay nila na sanhi ng pagkasakit ng puson niya. Sa madaling salita, dumating na ang dalaw niya. Ilang linggo na kong hindi nilalapitan ni Jaehyun simula ng masabi ko yun. Naging awkward na ang lahat dahil ako ang Vice President ng classroom at siya ang President. Kapag may pinagplaplanuhan ang classroom, medyo hindi siya nagsasalita at ako na lang ang bukang bibig ng utak niya dahil sa tingin ko parehas naman kami ng iniisip. Pero still, awkward parin. Isang bugtong hininga ang sinabay ko sa pagupo ko na parang pagod na pagod ako sa buhay ko. Lumapit sakin si Yona para hingin ang mga notes na hiniram ko sa kanya kahapon. Pinatawag kasi ang lahat ng class officers habang nagtuturo ang english teacher namin sa harap. Kaya si Yona, na EXO-L, at Panda, na hindi class officer, ipinahiram sakin ang notes at ngayon sinauli ko na sa kanya. "Salamat :)"

"La yun. Hahaha. Bakit absent si Hanna?"

"Regluuhh, Hahahahahahaha."

"HAHAHAHAHA!!!!"

"Yung mga maiingay naman diyan paki bawasan naman. Noise pollution e." Saway ni Jaehyun. "Cold niya talaga. Kaya walang nalapit na babae sa kanya e kasi isang titig niya lang, yung mala Jongsuk niyang anghel na appearance, nagdidissolve e." Sabat ni Yona

"USO KASI MAGHEADSET DIBA? PASUKBIT SUKBIT PA YUNG IBA DIYAN SA LEEG, DI NAMAN GINAGAMIT. PORMA? TSS! WHAT THE HELL." Tinapik ako ni Yona sa sinabi ko. Napansin kong lumingon si Jaehyun sa likod at tinitigan ako ng masama. Bumulong siya na nasundan ng mata ko kahit hindi ko narinig. Isang pambihirang curse word sa korean ang binulong niya. Tumayo ako at binalibag ang bag ko na nakasukbit parin sakin. "AKO?! MAMAMATAY DAHIL SA TITIG MO?! HOY MAKINIG KA SAKIN. TANGGALIN MO YANG HEADSET MO O PAPATAYIN KITA?"

"Akala ko ba pag maingay, magheadset? Ginagawa ko lang ang sinasabi mo." Nilabas niya an rubiks cube niya at sinimulan isolve. PAPAKAIN KO SA KANYA YAN EH.

Pero sa totoo lang, the more na nakikita ko siya araw araw, nararamdaman ko yung guilt na ginawa ko sa kanya. I mean okay lang naman talaga manrealtalk pero dapat inisip ko muna kung mabibigla ba siya sa sinambit ko. Sa totoo lang walang isip isip yun at deretso na lang sa bibig ko kasi akala ko yun lang yung way para layuan niya ko. Hindi ko alam na ganto pala kalayo.

Ako -------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Siya.

Ganyan ang diagram namin ngayon kumpara nung dati na:

Ako -- Siya.

Kasing layo niya pa yung relationship ko sa teacher namin na strict na:

Ako --------------------------------------------------------------------------- Teacher.

Na ngayon mas close ko pa ang teacher kong strict kesa sa kanya. Tuluyan nang naging gas ang Dry Ice at ngayon sobrang lamig na gas na lang siya. Hindi ko na siya pwedeng tunawin gamit ang apoy ko kasi kung ganun, mas lalo niyang papatayin lahat ng ibubuga ko sa kanya. Okay na rin to para makapagfocus din ako sa fandom at studies. Sinalpak ko ang earphone ko habang wala pa ang teacher namin at pagkashuffle ko,

Fangirl's Diary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon