Broken 1

6.4K 57 11
                                    

SLAP!

My name is Elorie Milhae Tatsugara (Emi), 17 yrs. old, only child, and it hurts inside....

*****************************

Siya si Elorie Milhae Tatsugara (Emi), maputi siya, ang buhok niya'y hanggang balikat, palagi siyang naka-ngiti, ngunit sa likod ng mga ngiti niyang iyo'y may hinanakit na nakakubli.

▫◾◼◾▫

As a child, nakita ni Emi kung paano saktan ng Dad niya ang Mom niya. Wala siyang magawa noon kundi panoorin sila. Until one time, she tried to stop them, pero dahil bata pa siya noon, wala rin nagawa ang pagpigil niya sa kanila.

"Maghiwalay na tayo"

"Hindi!! Mahal kaya kita, ayokong mawala ka, hindi ko kaya!!!"

Hindi naman ganoon ang Dad niya dati. But since her Dad met Aileen, palagi na itong galit, yung tipong feeling niya nasa impyerno siya kapag kasama niya ang Mom ni Emi, palagi ng hinahamon nito ang Mom niya ng hiwalayan, but her Mom insisted. Siguro dahil dito kaya naging confident ang Dad niya na saktan ang Mom niya, dahil takot itong mawala siya.

Kinalakihan na ni Emi ang ganoon, uuwi sa bahay, madaratnang nag-aaway ang parents niya, titigil lang kapag nakita siya pero mag-aaway ulit, hindi sabay-sabay kung kumain, limitado ang galaw, takot na makausap ang ama. Pamilyar na sa kaniya ang mga ito, kaya akala niya normal lang yun. At dahil minsan nang may nagsabi sa kanya na NORMAL lang ang mga ito.

"Alis na po ako!"

"INGAT KA LORIE, ANAK!"

"OPO!"

Naging cold ang parents niya sa isa't-isa. Pero kahit na ganoon sila, she still respects them and also because her mother is a good disciplinarian kaya lumaki siyang magalang at mabait.

Nagmumuni-muni siyang naglalakad habang nakayuko ang ulo nang...

"MILHAE!!!!!!" Tawag ng isang babae sa unahan na di kalayuan sa kanya habang kumakaway. Dahilan para mapa-angat ang ulo niya at ngitian ang babae.

Medyo maputi siya, matangos ang ilong, naka-ipit ang hanggang bewang na buhok, medyo maliit at cute ang masayahing mukha.

-Ami-Kayse Lore, Siya ang bestfriend ni Emi, alam niya ang tungkol sa family nito.

"Broken Family sila, but still, mas masaya pa sila kaysa sa amin." nasabi ni Emi sa sarili.

"Kanina mo pa ba ako hinihintay?" Tanong niya sa kaibigang si Ami.

"Hindi naman, medyo kalalabas ko lang ng bahay e :-)" masayang tugon nito.

"Aahh, buti naman akala ko kasi kanina ka pa nakatayo diyan eh!"

"Hindi! tara na! baka ma-late pa tayo kakadaldalan natin dito."

"Tama! Haha! Tara na nga!"

At nag-umpisa na sila maglakad.

Milhae, yan ang tawag ni Ami kay Emi. Her parents call her Lorie...

"Hahahhahhahah! Oo! nakakatawa talaga yun! The best! Hahahahh!"

"Hahhahaa! Ewan ko sa'yo Milhae! Tawa ka ng tawa diyan! Ang saya mo talaga 'pag naaalala yun noh?! Hahaha!"

"Laptrep kasi eh! Hahah! Ikaw ba naman mahulog sa swing na una mukha tapos maputik pa kasi kakatapos lang umulan sining 'di matatawa 'pag naalala 'yun 'di ba! HAHAHHAA!"

Tawa lang ng tawa si Emi doon habang si Ami ay tumatakbo ang isipan.

Nang mahimasmasan sa kakatawa si Emi ay inumpisahan na niya ang pagtatanong.

"Ano? Ok ka lang ba?, nag-away na naman ba parents mo?" Sabi niya na puno ng pag-aalala.

"Ha?! Bakit mo naman natanong?"

"Hmm..wala lang, bakit masama?! Concerned lang naman ako sa'yo friend"

Sabi nito na inakbayan siya.

"Okay..."

"So, ano? Ayos ka lang ba? May problem ka ba? Ano? Nag-away na naman ba sila?"

"Ok lang naman ako eh! Tsaka sanayan lang 'yan normal na yung pag-aaway nila sa'kin maliit na bagay hahah!!"

"Sure?"

"Of course!"

"Okay, sabi mo eh" sabay pulupot ng kamay sa braso ni Emi na kanina lang ay nakaabay sa kaibigan.

"Basta kapag may problema ka, sabihin mo lang sa'kin ha? Mahal kita eehh!! You're my one and only bestfriend slash sister kaya ayokong nasasaktan ka"

"Uhhh..ang sweet mo naman"

"Syempre naman! Baka isang Ami-Kayse Lore ang kaibigan mo! Huh!" sabi pa nito na may kasamang pag-flip sa buhok.

Nagkukwentuhan pa sila nang may tumawag muli kay Emi.

"EMI!!"

Dahilan para mapatigil sila sa paglalakad at lumingon sa likuran nila kung saan nanggaling ang boses ng isang lalaki.

Matangkad ito't maputi, sakto lang ang katawan, nakatayo siya habang naka-ngiti't hinahangin ang malambot na buhok.

Her bestfriend call her Milhae her parents call her Lorie and HE calls her....EMI .

"huff huff ang bingi niyo naman kanina ko pa kayo tinatawag eh!" sabi niya habang hinihingal.

"Ha! tinawag mo ba kami? Bakit wala kaming narinig? May narinig ka ba Milhae?" tanong sa kanya ng kaibigan.

"Wala" umiling-iling pa na tugon niya.

"Bingi nga kayo hahahha!"

"Heh! tumigil ka!" saway sa kaniya ni Ami.

Nagsagutan pa sila doon habang si Emi ay nakatingin lang sa kanila na nakangiti gaya ng lagi niyang ginagawa.

-Jack Frankin, manliligaw ni Emi DAW, kaibigan din nila siya. Bata pa lang sila nang sabihin niyang si Emi raw ang gusto niyang pakasalan balang araw.

"Well, since nandito na ang manliligaw mo, mauuna na ako ha! Hehe! Hoy Jack! Ikaw na bahala sa bestfriend ko ha, kapag may nangyari dito ewan ko na lang! Gumawa ka na rin ng next move mo ang bagal mo eh mamaya maunahan ka bahala ka hahah! sige byyeee!! =D" mapang-asar na sabi ni Ami, sabay harurot sa pagtakbo.

"Ami!!!" pagtawag ni Emi sa kaniya, ngunit masyado na itong malayo para marinig pa siya.

"So ehem! Emi, ok lang ba na sumabay ako sa'yo papasok?" nakangiti at nakapamulsang tanong nito.

"Ano bang magagawa ko? Eh kasabay na nga kita eh, iwan ba naman ako ni Ami! Ang bait talaga ng babaeng yun!"

"Hahah!! Okay lang 'yan ako naman ang kasama mo eh" sabay akbay sa kanya na normal lang para sa kanila.

"Kamusta nga pala sina Auntie? Nag-away na naman ba?"

"Haaayy... kailangan pa ba imemorize yan? Saka kung ako ang tatanungin, okay lang sa'kin, immune na ako diyan saka matanda na sila! Alam na nila ginagawa nila"

Alam din niya ang about sa 'daily routine' ng parents ni Emi .

"He has a happy family, almost perfect. Sometimes, I feel jealous to my friends, iniisip ko, kung hindi kaya siya ang Dad ko, masaya kaya kami? O hindi kaya, kapag naghiwalay kaya sila...

....Will we became happy? Even if it means I will have a BROKEN family? "

Napagisip-isip ni Emi.

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon