AN:
Yeah! 2 updates in just 1day!
P.S: That's Emi holding Mr.Bunny =)
------------------------------------------------
•••••FLASHBACK...
"Kuya, lilipat ka na? Iiwan mo na ako? *pout"
"Hahah! Ano ka ba Emi-Hae lilipat lang naman ng kwarto si kuya eh pwede mo ako puntahan kung gusto mo magkatabi lang naman tayo ng kwarto eh."
"Eeehhh! Kuyaa! Ayoko! *pout" Pumapadyak padyak pa siya.
"Paano na si Mr. Bunny? Hindi naman siya sumusunod sa akin kasi ikaw yung master niya! *pout" sabay haya sa kuya ng mala-teddybear na stufftoy na hugis rabbit na medyo may kalakihan.
"Hahaha! Hae naman ano ka ba, ako lang bumili kay Mr. Bunny, pero regalo 'yan ni kuya sayo kasi good girl ka at saka, kasi mahal ka ni kuya,kaya ngayon, si Mr. Bunny, susunod sa'yo kasi ikaw na ang bagong master ni Mr. Bunny." Kinuha ng kuya niya ang stufftoy na si Mr.Bunny saka ito pinindot sa kamay.
"Tsuuup! I Love You" ang sabi pa ni Mr. Bunny
"Oh, ayan Emi-Hae, I love you daw oh ano sasabihin mo?"
"*pout" Hindi siya sumagot at nakangusong-nakasimangot lang doon.
"Hae? Sabi ni Mr. Bunny I love you"
"Ayoko! *pout sabi mo walang iwanan eh! *pout"
Umupo ang kuya niya para makapantay siya.
"Hindi naman kita iiwan, lilipat lang ako ng kwarto, kasi tingnan mo 14 na si kuya, ikaw 6 na, lumalaki na tayo kaya hindi na tayo kasya sa isang kama." Paliwanag niya, pero hindi pa rin kumbinsido ang kapatid.
"*sigh Oh sige Emi-Hae ganito, kapag nagsabi si Mr. Bunny ng 'I Love You' isipin mo si kuya ang nagsabi nun, okay? Kapag katabi mo naman si Mr. Bunny, isipin mo si kuya siya ha? Okay ba? Ngayon, sabi ni Mr. Bunny 'I Love You', ano isasagot mo kay kuya?"
"Hrrrmmm..*pout" pagmamatigas niya pa.
"Hae...?"
"I love you *pout...too"
"Asan na ang kiss ko?"
At hinalikan niya nga ang kuya sa pisngi nito.
"O sige, pasok ka na sa loob ng kwarto mo"
"Opo kuya"
Nang makapasok ay tinignan niya ang hawak na stufftoy saka sinabing...
"Mula ngayon, ikaw na si kuya Ken hihi! Sikret lang natin yun ha sshhh!" inilagay niya pa ang hintuturo sa labi.
Pinindot niya ang kamay ni Mr. Bunny kaya naman muli nagsabi ito ng...
''Tsuuup! I Love You''
"I love you too kuya Ken" saka ito niyakap ng mahigpit.
•••••END OF FLASHBACK•••••
Lumapit siya sa kanyang kama, kinuha ang rabbit na stufftoy saka ito niyakap. Kumpara noo'y hindi na ito ganun kalaki.
May nakatakas na luha sa kaniyang kaliwang mata na sinundan pa ng isang luha mula sa kanyang kanang mata at nagpatuloy pa ito.
"*sniff kuya Ken, kung nandito ka lang sana, may mapagsasabihan ako kuya, may susuporta sa akin, may magtatanggol *sniff* at may kakampi, kuya! Ang daya daya mo!" Napa-upo na siya sa sahig, tinignan niya ang hawak na stufftoy na ipinatong niya sa kanyang kama kasama ng kanyang kamay, at pinagpatuloy niya ang pagka-usap dito habang patuloy na umiiyak.
"Kuya kasi eh! Sabi mo dito ka lang sa tabi ko, sabi mo hindi mo ako iiwan kahit anong mangyari,*sniff sabi mo kapag may problema lapit lang ako sayo *sniff o kaya tawagin ko lang ang pangalan mo darating ka na *sniff eh kuya nasaan ka?! *sniff NASAAN KA KUYA! ilang beses na kitang tinatawag pero wala ka! SINUNGALING KA KUYA! Sinungaling ka!" sinusuntok na niya ang stufftoy na hawak at patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Sabi mo di mo ako iiwan eh! Sinabi mo yun eh! Sinabi mo yun kuya! Pero bakit umalis ka! *sniff Bakit ka sumama sa kanila?! Ha kuya bakit?! *sniff BAKIT?!!" Nagpapadyak na siya doon at ibinaon ang mukha sa kama, hawak pa rin niya ang stufftoy, hinahawakan niya ito ng mahigpit.
"Kuya!! *sniff kuya Ken nasaan ka?! KUYA! AAAHHH!!! Kuya lumabas ka! 'Di ba ikaw ang superhero ko? Kuya please, kailangan kita kuya *sniff"
Nag-iiyak lang siya doon habang sinisigaw ang pangalan ng kapatid.
Sa kabilang banda, hindi niya alam na pinapakinggan pala siya ng kaniyang Ina sa labas ng kaniyang kwarto.
BINABASA MO ANG
Broken-COMPLETED
Non-FictionPresent Highest Ranking: #37 in Non-Fiction❤ (050718) Previous Highest Ranking: #95 in Non-Fiction BROKEN That is my LIFE. Behind her every SMILE, Behind her every LAUGH, Hides a true PAIN, Pain that makes her heart NUMB And curse the word LOVE Will...