"Good morning class"
"Good morning Miss!"
"So today is our last day right?"
"Yes Miss! Yehey!"
At dahil sa sinabing iyon ng kanilang prof, nagkaroon ng dahilan para mag-ingay ang buong klase na agad din naman pinatigil ng prof nila.
"Class quiet! Children shut your mouth na" mapang-asar na saway ng prof nila.
"Dahil last day na syempre ibabalik ko na sa inyo ang activities na pinagawa ko, Ms. Sabatera and Ms. Phaine paki-balik naman sa classmates ni'yo oh" inabot naman ni Via at Apple ang mga papel saka ito binalik isa-isa sa nagmamay-ari.
"Ms. Tatsugara" tawag nito kay Emi na kasalukuyang nag-aantay na dumating ang sariling gawa.
"Yes po Miss?" tumayo ang prof nila saka sumandal sa teacher's table habang hawak-hawak ang isang papel.
"I'm just wondering bakit isa lang ang picture na nilagay mo"
"Ahh...kasi Miss...na-nabasa po yung iba naming pictures yan lang po yung natira" pagdadahilan niya.
"Ahh, ikaw ba 'tong bata rito? Yung karga-karga ng batang lalaki?" tanong nito ulit habang nakatingin sa picture.
"Y-yes Miss"
"Ilang taon ka nito?"
"3 or 4 po ata?"
"Ang cute cute mo naman! Sino naman 'tong lalaki?"
"Kuya ko po" mahinang sabi niya.
"Ha? Ano 'yun?"
"K-kuya ko po" sabi niya habang nanginginig na hinawakan ang nakatagong kamay.
"Ahh...may kapatid ka pala" tumango lang siya bilang tugon.
"Edi wow" natatawang sabi nito.
"Nasaan na kuya mo?"
"Wala na po" sabi naman ni Emi na ngumiti ng pilit.
"Ami oh" pagsingit ni Apple na inabot ang gawa ni Ami.
"Wala? Paanong wala? May asawa na? Nasa ibang lugar na, ibang bansa, ano?" curious na tanong ng prof nila.
"Nasa ibang lugar na po, isang magandang lugar na hindi kayang maabot ng mata lamang" sabi ni Emi habang nakatingin sa desk ng sariling upuan.
"Lalim nun ah! Edi wow! Hahaha!" komento ng prof nila habang tumatawa.
Nagtawanan din ang ibang kaklase nila dahil sa sinabi ng prof nila, tanging si Ami lang ang hindi tumawa dahil sila lang ni Emi ang nakakaalam ng katotohanan.
"Ang totoo po niyan patay na po si kuya" dugtong pa ni Emi na tiningnan ang prof nila habang tinatago ang kalungkutang nadarama. Agad din siyang yumukong muli matapos sabihin ito.
Natigil sa pagtawa ang prof nila maging ang mga kaklase niya. Ramdam niya ang mga mata na nakatingin sa kan'ya, gusto niya umiyak pero hindi niya ginawa, bagkus ini-angat niya ang ulo niya saka ngumiti.
"Opo patay na po si kuya haha! Matagal na po 'yun! Nakalimutan ko na nga po 'yun eh!" nakangiting sabi niya.
"Liar" sabi ni Ami sa sarili habang nakatingin sa nakangiting si Emi.
"Sinungaling ka Milhae! Bakit hindi mo na lang sabihin ang totoo? Ako ang nasasaktan sa ginagawa mo eh! Madali lang naman sabihin na nasasaktan ka, na gusto mo na umiyak! Pero Milhae bakit?! Bakit ka nagtatago sa ngiting 'yan!" gusto niya ito sabihin kay Emi pero sinarili niya na lang.
BINABASA MO ANG
Broken-COMPLETED
Non-FictionPresent Highest Ranking: #37 in Non-Fiction❤ (050718) Previous Highest Ranking: #95 in Non-Fiction BROKEN That is my LIFE. Behind her every SMILE, Behind her every LAUGH, Hides a true PAIN, Pain that makes her heart NUMB And curse the word LOVE Will...