Broken 25

458 6 0
                                    

Tinakpan ni Via ang bibig niya, yumuko, saka inilabas ang hinanakit sa puso. Umiyak siya sa harapan ni Emi, Ami at ng ibang kaklase.

"Why am I crying?! Why does my heart aches?! What does this mean?! Am I hurt?! No! I'm not, I know I'm not! But, why do these tears keep falling? This is so not me! F**k this tears!"

"Via? Sorry! hindi ko intensyon na paiyakin ka, sorry! Via" sabi ni Emi na natataranta na.

"No, it's okay, ako naman ang may mali eh, I should be the one to say sorry" sabi niya sa kabila ng patuloy na pag-iyak.

Clap! Clap! Clap! Clap!

Pare-pareho silang nagulat at napatingin sa biglang pumalakpak.

"What a nice presentation you had Ms. Sabatera, Ms. Tatsugara and Ms. Lore (clapclap!) you did a very good job! Pvwede na," sabi ng prof nila na kanina pa pala nasa may pinto.

Naglakad siya papunta sa teacher's table, sumunod naman ang mga mata nila sa prof, ang mga mata nilang puno ng kaba.

"P'wede ko na kayong madala sa D.O (Disciplinary Office)" dugtong pa niya habang tumatango-tango na parang sinasang-ayunan ang sariling desisyon.

Kinabahan naman ang tatlo sa sinabi ng kanilang prof, habang ang ibang kaklase'y nagpuntahan na sa kani-kanilang upuan.

Naiwan silang tatlo na nakatayo, kasama nila ang isa pa nilang kaklase na sundalo rin ang tatay na si Apple kaya naman in total, apat sila na naiwan doon.

"Would you mind if I ask you to explain?" sabi ng prof nila habang nakasandal sa teacher's table

"Sir, wala lang po 'yun, medyo nagka-labuan lang po, tsaka sir, ano...nagpa-praktis lang po kami... tama! Nagpapraktis lang po kami Sir kasi po...kasi...may...may..."

"Contest" bulong ng isa nilang kaklase.

"YUN! May contest po Sir sa lugar namin, s'yempre gusto namin manalo, sino bang ayaw 'di ba Sir?" pagtatanggol sa kanila ni Apple.

"Tsaka Sir, hindi naman po 'to malalang bagay para maka-abot kay D.O"

"Ms. Phaine" tawag sa kaniya ng prof nila, pero hindi siya natigil sa pagpapaliwanag.

"At isa pa Sir, mababait naman po sila 'di ba?"

"Ms. Phaine" tawag nitong muli.

"Wala po silang bad records, in fact mga outstanding students ni'yo po sila"

"Okay Ms. Phaine, I-"

"At isa pa Sir, last day naman na, palampasin ni'yo na lang po ito kung feel niyo po big deal ito" patuloy pa rin siya sa pagpapaliwanag.

"MS. PHAINE!"

"Kaya-YES SIR!!!" gulat na tugon ni Apple

"Why are you even bothering explaining for them? Joke time lang naman 'yung sinabi ko eh, ikaw naman masyado ka affected" sabi ng prog nila kaya gumaan ang pakiramdam nila, nanlaki ang mata at nakahinga ng maluwag.

"JOKE TIME?!"

"Yes Ms. Phaine, kaya bago pa magbago ang isip ko, umupo na kayo"

Nakanga-ngang umupo si Apple sa tabi ni Via sa unahan, tahimik lang si Via na umupo sa upuan niya.

Nakayuko namang umupo si Emi sa upuan nila na nasa likod, si Ami nama'y seryoso lang.

"Okay, goodmorning!" bati ng prof nila, binati naman siya ng buong klase.

"Via, ok ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Apple.

"I'm fine" seryosong sagot niya.

"Via, I'm your friend, sa maikling panahon na nakasama kita, alam ko na kung nagsasabi ka ng totoo, nag-iinarte ka lang o nagsisinungaling ka"

"Uggh! You think you know me that much?! At anong friend? You're not my friend! I bet pina-plastic mo lang ako" patagong tugon naman niya kay Apple, na halata mo na nagtataray saka nagcross-arms na naman.

Hindi sila napapansin ng prof nila dahil may kung ano itong ginagawa, at isa pa masyadong maingay ang iba nilang kaklase.

"What! Gan'yan ba ang tingin mo sa akin?!" napataas ng bahagya ang boses ni Apple.

"Via all this time, I treat you as my best friend! Tapos malalaman ko na...ugh! I can't believe it!" disappointed na sagot naman ni Apple sa kaniya.

"Apple sorry, I didn't mean to...sorry, I just think na I'm not worthy to be your friend. You're kind Apple, you're nice, sa lahat ng tinuring ko na friend, sa'yo ko naramdaman ang pagkakaroon ng real happiness" sabi niya in a sincere way, habang si Apple nama'y nakikinig lang sa kan'ya. Nakaharap na siya kay Apple ngayon at tinanggal na ang kaninang naka cross-arms.

"But Apple, I'm the opposite of you, a COMPLETE OPPOSITE of you, you deserve better than me. Tama si A, I'm afraid, I'm jealous, I seek for love, attention seeker ako that's why I don't deserve such a good friend like you, dahil hindi ko alam kung kaya ko suklian ang pagiging...ikaw."

"You know Via, okay ka naman eh, masaya ako't nakilala kita, bakit? Kasi totoo ka, kung ano nasa isip mo sinasabi mo, hindi naman 'yun talagang negative kasi kaysa naman mabait ka sa harap pero pagtalikod, BOOM 'di ba?" natawa silang pareho sa sinabi ni Apple.

"Alam mo girl, 'yan ang gusto ko sa'yo, joker ka! Hahah! Pero, gan'yan mo ba ako hinahangaan?" Via said.

"Hahah! Alam mo kasi Via, 'di ba you know naman na mataba ako dati?" pabulong na sabi nito.

"Duh! Halata naman eh! Kahit ngayon chubby ka pa rin!"

"Yun na nga eh! Kasi dati, binu-bully ako dahil nga mataba ako, pero I tried my best to lose weight-"

"Seriously?! Best mo na 'yan?!"

"Via naman! Patapusin mo 'ko pede?"

"Okay, go on"

"Pero, wala pa rin nagbago, until I met you, nilait mo 'ko n'un, nung una naaartehan ako sa'yo eh! But as time passed by, mas nakikilala kita, and I realized na you're not that bad. Because you accept me" pinapa-ikot ni Via ang kan'yang buhok sa kan'yang daliri gaya ng lagi niyang ginagawa.

"You always point my flaws, but you also help me to change, in a good way"

"Shh! Tama na nga! Ang drama mo Apple! Enough na okay!" pagpigil niya rito pero sa loob-loob niya'y naiiyak na siya.

"I hate you Apple! You're making me cry! "

"Hahaha! I just want you to realize na you too deserve to have a friend, everyone does, sabi nga sa napanood ko, 'you don't need to have lots of friend, one is enough, so find that special one and never let him/her go'" naka-ngiti niyang sabi.

"Saan mo naman napanood 'yan?! Ikaw talaga, dami mong alam! Nakakakilabot na minsan! Brr!" sabi pa ni Via na umarteng kinikilabutan kuno.

"Che!" sabay hampas kay Via.

"Hahahahah!"

"Thanks Apple, now I realized, I finally got a true friend and, I have that special one, and that 'special one' ..."

"Okay class, quiet na, I gave you so much time to think about our 'quote of the day' so now, I want you to explain to me kung paano ang pagakaka-intindi ni'yo rito" paliwanag ng prof nila.

"..is you Apple."

-------------------------------------------------

AN:

It's all about Via and Apple, change scenery muna tayo, pagpahingahin ko lang ang mga bida.

DW: 11M¥15

Date Updated: 12 May 15

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon