Broken 35

492 6 1
                                    

"Lorie! *sob Lorie anak! *sniff *sob" walang magawa ang kan'yang Ina kundi isigaw ang pangalan niya.

Patuloy pa rin ang kan'yang Ama sa paglunod sa kaniya, habang si Ami nama'y abala sa pagbugaw sa mga walang kwenta nilang kapit-bahay.

Halos maubusan ng hininga si Emi nang tigilan ng Ama niya ang paglunod sa kan'ya, hila-hila pa rin nito ang buhok niya saka marahas na iniharap sa kaniya saka siya binigyan ng isang malakas na sampal.

Hindi na maatim pa ni Ami ang nakikita kaya matapos mapaalis ang mga kapit-bahay, agad niyang pinuntahan si Jack at tumatangis na nagsabi rito.

"Jack *sniff"

"Ami? Bakit ka umiiyak?!" gulat at nag-aalalang tanong ni Jack.

"S-si *sniff si MILHAE! Tulungan mo siya Jack! *sniff tulungan mo si Milhae!!"

Pagkasabing pagkasabi nito ni Ami, agad agad na pinuntahan ni Jack si Emi.

Naabutan niyang naka-higa ito sa semento habang hinahaplos-haplos sa likuran ni Mrs. Laura na walang tigil sa pag-iyak. Wala na ang Ama nito, wala na rin ang kotseng kanina lang ay nasa labas ng bahay nila.

"EMI!" agad niyang nilapitan si Emi.

Walang tigil ang pag-ubo niya, niyakap siya ni Jack ng mahigpit.

"*cough! Bakit?... *cough! Cough! bakit buhay pa ako! *sniff! Bakit?! *cough! *sniff akala ko ba papatayin niya 'ko?!"

Yakap

Yakap lang ang tanging alam na gawin ni Jack sa mga oras na yaon.

Luha

Luha ang walang tigil na lumalabas sa kanilang mga mata.

Hikbi

Mga hikbi ng paghihinagpis ang tanging maririnig.

"AAHHHHHH! *sob WAAHHHH! *sniff DAPAT PINATAY NA NIYA 'KO! DAPAT PINATAY NIYA NA LANG AKO! AHHH! *sob sob"

"Emi,'wag mo sabihin 'yan"

"HINDI JACK! *sniff YUN NAMAN ANG GUSTO NIYA GAWIN EH! *sob YUN NAMAN ANG GUSTO NIYA MANGYARI EH! *sob ANG MAMATAY AKO! YUN ANG GUSTO NIYA! YUN ANG GUSTO NIYA! *sniff"

"Milhae, *sniff siya lang ang may gusto nun! Natanong mo ba kami kung gusto namin 'yun! *sniff ayaw ka namin mawala Milhae!" sabi ni Ami habang umiiyak.

"Hindi ako dapat nandito *sniff wala dapat ako dito,*sob WALA!"

"Mas mabuti pa hindi na ako pinanganak! *sniff kung wala ako dito, wala sana akong mararanasang ganito! Dapat namatay na 'ko! DAPAT NAMATAY NA LANG AKO! AHHHH!!! *sniff"

"Lorie,*sniff kung wala ka hindi ko kaya *sniff hindi ko kaya anak *sob"

"Auntie..." pinuntahan ni Ami si Mrs. Laura saka ito inalalayan papasok sa salas nila Emi.

Naiwan si Jack at Emi doon na magka-yakap.

"Emi, nandito pa kami. Si Auntie, si Ami, pati na rin ako, nandito pa kami Emi, hindi namin kaya kapag wala ka, hindi ko kaya Emi, hindi ko kaya *sniff" sa pagkakataong ito'y hindi na napigilan pa ni Jack ang umiyak.

Naiiyak at nasasaktan siya dahil sa isa na namang pagkakatao'y wala siya sa tabi ng minamahal sa oras na pinaka kailangan siya nito.

Dahil sa isa na namang pagkakatao'y hindi niya nagawang ipagtanggol ito.

At dahil sa muli na namang pagkakatao'y wala siyang nagawa kundi ang yakapin ito.

Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa dalaga at kahit pa anong pigil niya'y tuluyan nang lumabas ang mga luhang nagtatago sa kaniyang mga mata.

Napatunghay si Emi nang marinig ang pag-iyak ni Jack. Hinawakan niya ang pisngi nito dahilan para mapatingin si Jack sa luhaan at maga niyang mukha.

Natulala si Jack nang makita ang itsura ni Emi. Pugto ang mga mata nito, namumula ang ilong, nakita niya rin ang pasa sa kaliwang pisngi nito, putok ang labi, may natamo rin itong sugat sa kanang parte ng kaniyang noo na kasalukuyang hindi natatakpan ng  bangs, at namumula rin ang kanang pisngi na kalauna'y mangingitim.

"I'm sorry Jack *sniff I'm sorry" paghingi niya ng tawad dahil minsan na niyang pinangako sa sarili na hindi na siya muling iiyak sa harap ng mga kaibigan, lalo na sa harap ng kaniyang minamahal.

Hindi na napiglan pa ni Jack ang sarili, dala na ng sari-saring emosyo'y nagkusa na lang ang katawan niya na halikan si Emi.

Na kahit man lang sa halik nito'y maramdaman ng iniirog na may nagmamahal sa kaniya, na importante siya, na may nagpapahalaga sa kaniya, na may taong handang samahan siya sa bawat yugto ng kaniyang buhay. Na may taong ayaw siyang mawala at nais siyang makasama sa lahat ng araw ng kaniyang buhay.

Isang dampi ng halik ng pagmamahal na may napakaraming nais ipakahulugan na hindi sapat saysayin ng mga binuong salita lamang.

Isang halik na mula sa kaibuturan ng puso ng isang taong nagmamahal ng lubos.

Isang halik na pumapawi ng lahat ng hirap at dustang idinudulot ng masalimuot na mundo.

Isang halik na tanging ang dalawang pusong nagmamahalan lamang ang makakaintindi.

That day, the very same day Emi once again experience a ruthless cruelty in the hands of her father, she also experience a once in a lifetime feeling

.

.

.

.

.

A KISS from her beloved.

-------------------------------------------------

AN:

Give your honest feedback

DW: 6¿ûń15

Date Updated: 13 June 15

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon