Broken 24

391 10 0
                                        

Ibinaling ni Ami ang paningin sa natatakot na kaklase saka nagsalita.

"You're pathetic" umiiling-iling na sabi ni Ami kay Via.

"What?!!" reklamo naman ni Via na puno ng pagtataka.

"Sinasabi mo na I'm weak, plastic, timid, coward, but in reality, you're just JEALOUS"

"What?! Can you hear what you're talking about?! Ako?! Si Via Loviva Sabatera maiinggit sa'yo!! Huh! As if!!" sagot niya na may kasamang pagtataray at pag cross ng arms.

"Yes, you're jealous. Naiinggit ka kasi ako, understandable na na ganito ako, yes, I'm tough, very tough! Dahil wala naman akong Dad 'di ba! I'm the only one who can protect myself. I'm independent, I don't need your affections, because I am who I am! I have a true friend, yung hindi PLASTIC, hindi BACK-STABBER!

Unlike you, you're ALONE. Yes, you have both your parents, pero bakit ka gan'yan? You want ALL attentions. Why? Because your parents are so busy and pre-occupied of their work kaya hindi ka na nila naaasikaso. Tama ba?"

Hindi sumagot si Via, nanginginig na siya't makikita mo ang naluluha niyang mata.

"ATTENTION SEEKER ka! Gusto mo ikaw ang laging napapansin, ang laging nasa taas, ang laging bida. Oo nga't nabibigay sa'yo lahat ng gusto mo, lahat ng luho mo, pero hindi mo nakukuha ang pinaka gusto mo makuha. At ano 'yun? Let me guess hmm..." Inilagay ni Ami ang hintuturo sa pisngi na parang nag-iisip.

Sa kabilang banda, namumula na ang mata ni Via dahil sa pagpigil ng luha, nakatingin lang siya kay Ami habang hinihintay ang sunod na sasabihin nito.

"Aahh...PAGMAMAHAL" dugtong ni Ami na ngayo'y nakatingin na sa umiiyak na si Via.

"Right, you seek for love, pero hindi maibigay sa'yo right? You have those expensive bags, shoes, accessories, everything! But you didn't feel loved. All this time you feel alone, you feel left behind that's why-"

"Stop!" ma-otoridad na sabi ni Via kahit na umiiyak na siya. Pero hindi tumigil si Ami.

"That's why you're like that. Umaasta ka na parang reyna, gusto mo lahat sinusunod ka..."

"Stop!" sabi ulit ni Via na patuloy ang pag-agos ng luha, tinakpan na niya ang kan'yang tainga, ayaw na niya marinig ang sunod na sasabihin ni Ami, masakit ito para sa kanya, napakasakit.

"At kapag may ayaw ka, kapag hindi ka nasunod, ano ginagawa mo? Inaaway mo 'di ba, just like what you did to us"

"STOP!" sigaw niya na hindi pa rin tinatanggal ang pagkakatakip sa tainga. Yumuko na siya't pumikit, umaasang titigil sa pag-agos ang kan'yang luha.

"Oh! You want me to stop?" mapanuyang sabi ni Ami at inilagay pa ang kamay sa dibdib, ang mukha niya'y naging parang isang maamong pusa na dali-daling nawala at napalitan ng mabagsik na ekspresyon.

"NO!" she said firmly.

"Truth hurts huh?!" sabi pa niya na may blankong ekspresyon habang nakatingin sa umiiyak na kaklase.

"Please stop!" pagmamakaawa niya habang nanginginig.

"You're the real coward, timid, plastic, pathetic baby, you're the one who's hiding inside your shell"

"Stop!"

"You're the one who should get out of that shell!"

"Stop!"

"You're the one who should be true to yourself,"

"Stop!"

"You're the real deal Via."

"Stop!"

"You're the weak one,"

"Stop!"

"You're the one who is afraid"

Pakiramdam ni Via nilalamon siya ng mga salita ni Ami, pakiramdam niya umiikot ang kan'yang paligid, pinagpapawisan na siya. She felt really alone that time.

"Someone, please help me!" daing ng isip niya.

"Afraid to be alone"

"I SAID STOP!!!" sigaw niya saka sinampal si Ami, ngunit walang sampal na dumampi sa mukha ni Ami dahil bago pa man ito dumampi sa kan'yang mukha'y napigilan na siya ni Emi.

Kalmado lang ang mukha ni Ami, ni hindi man lang siya nagulat o natakot sa gagawing pagsampal sa kan'ya ni Via. Habang si Via nama'y nagulat sa paghawak sa kan'ya ni Emi, hindi niya ito inaasahan.

"Let me go you loser!!" pagmamatigas niya habang pinipilit na makawala kahit na basa na ang kan'yang mukha ng luha at nakakaramdam na siya ng takot.

Hindi siya binitawan ni Emi, mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa wrist ni Via, tinitingnan niya ito ng matalim.

"Don't ever try to hurt my friend! P'wede mo ako saktan, pero 'wag na 'wag mo subukan saktan si Ami, you don't know me Via" sagot niya kay Via na tila ibang tao ang kaharap nito.

"Is this what friend really mean? You help each other? You'll do everything just to make sure your friend is okay? That your friend is safe? You'll be brave just to protect your friend? You're willing to get hurt for your friend's sake?"

Sabi niya sa sarili. At muli may biglang tumulong luha sa kan'yang mga mata. Nakatingin lang ang nanlalaki niyang mga mata sa galit na si Emi.

"I didn't know, akala ko, you need to have a friend so that you can have someone to talk to, someone na kapareho mo, someone na kasama mo mag-shopping, kasama mo tawanan ang ibang tao, but after that, your gon'na hate them too, because I thought having friends..."

Dahan-dahan niyang binaba ang kamay na unti-unting binibitawan ni Emi. Kalmado na siya, ngunit ang kan'yang luha'y patuloy na umaagos.

"...Is having close enemies."

-------------------------------------------------

DW: 10M¥15

Date Updated: 11May15

wadoyutinkgaysh?! ..Make some noise readers!

Love Lots~

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon