"ARAY!"
"Emi?" nagulat si Jack sa pagsigaw na iyon ni Emi kaya naman tumayo siya at nilapitan ito.
dugdug! dugdug!
Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ni Emi nang makitang papunta sa kaniya si Jack. Hinawakan niya ang pisnging may pasa upang maitago ito saka iniiwas ang paningin sa kaniya dahil hindi niya magawang tingnan ito sa mga mata.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Jack nang makalapit ito.
"O-oo naman!" sabi niya na hindi pa rin tinitignan ang binata.
Akmang hahawakan niya ang kamay ni Emi upang maalis ito mula sa pagtatago sa kung anong mayroon sa pisngi nito, ngunit upang makaiwas, humakbang patalikod si Emi dahilan para hindi niya matuloy ang binabalak.
Lumapit naman siya at yumuko upang tingnan ang mukha nito, ngunit yumuko lalo si Emi at inilipat ang paningin sa kanan, sumunod naman siya ngunit lumingon naman si Emi sa kaliwa.
"Eh, bakit hindi ka makatingin? Umiiwas ka ba sa akin? Namumula ka pa sigurado ka ba na ayos ka lang?"
Hindi sumagot si Emi dahilan para mas lalo siyang kulitin ni Jack.
"Ok nga sabi ako eh!" medyo tumaas na ang kaniyang boses, tiningnan niya ng masama si Jack habang hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak sa pisngi, wala siyang intensyong magalit, pero hindi niya mapigilan sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"Gusto mong tingnan kita?! Oh ayan! Nakatingin na ako sa'yo!!" nakakunot ang noo niya nang sabihin niya ito at tignan si Jack, ngunit hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakahawak sa pisngi.
"Bakit ka nagagalit?" gulat na tanong ni Jack.
Nagbuntong hininga muna siya bago nagsalita.
"Hindi ako galit" mahinahong sagot niya, sabay iwas muli ng tingin.
"Hindi ka galit? Sumisigaw lang? Haha! Kakaiba ka talaga! " sabay gulo sa buhok ni Emi.
"Meron siguro siya ngayon" naisip na lang ni Jack.
Tiningnan lang ni Emi si Jack ng masama, saka iniiwas muli ang tingin. Hindi niya maintindihan ang inaasta, gusto niyang maging masaya dahil nasa harap niya si Jack ngayon, pero hindi ito ginagawa ng katawan niya. Ang isip niya ay masaya, at ang puso niya'y hindi tumitigil sa pagtibok ng mabilis na siya naman talagang nagpapalito sa kaniya.
"Edi...pwede ko na makita kung ano 'yang nasa mukha mo?" Sabi nito sabay lapit sa kanya, humakbang naman palayo si Emi, at mas lalong tinakpan ang pisngi na may kasamang paglingon-lingon ng ulo na parang sinasabing 'ayoko'.
Ganun lang ng ganun ang ginagawa nila, hahakbang palapit sa kaniya si Jack, hahakbang naman siya palayo, hanggang sa matalapid siya sanhi ng maling paghakbang sa hagdan nila.
"AAHHHH!!!" Sigaw ni Emi, mabuti na lang at nasalo siya ni Jack. Hawak niya ang likod ng bewang ni Emi habang napakapit naman siya sa leeg ni Jack.
Nagkatitigan sila, nanlalaki ang mga mata nila sa sobrang pagkabigla sa nangyari. Walang gumagalaw, tila tumigil ang oras at ang tibok ng puso nila'y parang isang musika na may perpektong harmonya.
"Jack, iho, gisi—" Hindi naituloy ng Ina ni Emi ang sasabihin dahil sa nakita. Napanga-nga na lang ito at mahahalata mo ang gulat sa kaniyang mukha.
Agad-agad namang napabalikwas ang dalawa nang marinig ang tinig ni Mrs. Laura, at parehong namumula ang pisngi't hindi makatingin sa isa't-isa.
"Ahh...ehem! Lorie, gising ka na pala anak mag-ready ka na, nakaluto na rin ako kung gusto mo kumain, punta ka na lang sa kusina, may itlog doon, bacon, tinapay, kanin, kung gusto mo ng fried rice nagluto rin ako ikaw na bahala ha," Sabi ng Ina ni Emi na tila walang nakita.
"Ahh... O-opo Ma! M-maliligo po muna ako" nauutal na tugon niya at dali-daling nagpunta sa banyo nila. Si Jack nama'y naiwang nakatayo doon. Napalunok siya sa kaba dahil ngayo'y silang dalawa na lang ni Mrs. Laura ang magkasama.
"Aaahh..*lunok Auntie-"
"Jack" Buong sabi nito.
"Yes po Auntie?" napatayo siya ng tuwid dahil sa takot na baka mapagalitan.
"Ano ang nakita ko?" deretsong tanong nito.
Pinagpapawisan na siya ng malamig at bumibilis ang tibok ng puso sa sobrang kaba.
"Ahh.. W-wala po yun Auntie, n-na out balance po kasi s-si Emi kaya po s-sinalo ko po siya"
"Sigurado ka?" seryosong tugon nito.
"*lunok o-opo Auntie! Hehe!"
"Eh bakit ka kinakabahan diyan? Nagtatanong lang naman ako ah! Batang 'to talaga" dahil sa sinabing ito ng Mom ni Emi, ay nabawasan ang kabang nararamdaman ni Jack.
"Halika muna saglit, maupo tayo, may kaunting katanungan lang ako sa'yo."
"Po?!" nagulat siya at natakot sa kung anoman ang pag-uusapan nila, pero kahit na gano'y sumunod pa rin siya.
Magkaharap sila ngayon ng Mom ni Emi. Naka-upo siya sa inupuan niya kanina, si Mrs. Laura nama'y naka-upo sa kaliwang upuan at nakaharap sa kanya. Naka-cross arms and legs ito at seryoso pa ang mukha na siya namang nagpakaba lalo sa kan'ya.
-------------------------------------------------
AN:
Ano kayang pag-uusapan nila noh? naku kinakabahan din tuloy ako hahha! go Jack kaya mo yan! Fight for Emi! Haha! Anyways...so binigyan ko npo ng name ang mom ni Emi w/c is si Mrs. Laura, ang hirap kasi kapag walang name mahalga pa naman siya. Bakit ngayon ko lang naisip bigyan ng name? Eh kasi nga dapt short story lang malay ko ba na hahaba to noh! hahah!
Date Updated: 28Apr15
Nga pala, na-publish ko na ung isa ko pang story na Liham Pag-ibig Romance po yan :-) sana basahin niyo :-( Classic love story po yan actually, Short story lang yan for sure! so un lang! tym to sleep na! gud nyt ebriwan!
Love Lots~

BINABASA MO ANG
Broken-COMPLETED
Literatura FaktuPresent Highest Ranking: #37 in Non-Fiction❤ (050718) Previous Highest Ranking: #95 in Non-Fiction BROKEN That is my LIFE. Behind her every SMILE, Behind her every LAUGH, Hides a true PAIN, Pain that makes her heart NUMB And curse the word LOVE Will...