Broken 27

375 8 0
                                    

*sorry for any mistakes*

Enjoy reading! Hope you like it! :-)

-------------------------------------------------

"Okay, palakpakan ni'yo ang mga sarili ni'yo" sabi ng prof nila, nagpalakpakan naman sila, may iba na sumigaw pa.

"Lahat ng sagot ni'yo ay tama, dahil wala namang maling sagot 'di ba? Opinion ni'yo 'yun eh, so now, for your last activity, I want you to write a fact about you, psychological facts. Like your personality type, phobias, or anything else na nagsa-sum up ng whole personality ni'yo. For example ako, extrovert ako or introvert ako and ummm...I have a sociophobia for example. That sums up why I'm not comfortable socializing, example lang 'yun okay? Clear ba?" paliwanag ng prof nila.

"Sir, bakit po may gan'yan pa? Last day naman na natin Sir eh!" reklamo ng isang kaklase nila.

"I'm doing this for you. Pandagdag din 'to sa quiz niyo, at isa pa para malaman ko kung may natutunan nga ba kayo sa subject ko, bakit? Ayaw ni'yo ba ng mataas na grade?"

"Sir naman 'di mo sinasabi kaagad!"

"Oo nga Sir! Sige Sir! Start na po saan po ba ilalagay?" Ito ang ilan sa mga sinabi ng classmates nila nang malamang pandagdag ito sa grades nila.

"Mataas na grade namin Sir!" kampante at mapang-asar na sigaw naman ng kaklase nilang may pagka pasaway.

"Ilan po ba Sir?!" pasigaw na tanong ng isa pang kaklase nila.

Nagkaroon ng ingay dahil doon. Naka-upo lang ang prof nila sa table nito na  nasa kaliwang parte sa unahan, tahimik ito at inaantay lang na magsitahimik ang mga nag-iingay.

"Sshh! Tumahimik na nga kayo!! Makiramdam ha! Si Sir oh! Naiinis na patapusin ni'yo muna kasi!" sigaw ni Ami nang mapansin ang biglang pagtahimik ng prof nila.

Tumahimik naman sila nang sawayin ni Ami.

"Sorry Sir" paghingi ng paumanhin ng isang kaklase nila.

"Thanks Ms. Lore, ano? Okay na kayo?" tanong pa ng prof nila saka tumayo.

"Okay, as I said write a fact about you. Sa one fourth yellow pad ni'yo na lang ilagay, kahit ilan pa ang ilagay ni'yo basta facts about you. Malay ni'yo may mga natatago pala kayong mga personalidad na hindi namin alam. Don't worry ako lang naman makakabasa niyan" sabay kindat.

At nagsimula na nga sila magsulat.

"El! Penge papel" sabi kay Emi ng kaklase nilang nasa harapan nila.

Binigyan naman siya ni Emi na may ngiti sa mga labi.

"Thanks El! Bait mo talaga!"

"Anong thanks? May bayad 'yan!" sabi naman niya.

"Hala!"

"Hahah! Jowk lang" biro niya dito na nakatawa.

"Ako rin" hingi sa kan'pllya ng isa pa.

"Hati na lang tayo" sabi naman ng pinagbigyan niya.

"El kami rin please" panghihingi ng katabi ni Ami na pinagdaop pa ang mga palad.

"Halahala! Naghingian na sila! May pinatago kayo?! May pinatago kayo?!" reklamo ni Ami. Pinisil lang siya sa pisngi ng katabi.

"Oh Star! Hati-hati na kayong apat diyan ha!" sabi naman ni Emi na inabot sa kaklase ang papel.

"Thanks El! Mwah! Oh, Ashi, Riez, Sehna narinig ni'yo hati-hati na raw tayo rito" sabi pa nito sa mga kaibigan habang tinutupi sa apat ang isang buong yellow pad na binigay ni Emi.

"Milhae ako rin penge" sabi pa ni Ami matapos mabigyan ni Emi ang mga kaklaseng nanghingi sa kan'ya ng papel.

"Ikaw talaga Ami! Ang lakas mo magsabi sa kanila ah! May pinatago ka? May pinatago ka?!" pang-aasar ni Emi sa kan'ya.

"Aba! Syempre 'pag bestfriend 'matik na yan!" sabi pa ni Ami na gumagawa ng hand gestures.

"Hmm! 'kaw talaga! Hati tayo, oh hating kaibigan" sabay abot kay Ami ng hinating papel.

"Yey! Thanks Milhae!" At nag-umpisa na sila mag-isip ng isusulat.

"Ano kaya isusulat ko? May phobia ba ako? Parang wala naman...ahhh...ano kaya?...Psychological Facts? Hmm..." sabi ni Emi sa sarili na nag-iisip.

"Ah! Alam ko na!" sabi niya pa.

Isinulat na niya ang naisip na salitang nagdi-describe ng pagkatao niya.

"Eccedentesiast" ito ang salitang sinulat niya.

Lumipas ang ilang minuto at pinasa na nila ang ginawa.

"Okay, now may mga gagawin pa ba kayo?" tanong ng prof nila

"Sir ako po!" sabi ni Ami na naka-taas ang kanang kamay.

"Ano 'yun Ami?" tanong kay Ami ng prof nila habang inaayos ang mga one fourth sheet na hawak-hawak.

"May kokolektahin lang po"

"Oh sige kolektahin mo na"

"Oy! Guys! Yung activities ni'yo sa humanities akin na"

"Pede mamaya na Ami? Ipapa-print pa namin eh" paki-usap sa kan'ya ng isang kaklase.

"Oo nga bhe mamaya na halika groufie muna tayo" hila  sa kan'ya ng isang kaklase.

"Sir, groufie tayo last day naman na eh"

At nag-groufie nga sila. Katabi ni Ami si Via sa mga oras na ito.

"A, sorry ha! I didn't mean to hurt you naman eh! Sorry na A, bati na tayo ha" sabi sa kan'ya ni Via na nakapulupot ang kamay sa braso ni Ami.

"Oo na oo na! Bitawan mo lang ako, sorry din ha kung nagkataon nasapak na kita haha!"

"Oo nga eh! Buti na lang talaga at El is here to stop you from doing so kung nagkataon baka may scratch na ang pretty face ko" may kaartehang sabi pa ni Via na may kasamang paghawak sa pisngi. Lumipat siya sa gitna ni Ami at Emi para mas maka-usap si Emi.

"So thanks El, and I'm so very sorry rin" baling pa ni Via kay Emi sabay akbay.

"Oo na! Apology accepted! Haahhaha!" sabi naman ni Emi na nakatawa.

"Haay...buti at nagka-ayos na kayo" pag-singit naman ni Apple.

"Guys game na! Dali wacky ha 1, 2, 3!!!" sabay takbo ng kaklase nilang nagprisinta para kumuha ng picture nila gamit ang tablet nito papunta sa lahat para makasama sa group picture nila.

Naka-akbay si Via kay Ami't Emi, naka-ngiti siya ng pagkalaki-laki, naka-akbay naman si Emi kay Apple habang naka-smile, si Ami nama'y nakangiting-nakanganga, si Apple nama'y naka-hawak sa bewang ni Emi habang naka peace sign.

Ang ibang kaklase nila'y may kani-kaniya ring wacky pose. May iba na naka-pout, ang iba'y nakatayo lang habang naka-ngiti sa camera, karamihan ay naka-peace sign. Meron ding naka-taas ang dalawang kamay at naka-nganga, at may naka rock 'n roll sign sa mga lalaki.

Sari-sari ang makikita, iba-iba ang itsura, ngunit sa kabila nito'y nagsama-sama sila at bumuo ng isang ekspresyon.

A happy expression.

"Every person is different, they don't share similar background and/or stories, so don't you dare compare!"

-------------------------------------------------

AN:

If you want to know the meaning of what Emi wrote on her paper then, search nyo na lang po sa google XD heheehehe!!!! If you know it already then CONGRATULATIONS! :-D

DW: 15M¥15

Date Updated: May 18,2015

And guys may new story po ako entitled REFLECTION, humor po siya and under super minor construction po ang story na 'yan. Yung isa naman MY MYSTERIOUS GUARDIAN ang title, GenFic at Completed na, actually on-going na rin ang book 2, kaya hope you'll read it too. Yun lang! Hope you also read my new stories! :-)

Love Lots ~

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon