Broken 20

552 13 1
                                    

"A-ano po ang pag-uusapan natin Auntie?"

"Relax, isang tanong isang sagot lang ang gusto ko"

"S-sige po Auntie"

Huminga muna ng malalim si Mrs. Laura bago magsalitang muli.

"Mahal mo ba talaga ang anak ko?" deretsong tanong nito.

"Po? Ah..O-opo naman Auntie!"

"Paano ako makasisiguro?"

Ngumiti siya, yumuko at saka nagsalita.

"Hindi ko po alam kung paniniwalaan niyo po ako, pero ang masasabi ko lang po, totoo po itong nararamdaman ko. Nung araw po na nakita ko si Emi, bagong lipat pa lang po kami nun" napa-ngiti siya nang maalala ang kanilang nakaraan.

"Lumabas po ako n'un para maghanap ng makakalaro, palubog na po ang araw n'un kaya nagsi-uwi na yung ibang mga bata nang may makita po akong batang babae sa bintana, umiiyak siya."

(Now Playing:)

Demi Lovato "Two Pieces"

There's a boy, lost his way, looking for someone to play

There's a girl in the window tears rolling down her face

We're only lost children, trying to find a friend

Trying to find our way back home

"Gusto ko po siya puntahan sa kwarto niya 'nun pero, hindi po pwede eh kaya hanggang tingin na lang ako,"

We don't know where to go, so I'll just get lost with you

We'll never fall apart, cause we fit together right, we fit together right

Pagka-uwi ko po nang araw na 'yun hindi ko po makalimutan 'yung batang babaeng umiiyak kaya sinabi ko po sa sarili ko na, 'dapat bukas, makilala ko na siya para ako mismo ang magpapatahan sa kaniya!'"

Nakikinig lang sa kan'ya si Mrs. Laura ng mabuti.

"Kinabukasan po n'un, lumabas po ako ulit, parehong oras, tumingin po ako sa bintana niya umaasa na nandun ulit siya, pero wala eh, kaya pumunta na lang ako sa park. Nasa may park na po ako n'un, nang may marinig po ako na iyak. Mag-isa lang po ako sa park n'un eh."

These dark clouds over me, rain down and roll away

We'll never fall apart, cause we fit together like, two pieces of a broken heart

"Akala ko po nung una multo, hahah! kinabahan nga po ako n'un eh!, pero, pagtingin ko po sa likod ng isang puno, nakakita po ako ng isang batang babae, hindi ko makita ang mukha niya kasi nakabaon iyon sa mga braso niyang nakapatong sa tuhod niya. Nung una, nag-aalangan pa ako na hawakan siya, pero dahil ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak,..."

•••••FLASHBACK...

*sniff *sob *sob

"Ayos ka lang ba?"

Napatingin sa kan'ya ang batang babaeng umiiyak, basa ang mukha nito ng luha. Nakatali ang buhok nito sa dalawang side (pigtail style), namumula ang pisngi't namamaga ang mata.

Nagkatinginan sila ng ilang sandali, umihip ang hangin, dumampi sa kanilang mga balat ang malamig na hangin, hindi siya makapag-salita, mas'yado siyang nabigla sa nakita, nabitawan niya ang dala-dalang bola, gumulong ito palayo sa kanila ngunit wala pa ring umiimik, hindi niya alam kung ano ang dapat gawin.

"A-ang cute niya" manghang sabi niya sa sarili.

I know where we could go and never feel let down again

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon