*sorry for any mistakes*
-------------------------------------------------
"Jack?!" gulat na sabi ni Emi sabay takip ng kaliwang pisngi gamit ang kaliwang kamay.
"Hindi naman na siguro halata yung pasa ko, naglagay naman ako ng concealer eh, hindi rin naman 'to napansin ni Ami. Hindi na 'to halata" pagkumbinsi niya sa sarili.
"Here" nakangiting sabi ni Jack.
"T-thanks" nauutal na sabi ni Emi. Tinanggal na niya ang pagkakahawak sa pisngi at nagsimulang isulat ang sariling pangalan sa top-left corner ng papel. Si Ami nama'y abala sa pagtingin sa mga gawa ng iba nilang kaklase.
Sinusulat na ni Emi ang mga letrang E-L-O-R-I, ngunit pagdating sa E, nagsimula nang lumabo ang tinta nito gaya ng bolpeng itinapon niya sa kalsada kagabi.
"Parang ito yung bolpen ko kahapon ah!" kunot-noong sabi niya sa sarili.
"Jack, saan mo 'to nakuha?" tanong niya rito habang tinitingnan ang hawak na bolpen.
"'Yan ba? 'Yan yung sinasabi ko sa inyo kagabi, yung ballpen na napulot ko, yung wala ng bahay? Oh 'di ba! Nagamit mo na, kumpleto na siya!" proud na sabi nito.
"Grabe ka Jack! Tinapon na 'yan ni Milhae 'di ba? Pinulot mo na, inuwi mo pa! Tsk! Tsk! You're hopeless" pagsingit ni Ami na hindi pa rin nawawala ang mata sa mga hawak na papel habang umiiling-iling.
"Heh! Tumahimik ka! 'Di pa tayo tapos!" sabi naman ni Jack sa sumingit na si Ami.
Itinigil ni Ami ang pagtingin sa hawak niya, humarap kay Jack, nagpa-meywang, ibinuka ang bibig at handa nang sagutin at magsisimulang makipag-away na naman kay Jack nang biglang magsalita si Emi.
"Not exactly okay. Oo buo na nga, may bahay na, pero pangit pa rin sumulat!" sabi niya na nakaharap kay Jack.
Nagpamulsa muna si Jack bago sumagot.
"At least it has a new home. See, everything has a remedy, even the broken ones can be fix but not the way you want, not the way you expected, and not the way it used to be. Gaya niyan," baling niya sa bolpen na hawak ni Emi, napatingin naman si Emi sa hawak niyang bolpen.
"It used to have a different tube, pero nasira, nabasag, kaya binigyan ko ng bago, hindi man kagaya ng bahay nito dati, at least nagkaroon 'yan ng bago at buong lalagyan, and that's the most important 'di ba?" pagpapaliwanag ni Jack na nakangiti.
Nakayuko lang si Emi, tinitingnan ang hawak na bolpen.
"Madali lang naman 'to maayos eh, kasi gamit lang naman 'to. Things and humans are widely different. Things don't have feelings, humans have. Things don't get hurt, humans do, and especially, things don't get easily broken because they're just plain things unless someone or something broke them. Unlike us humans, we got easily broke because we have feelings, we have brains, and we have a heart. We're not plain, because we're a futile, complicated human being" sabi niya sa sarili.
"Yeah right! Milhae sagutin mo na kasi si Jack! Let him be your duct tape, your new home" malambing na sabi ni Ami na nakapameywang pa rin.
Napatingin si Emi sa kan'ya at napa-isip.
"My Duct tape? My new home? My 'The One'? " namula siya nang maisip ang mga ito.
"Okay lang naman kung hindi ako sagutin ni Emi eh, hindi naman ako nagmamadali, handa ako maghintay" sabi ni Jack habang nakatingin kay Emi na nakaharap ang mukha kay Ami. Bakas sa kan'yang mga mata ang pagsasabi ng tapat at totoong nararamdaman.
Dahil sa sinabi ni Jack pakiramdam ni Emi mas lalong nag-init ang kan'yang mukha kaya naman yumuko na lang siya at pinagpatuloy ang pagsusulat kahit na paandap-andap ang tinta nito'y pinagtiyagaan niya na lang 'wag lang makita ng mga kaibigan ang namumula niyang pisngi.
"Yiiihh! Jack ikaw ha! Dumada-moves ka ha! May nalalaman ka ng ganyan ha! Ang sweet sweet! Sana may ganyan din ako!!! Iiihhh!!! Nikikilig na naman ako senyo eh!!!" sabi ni Ami na ramdam na ramdam ang kilig, tinulak-tulak niya pa si Jack at parang bulate na gumigiling-giling.
Namula naman si Jack nang mapagtanto kung ano ang mga sinabi niya.
"H-hoy Ami! Tumigil ka nga! 'Di pa tayo okay!" namumulang sabi ni Jack.
"Yiiihh! Ewan ko sa'yo Jack! Kinikilig ka lang eh! Pinagtanggol na nga kita kay Milhae eh! Kung 'di ko pa sinabi yung mga sinabi ko kanina edi sana hindi siya namumula ngayon! Wahahha! Ang cute niyo talaga!!!" kinikilig pa ring sabi ni Ami.
"Ami Kaysseee!!!!" tawag kay Ami ng isang kaklase nila. Lumingon naman siya habang ang dalawa'y hindi pa rin nawawala ang pamumula.
"Oh, ayan na yung activity ko, buti na lang nahabol pa kita"sabi nito na hinihingal.
Tinanggap naman iyon ni Ami at nagpaalam na sa kaklase.
Maya-maya'y nagpaalam na rin si Jack sa kanila dahil tapos na ang 30 minutes break nila. Hindi gaya nila Emi, si Jack ay may klase pa dahil strikto ang prof nito, gusto nito na kahit wala na silang ginagawa'y pumasok pa rin sila dahil may pinapagawa siya. Kung hindi man magpa-quiz, ay nagku-kwento ito ng mga karanasan niya at pinangangaralan sila.
Nagpunta sila sa canteen at doon nagpalipas ng oras.
-------------------------------------------------
AN:
Hi guyss! sorry for super duper late update kakatapos lang kasi ng OJT namin kaya ko nagawang makapag-UD ulit, ang saya-saya last day namin kahapon! pero malungkot din kasi nakaka-miss sila huhuhu! T.T
Date Updated:30 May 15
Comment mo name mo para makapag-thank you ako sa'yo at malay mo ma-mention kita dito hihi! ^,^ v
Love Lots~
'I'll miss those days <3'
BINABASA MO ANG
Broken-COMPLETED
NonfiksiPresent Highest Ranking: #37 in Non-Fiction❤ (050718) Previous Highest Ranking: #95 in Non-Fiction BROKEN That is my LIFE. Behind her every SMILE, Behind her every LAUGH, Hides a true PAIN, Pain that makes her heart NUMB And curse the word LOVE Will...