"Okay, Timezone is clear, now sugooodd!!!" sabi ni Ami na excited na excited pumasok sa karaoke room sa Timezone.
Umupo si Ami sa kanang parte ng upuan, tumabi naman sa kaniya si Emi, habang si Jack naman ay umupo sa katapat na upuan.
"Sige sino mauuna?" sabi ni Ami na papalit-palit ang tingin sa dalawa.
Sa kabilang banda, hindi naman magawang tingnan ni Emi si Jack. Kanina pa siya nanlalamig, ang bilis din ng tibok ng puso niya, nanghihilab ang sikmura't hindi mapakali.
Aminado siya sa sarili na mahal niya na rin si Jack, pero hindi niya pa rin talaga maiwasang matakot, dahil sa kabila ng nangyari sa pagitan nila nito, nangingibabaw pa rin ang takot.
Takot na magmahal, ang takot na maranasan ang sinapit ng Ina at ang takot na mawala ang sinasabing pagmamahal ni Jack sa kaniya paglaon ng panahon.
"Milhae ano na? Ikaw na lang hinihintay" sabi ni Ami habang magkapatong ang kamay nila ni Jack na parang gagawa ng maiba-taya.
Nabalik naman sa sarili si Emi't sumunod sa ginagawa ng dalawa, ipinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng likod ng palad ni Ami.
"Maiba first ha" sabi ni Ami saka nila ibinagsak ang mga kamay.
"Yes! First ako!!" masayang sabi ni Ami.
"Oh gumaya sakin second dali!!"
"'Wag na si Emi na next, ladies first" pagpaparaya ni Jack sabay kindat kay Emi na siyang nagpamula sa kaniyang pisngi't nagpakilig naman kay Ami.
"Cheesy! Ako na nga bibili ng token! Tig-tatlo tayo ha" pagboluntaryo ni Ami
"Dalawa lang sa 'kin"
"Akin din, ikaw na lang mag-tatlo"
"Pssh! Gaya-gaya ka Jack! Che! Bahala kayo" saka ito lumabas nang makuha ang mga bayad nila.
"Emi, tungkol sa kahapon-"
"K-kalimutan mo na 'yun!! Naiintindihan ko kung bakit mo 'yun nagawa dala lang 'yun ng emosyon mo okay lang sa 'kin kaya 'wag ka na mag-alala!" dire-diretsong sabi niya na may pamumula sa pisngi.
"Ha? Ah...ibig kong sabihin...yung tungkol sa mga pasa at sugat mo" nahihiyang sabi naman ni Jack.
Palihim na nanlaki ang mata ni Emi at mas lalong namula ang mukha dahil sa sinabi ni Jack, hindi niya inaasahan na tungkol sa kalagayan niya ang tinutukoy ni Jack at hindi sa nangyari sa pagitan nila.
"Ah y-yun ba? Ehe-he-he-he a--ayos lang" hindi mapakaling sagot niya. Nagme-mental scream na lang siya.
Tumango lang si Jack bilang tugon.
Matapos noo'y wala na ulit umimik sa kanila, pareho silang hindi makatingin sa isa't-isa at tila ba may barrier na nakaharang sa kanila dahil sa sobrang awkward ng pakiramdam.
Ibinuka ni Jack ang kaniyang bibig para sana ulit magsalita ngunit bumukas na ang pinto't pumasok si Ami dala ang mga tokens.
~~~
Unang kinanta ni Ami ang Glad It's Over ni Julie Ann San Jose, sumunod na kumanta si Emi, I Will Be by Avril Lavigne naman ang kinanta niya at Kundiman by Silent Sanctuary naman ang kinanta ni Jack. Habang kinakanta niya ito'y pasimple siyang tumititig kay Emi, at sa tuwing gagawin niya 'yun, naninigas sa kinauupuan si Emi at si Ami nama'y inaasar sila na sa sobrang lakas ng boses ay halos matabunan na ang kumakantang si Jack.
"Ok turn ko na ulit!" masiglang sabi ni Ami.
Pinindot na niya ang corresponding numbers ng napili niyang kanta, hinulog ang token saka pinindot ang play button.
BINABASA MO ANG
Broken-COMPLETED
Non-FictionPresent Highest Ranking: #37 in Non-Fiction❤ (050718) Previous Highest Ranking: #95 in Non-Fiction BROKEN That is my LIFE. Behind her every SMILE, Behind her every LAUGH, Hides a true PAIN, Pain that makes her heart NUMB And curse the word LOVE Will...