"WALA KA NG NAGAWANG TAMA!" bulyaw ng kaniyang Ama"WALA NAMAN AKONG NAGAWANG TAMA PARA SA'YO 'DI BA!"
Ito ang mga unang salitang narinig niya nang makapasok siya sa kanilang tahanan.
"MABUTI AT ALAM MO!
"MATAGAL KO NANG ALAM! DAHIL 'YAN LANG NAMAN ANG NAKIKITA MO 'DI BA! ANG MGA KAMALIAN KO?!!"
"OO! DAHIL MULA NG MAKILALA KITA, ANG BIGAT BIGAT NG PAKIRAMDAM KO! PARA AKONG MAY DALANG MALAKING BATO!"
"YAN NAMAN ANG TINGIN MO SA AKIN DI BA?! ISANG MALAKING BATO, ISANG MALAKING PABIGAT!!"
Hanggang sa kwarto'y rinig parin ni Emi ang sigawan ng kaniyang mga magulang.
"OO! At mas lumaki pa! MAS LUMAKI PA!" gigil na gigil na sabi ng kanyang Ama. Makikita mo sa leeg nito ang bakas ng kanyang mga ugat, namumula ang mukha, nanlalaki ang mata at nakasarado ang kamay na nakataas hanggang sa kanyang ulo, tanda ng pagkagalit nito habang tinitingnan ang kanyang Ina.
"Pa-promise PROMISE ka pang nalalaman noon! ASAN NA ANG PANGAKONG 'YUN?! WALA NA!" sabat naman ng kanyang Inang nakapameywang
"PROMISE, one of the things that can be easily broke, as well as trust. Tama nga sila, promises are meant to be broken" sabi ni Emi na ngayo'y hinahanap ang nag-iisang litrato na meron sila. Niwawalang bahala lang niya ang sigawan ng kanyang mga magulang, dahil nga para sa kan'ya, NORMAL lang iyon.
"Alam mo ba, binata palang ako, NAGHIRAP na ako, HANGGANG NGAYON..."
"BAKIT?! AKO BA ANG NANLIGAW?! AKO BA ANG NAGSABI SA'YO NA 'NILALAGNAT AKO KAPAG WALA KA' CHEE! AKO BA HA! Tapos ngayon MAGSISISI ka at AKO ang pinakasalan mo?! PWES MAGTIIS KA AT AKO ANG PINAKASALAN MO!"
Isang masaklap na ngiti ang gumuhit sa labi ni Emi nang marinig ang mga salitang iyon sa kanyang Ina.
Nagsusulat na si Emi ng mga oras na ito, paandap-andap ang tinta ng kan'yang bolpen na siya namang kinaiinisan niya.
"Hindi na ako tulad ng dati na tatahi-tahimik lang! IBA NA ANG KAHARAP MO NGAYON! IBANG-IBA NA!" dugtong pa ng kanyang Ina
"Pu**** I**" SLAP!! panandaliang natahimik ang kaniyang mga magulang.
"TSK! Bw**it na bolpen!"
"Maghiwalay na tayo" sambit ng kaniyang Ama.
"Edi maghiwalay kayo! Bilisan ni'yo na!" sabi ng utak ni Emi habang pinapatinta ang kaniyang bolpen.
"HIWALAY?! KUNG GUSTO MO NG HIWALAY, BIGYAN MO 'KO NG TIKET AT PERA! HINDI YUNG PURO SALITA KA LANG! AT KUNG AYAW MO IKAW ANG UMALIS!"
Bulyaw ng kanyang Ina.
Rinig na rinig ito ni Emi na ngayo'y nasa labas na ng kanyang silid, bitbit parin ang bolpen na halos ayaw nang tuminta.
"At bakit ako aalis?! BAHAY KO 'TO! PERA KO ANG GINAMIT PANTAYO SA BAHAY NA 'TO!"
"BAHAY KO RIN 'TO AT MAY KARAPATAN AKO SA BAHAY NATO dahil ASAWA MO 'KO!"
Akmang susuntukin ng kanyang Ama ang kanyang Ina, kaya naman bilang instinct, tumakbo siya sa harap ng kanyang Ina para maprotektahan ito.
BOOOGGGSSHHH!!!!
"LORIE!"
Si Emi ang tinamaan ng suntok ng kanyang Ama, dahil dito'y tumalsik siya sa 'di kalayuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/33491435-288-k206780.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken-COMPLETED
Kurgu OlmayanPresent Highest Ranking: #37 in Non-Fiction❤ (050718) Previous Highest Ranking: #95 in Non-Fiction BROKEN That is my LIFE. Behind her every SMILE, Behind her every LAUGH, Hides a true PAIN, Pain that makes her heart NUMB And curse the word LOVE Will...