"Tungkol ito sa'yo"
"A-ano po'ng tungkol sa akin?" kunot-noong tanong niya sa ina sabay hawak sa dibdib na parang tinuturo ang sarili.
Yumuko muna ang kanyang Ina, tumahimik ito ng ilang sandali.
"He-hehe! Hahah! Hahahahah! Hahahaha!" Ang akala niya'y sasagot na ito, ngunit nag-umpisa itong tumawa na parang wala sa sarili.
Nawala ang pagka-kunot ng noo ni Emi at dahan dahan din niyang ibinabang muli ang kamay.
"*hik! alam mo ba gushto ka ipalaglag ng ama mo dati?! Hahahaha!" Sinabi ito ng kanyang ina habang pinapalo ang lamesa.
Lubha itong ikinabigla ni Emi, dahilan para manlaki ang kaniyang mata.
"Alam moh kung baket? *hik kashe shabi niya madadagdagan pa raw ang demonyo dito sha bahay! HAH! Ta*ga ba sha?! eh sha lang naman ang demonyo sa bahay nato eh"
"Demonyo? Kaya ba ganun na lang kung saktan niya ako? Dahil ayaw niya sa akin?" napagisip-isip niya.
May nakawalang luha sa kan'yang kaliwang mata, agad naman niya itong pinunasan.
"Pero Ma 'di ba sabi niya po ayaw niya po ako lumaki na walang Ama o Ina?" pagtatanong niya pa sa lasing na Ina, sinasamantala na niya ang pagkakataong ito.
"Yun ba? Shos! Kunwari niya lang yun! Hitshura nun! Iisipin tayo? Ikaw! Hah! Lokohin niya sharili niya! Alam mo bang shinampal ko sha matapos *hik niyang shabihin yun. Kaya ito ang inabot ko, binugbog *hik ako ng d*monyo!"
"Kaya po pala ang dami mo pong pasa't galos, ang kalat din ng bahay, kaya pala."
"*hik mabuti na lang at umalish na ang bakulaw *hik umalish na sha Lorey! Malaya na tayo! Hahah! *hik pero wag kah mag-alala anak *hik nangako sha na shushustentuhan niya tayo ABA! Takot niya na lang shakin! Haahah! Kaya ikaw Lorey *hik wag ka mag-aashawa! Wag mo ko gayahin dahil ang mga lalake pare-pareho *hik lang yan! Alam mo ba akala ko dati iba yang tatay mo sha lahat ng lalaki?! Dahil mabaet sha! Ha! Ngayon lumabash ang tunay nyang ugali *hik iba nga talahga sha sa *hik lahat ng lalake dahil mash malala pa sha! Hahaa! Ang tang* tang* ng nanay mo kaya Lorey wag na wag ka tutulad shaken *hik wag na wag" matapos ito sabihin ng kaniyang ina'y napayuko na lang ito bigla sa lamesa at hindi na muling umimik pa.
"Ma? Ma?" niyuyugyog na niya ito para magising, pero wala pa rin, tulog pa rin ito.
"Haayy...nakatulog na si Mama hahah! D*mony* pala ako hahah! Ngayon ko lang nalaman!" sabi pa niya habang tumatawa ng mapait.
"Hindi, para sa 'kin anghel ka anak, biyaya ka ng Maykapal sa akin, mahal na mahal kita, kayo ni kuya mo, salamat at dumating ka sa buhay ko." biglang sabat ng kanyang Ina na nakayuko pa rin.
"Ma? Gising na po kayo? Ma? Ma?" niyugyog niya ulit ang Ina na parang ginigising ngunit sa halip na sumagot ay narinig niya na lang ang paghilik nito. Napangiti na lang siya.
Binuhat niya ang Ina saka ito inihiga sa sofa sa sala nila, hindi na niya binuksan pa ang ilaw sa sala nila, tanging ang liwanag na nanggagaling sa kusina nalang ang ginagamit niya para makakita. Umakyat siya sandali at bumaba rin agad matapos kumuha ng kumot at unan para sa ina.
Tulog na tulog na ang kaniyang Ina, binuksan niya ang electric fan nila at pinaikot ito habang nakatapat sa Ina, ng sa gayo'y hindi siya masyado kagatin ng lamok, at para narin hindi ito pagpawisan.
Lumapit siyang muli sa Ina, yumuko para mahalikan ang ina sa noo saka sinabing...
"Good night Ma, mahal na mahal ko rin po kayo, salamat po sa pag-aalaga't pagpapalaki sa akin, salamat po Ma, maraming salamat po. Good night po ulit Ma aakyat na po ako ha." Naghintay siyang muli, nagbabakasakaling magsalita ito, nang wala siyang narinig na reply, ay tumayo na siya, pinatay ang ilaw sa kanilang kusina, umakyat sa hagdan saka pumasok sa silid.
Isinara niya ang pinto, saka sumandal dito. Pinagmasdan muna niya ng ilang sandali ang kanyang silid, madilim sa loob nito at tanging ang liwanag na nagmumula sa buwan lamang na tumatagos mula sa kaniyang bintana ang tanging nagsisilbing liwanag.
Humangin ng mahinahon, napunta ang ilang hibla ng kaniyang buhok sa kaniyang mukha, tinanggal niya iyon at pinagpatuloy ang pag-ikot ng paningin sa loob ng kaniyang kwarto, hanggang sa mapadpad ang kanyang mata sa isang stufftoy na naka-upo sa kama niya katabi ng kanyang unan. Bumabalik ang ala-ala niya kung kailan magkasama pa sila ng kaniyang kapatid sa kuwartong iyon.
------------------------------------------------
Date Updated: Apr. 11 '15
BINABASA MO ANG
Broken-COMPLETED
Kurgu OlmayanPresent Highest Ranking: #37 in Non-Fiction❤ (050718) Previous Highest Ranking: #95 in Non-Fiction BROKEN That is my LIFE. Behind her every SMILE, Behind her every LAUGH, Hides a true PAIN, Pain that makes her heart NUMB And curse the word LOVE Will...
