Broken 2

2.4K 33 2
                                    

"Okay class, this will be your last activity for the sem. I want you to paste or print a picture of your family bonding since childhood until now. Dahil last semester na, na makakasama ko kayo, hindi ko na kayo pahihirapan, gusto ko lang makita ang mga lugar na napuntahan ni'yo together with your family as part of our topic which is photography. Kahit sa Mall okay lang as long as may maipapasa kayo. At s'yempre lalagyan n'yo 'yun ng description. Imposible namang wala kayong mga pictures hindi ba?!"

"Family Bonding? What if kung wala..." naputol ang pag-iisip ni Emi nang may magtanong sa kanilang prof.

"Miss! Paano po kung walang picture? What if lang miss ha, kasi po example nasa province mga ganun po?"

"If that's the case then, you can just tell us your family bonding by summarizing it and print it. Or pwede rin na 'yung selfie ni'yo na lang ang ilagay ni'yo d'un, punuin n'yo 'yun ng selfie kung gusto n'yo as long as may maipapasa kayo. Meron ba sa inyong nasa province ang pics at kahit isa walang dinala?... Mukhang wala naman. Then it's settled, tomorrow will be the dead line."

"I can't remember having one...wait, I have...but only one...
at least I have one" nasabi na lang niya sa sarili.

"Class dissmissed, I have a meeting so ibigay nyo nalang kay Ami yung activities nyo, Ami ibigay mo nalang sakin sa faculty."

"Yes Miss! :-)" at doon natapos ang klase nila sa araw na yun.

"MILHAE!! Tara lunch? :-)" pag-aya ni Ami.

Tumayo na sa pagkaka-upo si Emi at palabas na sila nang biglang sumulpot si Jack.

"Sama ako syempre!" pagsingit niya pa.

--------

Habang sila'y kumakain, napansin ni Jack ang hindi matagong kasayahan ni Ami.

"Ami! Pansin ko lang, parang hindi ka na broken hearted ah!"

"Halata ba?" sabi nito na may halong paghawak sa pisngi.

"Oo! Halatang halata kaya 'di ba Emi?!"

Tumango lang si Emi bilang tugon habang kinakain nito ang burger na binili niya.

"Move on na kasi ako, hello! It's been months since that jerk break me up! Hindi siya kawalan! Kapal ng mukha siya pa may lakas ng loob na makipaghiwalay sa akin? SIYA ang nawalan, hindi ako! Hmp! 'Yung mayabang na yun! Saka na-realize ko, hindi lang siya ang lalaki rito sa mundo, sinayang ko lang oras ko sa kanya. Yung panahon, yung pagmamahal na binigay ko, tapos ano! Pinagpalit niya lang ako! Huh! At isa pa, may nakilala ako, and I think he's The One."

"Sigurado ka?" paniniguro ni Jack

"Oo naman! The One who can fix my broken heart" sabi nito na may kilig at pamamantasya.

"BROKEN"

Natigil si Ami sa pamamantasya at napatingin kay Emi na nagsalita, habang si Jack ay natigil sa pagkain at napatingin din kay Emi na biglang nagsalita.

"Heart isn't the only one that can be broke" seryosong sagot ni Emi.

"Yan ka nanaman! Jack! Kausapin mo nga 'yang mahal mo! Napapa-english na naman, pasagutin mo na kasi ng ma-fix na rin ang kanyang broken heart"

"My heart isn't broken, so why fix it?" tugon ni Emi habang nakatingin sa mga mata ni Ami. Bakas sa kanyang mga mata ang lungkot na nadarama.

"Haayyy...! Is that the effect of broken family to you?"

"So you know, my family isn't broken either" 

"Yes hindi kami Broken Family pero bakit feeling ko mas broken pa ang family ko kaysa sa family nila Ami?"  kausap ni Emi ang sarili.

"Then what is BROKEN!!!" pasigaw na sabi ni Ami na napahampas na sa table na kinauupuan nila. Agad naman siyang pinakalma ni Jack.

"I don't know" kunot-noong tugon ni Emi.

"Don't worry, whatever it is, I'm always here to fix it" nakangiting sabi ni Jack habang nakatingin sa mga mata ni Emi na ngayo'y kalmado na.

Habang si Ami naman ay pabalik-balik na tinitignan sila na ngayo'y nakatingin sa mata ng isa't-isa.

"IIIIHHHH!!!! Nikikilig naman ako sa inyo! Hahaha! :-D ang sweet n'yo hindi niyo lang alam :-)"

Mapang-asar na sabi ni Ami sa dalawa.

"O sige, una na ako ha, magkikita kami ni The One ko eh Bye!"

Pagpapaalam ni Ami matapos inumin ang huling patak ng kanyang coke.

Naiwan si Emi at Jack sa table na pinagkainan nila. Kinakain na ngayon ni Jack ang fries niya habang tinititigan si Emi na sumisipsip sa straw ng kanyang coke.

Napansin ni Emi ang pagtitig na ginagawa ni Jack sa kaniya.

"Tigilan mo nga 'yan"

"Sorry, I just can't help it. Say Emi, ano tingin mo sa love?"

Nagulat si Emi sa naging tanong nito, gayunpama'y nagawa niyang sumagot.

"Love? Pag-ibig?, for me, love is just a word. Isang salitang kapag sinabi nagkakaroon ng kahulugan. Ito ay isang mapagkunwaring salita na kapag ginamit maaari ka makasakit o makapagpasaya.

Para sa akin, PLASTIC ang pag-ibig. Sinasabi mo nga na love mo ang isang tao, but did you really mean it? Hindi naman kasi nakikita ang puso ng tao 'di ba? Love can make you smile, laugh, change, and it can make you feel special. But it can also hurt you, it can make you cry and it can also kill you, may mga taong nagpapakamatay dahil love na 'yan 'di ba, dahil binreak, hindi sinagot at kung anu-ano pa.

Love is a very powerful word, that's why I hate it, someone very special to me was hurt because of love. It makes her suffer, feel worthless, lose all her patience and because of that, I became numb. Ayokong maranasan ang mga naranasan niyang 'yun.

Love is deceitful, that's what I think about love, or should I say what I FEEL about love."

******

Matapos ang usapan nilang yun ay umuwi na rin sila at habang sila'y naglalakad...

"Kailan mo ba ako sasagutin?" natanong ni Jack out of the blue.

"Sabi ko naman sa'yo 'di ba ,WALA akong balak sagutin ka"

"Sinabi ko rin naman sa'yo 'di ba, WALA akong balak sukuan ka"

"Bakit mo naman ako sususkuan? Wala ka namang ginawang masama, hindi ka naman wanted, at hindi naman ako pulis para sukuan mo" mapang-asar na sagot ni Emi.

"Hahahhahh!!! Nakakatawa ka talaga, biruin mo naisip mo yun! Hahah!!" ginulo nito ang buhok niya sabay inakbayan.

Ngiti lang ang tanging sagot na binigay ni Emi sa kanya, medyo nakatingala siya dahil hanggang tainga lang siya ni Jack. Inakbayan din niya ito saka binigyan ng isang matamis na ngiti.

Nagpaalam na si Jack sa kanya, nasa tapat na siya ngayon ng bahay nila, at mula rito, maririnig mo ang sigawan ng kaniyang mga magulang.

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon