Broken 32

386 7 1
                                        

Sana ako na lang si Ami.

Ito ang mga salitang nais niyang mangyari sa mga oras na iyon. Gusto niya maging si Ami, para siya ang maging dahilan ng pag-ngiti ni Jack.

Lumunok siya, huminga ng malalim bago magsalita ng buong tapang.

"JACK!" kunot-noong sigaw niya dahilan para matigil si Jack sa pangungulit kay Ami at mapatingin sa kan'ya.

"Tigilan mo na nga yan! Nasasaktan na si Ami!" Kunot-noong sabi niya dito. Nagagalit na talaga siya ngunit hindi niya alam kung ano ang tunay na dahilan. Dahil ba sa pangungutos niya kay Ami? O dahil sa nagseselos siya?

Tumigil naman si Jack at napalingon sa kan'ya, binitawan na rin niya si Ami saka hinarap si Emi.

"Emi!!!" nakangiting tawag ni Jack sa kan'ya, ngunit sa pagkakataong ito'y mas malawak ang pinakawalan niyang ngiti kumpara ng inaasar niya si Ami.

Tumakbo siya palapit kay Emi saka ito niyakap. Si Ami nama'y hinahaplos-haplos ang nasaktang ulo, At si Emi, nanlalaki ang matang nanigas sa kinatatayuan habang yakap-yakap ni Jack.

"Emi! Bakit hindi mo ako tinawagan? Dapat ikaw na lang ang tumawag sa akin at hindi si Ami edi sana sinagot ko 'yun kahit pagalitan ako ayos lang!" Namumula ang pisnging tinulak ni Emi si Jack na siya namang lubhang nagpalito kay Jack.

"Emi may problema b-" hindi na natuloy ni Jack ang sinasabi dahil tinulak ulit siya ni Emi at galit na pinuntahan si Ami.

Inabot niya ang mga dalang papel kay Ami saka sinabing...

"Ami tara ipasa na natin 'to kay Miss!" hinablot naman sa kan'ya ni Ami ang mga papel saka dali-daling tumakbo.

"Ami! Sasama ako sa'yo!" napahinto si Ami sa pagtakbo at saglit na nilingon si Emi.

"'Wag na! Ako na lang! Magkita na lang tayo sa front gate!" at tumakbo na ulit ito.

Nanghihinayang na napanga-nga doon si Emi.

"Ami bakit?! Gusto ko nga makalayo kay Jack eh!!"

"Emi tara" malungkot na sabi ni Jack.

Lumunok si Emi saka humarap kay Jack.

"S-sige"

Naglalakad na sila papunta sa front gate nang magsalita ulit si Jack.

"Emi, galit ka ba?" napatingin siya kay Jack nang sabihin niya ito.

"H-hindi ah! Nabigla lang ako kanina!"

"T-talaga? Mabuti naman! Akala ko kasi galit ka sa akin eh" nakangiting sabi nito.

Nag-smile na lang si Emi at lihim na hinangaan si Jack.

Binabawi ko na ang sinabi ko kanina, ayoko na maging si Ami. Kasi sa mga simpleng bagay lang napapangiti kita Jack, at 'yun ang mas mahalaga.

Nagulat si Emi nang hawakan ni Jack ang kamay niya. Nanlaki ang mata niya't hindi makahinga, bumibilis na naman ang tibok ng puso niya't nag-iinit ang mukha. Pasimple niyang tiningnan si Jack, gusto niya makita kung ano ba ang reaksyon nito.

Nakatingin siya sa side taliwas sa direksyon ni Emi kaya hindi niya makita ang mukha nito. Pero base sa tenga nito, namumula siya.

"P-pwede ko namang h-hawakan ang k-kamay mo 'di ba?" nauutal na tanong nito sa kan'ya.

Hindi siya sumagot at hinigpitan na lang ang pagkakahawak sa kamay ni Jack. Nasa front gate na sila ng mga oras na ito.

"Nagtanong ka pa eh hinawakan mo na nga!" pahabol na sabi niya.

Dahil dito, napalingon si Jack sa kan'ya at nakumpirma niya ang pamumula ng mukha nito.

Natawa siya sa itsura ni Jack, napatanong tuloy ang binata ng "bakit?"

"Wala, natatawa lang ako sa mukha mo, ang pula kasi eh!"

Natawa rin si Jack matapos iyon sabihin ni Emi. Sa pagkakataong ito'y siya naman ang nagtanong ng "bakit?"

"Wala, na-realize ko lang na mas lalo ka gumaganda kapag nag-b-blush ka"

Dahil sa sinabing iyon ni Jack mas lalo siyang namula.

"Kyaahhh!!!" natigil sa pag-uusap ang dalawa at napatingin sa tumili na si Ami. Agad-agad naman nilang tinanggal ang pagkakahawak sa kamay ng isa't-isa parehas na lumingon sa magkaibang direksyon.

"Nakita ko yun! Nakita ko yun! Kyaahhhh!!!"

"A-Ami, anong nakita mo?" pa-inosenteng tanong ni Jack.

"A-ano! W-wala! 'Di ba Ami wala! Hehe! Tara na nga! Magsi-uwi na tayo!" singit ni Emi sabay hila kay Ami.

"Milhae yiihh! Nakita ko y-"

"Sshh! Ami tama na!"

"Hihi! Sige na nga! Sabi mo eh! Haha! Pero Milhae sa totoo lang kinilig ako dun kyaah!" pabulong na sabi ni Ami.

"Jack! Bilisan mo nga!" sabi pa ni Ami sa nahuhuling si Jack. Tumakbo naman palapit si Jack kay Emi saka ito inakbayan.

Agad-agad namang umiwas si Emi sa akbay ni Jack, doon naman sumingit si Ami.

"Jack! Ako na lang ang akbayan mo ayaw ata ni Milhae eh" saka siya kumalas sa pagkakahawak ni Emi at lumipat sa pwesto ni Emi para i-akbay ang kamay ni Jack sa kan'ya.

Nakaramdam ng kirot sa puso si Emi, tiningnan niya silang dalawa na naghaharutan na naman. Hindi niya marinig ang mga sinasabi nila, pakiramdam niya nabibingi siya.

"Oh pano dito na ako bye Milhae, bye Jack! Nice move nga pala kanina ha!" sabay thumbs-up nito kay Jack.

Papasok na sana si Ami sa bahay nila nang pigilan siya ni Emi.

"Ami saglit! Jack mauna ka na mamaya na ako, may pag-uusapan lang kami ni Ami"

"Aantayin na lang kita"

kumunot ang noo ni Emi sa naging sagot ni Jack.

"Jack hindi na ako bata! Mauna ka na! Kaya ko na sarili ko ang lapit lapit na lang mag-aantay ka pa kaya ko umuwi mag-isa!" seryosong sabi niya kay Jack.

Nagulat si Jack sa naging asta ni Emi, nasaktan siya dahil pakiramdam niya pinagtatabuyan siya nito.

Kanina lang okay naman kami ah, anong nangyari? May nagawa ba akong mali? May nasabi ba akong hindi maganda?

"Jack sige na mauna ka na mukhang importante ang pag-uusapan namin eh"

Hindi na nagpumilit pa si Jack, tahimik na lang siyang umalis na nakapamulsa.

Naramdaman ni Emi na nasaktan si Jack. Gusto niyang bawiin ang sinabi't tumakbo papunta rito at yakapin, pero hindi niya ginawa, dahil mas mahalaga ang bagay na 'to kaysa doon.

Kailangan niya na ayusin 'to, once and for all!

-------------------------------------------------

AN:

DW: 03 ¿ûń 15

Date Updated: 4June15

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon