Broken 8

930 17 0
                                    

Napagod si Emi sa ginawa dahilan para mapa-upo siya sa damuhang kinatatayuan. Hindi niya napansin na basa na pala ng luha ang kanyang mukha. Hindi niya ito pinunasan dahil sa gabing iyon, gusto niyang iiyak lahat. LAHAT lahat ng mga luhang naipon na sa kaniyang mata.

Umiyak siya ng umiyak doon kaya naman nilapitan siya ni Ami. Malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha, naaawa siya sa kaibigan pero hindi niya mahanap ang mga tamang salita para mapagaan ang kalooban ni Emi. Kaya naman umupo na lang siya sa tabi ni Emi, saka ito niyakap.

Isang mahigpit na yakap, habang hinahayaan lang ang kaibigan na umiyak.

Nakayuko ngayon si Jack. Ayaw niya nang makita pang ganoon si Emi, naiinis siya sa sarili dahil wala siyang magawa. Sinasabi niyang mahal niya si Emi, pero ni hindi man lang niya mapatahan ito. Aalis na sana siya para puntahan ang Dad ni Emi, gusto niya itong kausapin, at SUNTUKIN kung maaari gaya ng sinasabi niya noon.

•••••FLASHBACK...

"Hayaan mo Emi, paglaki ko ako mismo ang susuntok jan sa tatay mo! hmp! sigurado ako pagdating ng araw wala siyang masasabi sa maskels ko! wahahaha!"

boogsh!

"Aray! Ami! bakit mo 'ko binatukan!*pout"

"E kasi naman! Makapagsalita ka naman diyan! Anong akala mo? May laban ka kay Uncle?! Eh ang payat payat mo kaya! Kaunting pitik lang sayo tumba ka na niya! Kaya kung gusto mo makatulong halika rito! Tulungan mo akong patahanin si Milhae! Wala kang kwentang asawa! Ayaw na kita para kay bespren! Hmp!"

"Ha! Hindi! Akin na nga ang asawa ko! Ako magpapatahan sa kanya!"

•••••END OF FLASHBACK••••

Paalis na si Jack pero tinawag siya ni Ami dahilan para mapalingon siya rito.

Umiling si Ami simbolo ng hindi niya pagsang-ayon.

Jack clenched his fist, nanggigigil na siya kaya naman hindi niya sinunod si Ami nang biglang...

*SLAP!

Sinampal ni Ami si Jack. Seryoso ang mukha nito at nakakunot ng bahagya ang noo.

Napatingin si Emi sa dalawa. Pugto na ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak. Nandun pa rin siya, naka-upo sa damuhan.

"Ami..."

Muli kinuwelyuhan ni Ami si Jack. Nanlalaki ang mata ni Jack dahil sa pagkabigla, hawak niya ang kaniyang kaliwang pisnging sinampal ni Ami.

"Jack! Ano ba! Matauhan ka naman! HINDI SAGOT ANG KARAHASAN SA LAHAT NG PROBLEMA! Kung susugod ka ngayon, Jack, ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo, WALA KANG LABAN JACK! Alalahanin mo si kuya Ken! Alalahanin mo siya Jack! *sob"

Hawak parin ni Ami si Jack, ngunit ngayo'y may luha nang tumutulo sa kaniyang mga mata.

"Alalahanin mo siya Jack" nanghihinang sambit ni Ami.

Natauhan na si Jack sa sinabing iyon ni Ami. Ngumiti siya ng bahagya, tinanggal ang pagkakahawak ni Ami sa kaniya saka sinabing...

"Salamat Ami, oo, hinding-hindi ko makakalimutan si kuya Ken"

Tumayo ng maayos si Ami, pinunasan ang luha at sinabing...

"Jack, kung gusto mong makatulong, halika tulungan mo 'ko patahanin si Milhae"

Pinapanood parin sila ni Emi, ngunit ngayo'y wala nang luhang pumapatak sa kaniyang mata. Pero basa pa rin ang kaniyang mukha.

Humakbang si Ami hanggang sa magkatabi na ang mga balikat nila ni Jack. Nakaharap siya kay Emi habang nakatalikod naman si Jack kay Emi. Pero ang ulo ni Jack ay nakatingin sa naglakad na si Ami na ngayo'y nasa kaniyang kaliwa. Nakapikit si Ami sa kaniyang tabi ngunit dumilat din ito agad.

And then the next thing that happen surprises Jack.

Ami points her index finger at Jack, nakatagilid parin ang katawan niya paharap kay Emi. Ngunit ngayo'y nakapameywang na ang kaniyang kanang kamay. Nasa may ilong ni Jack ang kaniyang daliri, dahilan para halos maduling si Jack sa pagtingin sa daliri nitong nakaturo sa kaniya.

"Wala kang kwentang asawa Jack! Ayaw na kita para kay bespren! Hmmpp!"

Pagtataray pa ni Ami na ngayo'y naka cross-arms na.

"Ha? Hindi! Makikita mo! Ako ang magpapatahan sa kaniya!"

"AHAHAHAAHHAHHAAAHHA!!!"

----------------

AN:

If you're wondering kung sino si kuya Ken then come to my profile and read my story entitled Jo-Ken. Siya po ang kuya ni Emi at sa istoryang 'yan nyo po malalaman kung bakit namatay ang kuya ni Emi. Completed na po yun so enjoy reading my loves! And pls read my english story entitled Premonitions a One Shot Mystery/Thriller English story made by yours truly.

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon