"AHAHAHAAHHAHHAAAHHA!!!"
Nakahawak si Emi sa tiyan niya habang tawa ng tawa. Hinahampas pa niya ang lupang kinauupuan.
Dahilan para mapatingin si Ami at Jack sa kaniya, na ngayon ay bakas ang gulat at pagtataka sa mukha.
"Ahhh...*ehem!...Milhae, ayos ka lang?"
Nagtatakang tanong ni Ami sa kaibigan na ngayo'y nakalapit na sa kanya. Wala siyang kaalam-alam kung bakit bigla na lang tumatawa ang kaibigan, na kanina'y walang tigil sa pag-iyak.
Pero hindi siya pinansin ni Emi at nagpatuloy lang sa pagtawa.
"Nababaliw na ba si Milhae?" pabulong na tanong ni Ami kay Jack na ngayon ay katabi na niya.
"Ha? Ahh...ehh...hindi ko rin alam ee" kumakamot sa ulong tugon ni Jack. Hindi niya rin talaga alam kung ano nga ba ang dahilan ng biglang pagtawa ni Emi.
"Jack!" nag-aalalang tinawag ni Ami si Jack ngunit mahina lang dahil magkatabi lang sila.
Hinawakan niya si Jack sa magkabilang balikat saka ito sinimulang yugyugin sa ikalawang pagkakataon.
"Jack! Nababaliw na ang kaibigan natin! Paano na?! Ano nang gagawin natin ngayon?! Dadalhin na ba natin siya sa Ospital? Pero hindi, gabi na! Baka mapano pa tayo sa daan. Pero Jack paano si Milhae?! Paano na ang kaibigan natin?! Paano na ang future niya?! Paano kung manatili siyang ganyan?! Paano kung biglang umiyak na lang siya ulit diyan? tapos biglang tumawa? Tapos bigla siyang mag ala-sisa? Paano kung hanapin niya si Pilosopong Tasyo? Saan naman natin kukunin ang kamukha ni Pilosopong Tasyo?"
Ito ang walang tigil na tanong na lumalabas sa bibig ni Ami. Kaya hindi niya napansin na tumigil na sa pagtawa si Emi, at ngayon ay pinapanood ang pagyugyog niya kay Jack, habang naka ngiti.
"Paano naman kung hanapin niya ang mga anak niya? Eh hindi pa nga kayo kinakasal?! Paano kung hanapin niya si Basilio o si Crispin? Paano natin ipapaliwanag sa kanya na mga karakter lang yun sa nobela ni Jose Rizal? Teka makilala niya kaya si Jose Rizal? Ang ating pambansang bayani?"
"Ehem!" pang-iistorbo ni Emi,dahil medyo naiinis na sya, pero ni hindi man lang natinag si Ami sa paggawa ng mga kongklusyon niya.
"Sabi ko naman kasi sayo Jack alagaan mo si Milhae ee! Tingnan mo ngayon! Waaahhh! Jack! Ano nang gagawin natin?!"
"EHem!!" pag-uulit pa ni Emi. Medyo nilakasan na niya ang pag-*ehem niya, ngunit hindi parin siya pinansin ni Ami at patuloy pa rin ito sa pagyugyog sa kaawa-awang si Jack na ngayo'y medyo nahihilo na.
"Jack! Sabihin mo nga! Mamahalin mo pa rin ba si Milhae kahit na nabaliw na siya?! Magsalita ka Jack! Sagutin mo ang tanong ko!"
At mas lalo niya pang niyugyog si Jack.
"O-o n-n-na-m-ma-n-n s-s-sy-e-em-pu-pre!" Nagawang masabi ni Jack sa kabila ng pagyugyog sa kaniya ni Ami.
"EHEM!!!" Mas lalong pang nilakasan ni Emi ang pag-ehem! Dahil naaawa na talaga siya kay Jack. Pero parang bingi si Ami na patuloy parin sa ginagawa.
"Siguraduhin mo lang yan Jack dahil oras na-"
"KAAAYYYSSSEEE!!!!!"
Dahil sa pagtawag na yun ni Emi, ay natigil si Ami sa ginagawa at pakiramdam niya tila may kuryenteng bumalot sa katawan niya mula sa kaniyang paa pataas, dahil alam niya na kapag tinawag siya ni Emi sa 2nd name nito ay may something siyang nagawa o kaya naman galit na ito.
------------------------------------------------
(AN: Ami-Kayse po ang full name ni Ami,not included po ang kaniyang apelyido kapag kasama po, Ami-Kayse Lore ang full name niya para malinaw lang po hihi! )
So ano po tingin nyo sa chapter na 'to? ginawa ko po itong nakakatawa as funny as I can kaya sana natawa kayo kahit papano :-( si Ami po kasi ang karakter ko sa storya nato na nagbibigay buhay, I mean siya ang vitamins kumbaga, kasi sa isang story hindi po mawawala ang ganun dba? kahit naman sa totoong buhay, kulang ang barkada kung wala ang clown dba? dba? kaya po sa akin sya po un :-). Si Jack naman po ang syempre Prince ng ating Heroine.
So guys again pls. tell me what's on ur mind by commenting below, and pls. let me know kung ok po ba ang first story ko pong ito. Kung hindi naman po just give me some advice kung paano mapapaganda ang isang story. Baguhan pa lang po kasi ako, kaya ang advice nyo ay magiging malaking tulong para sa akin na maari ko pa magamit sa iba ko pang story ^_^ .
Thank You for reading my story! :-)
![](https://img.wattpad.com/cover/33491435-288-k206780.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken-COMPLETED
Non-FictionPresent Highest Ranking: #37 in Non-Fiction❤ (050718) Previous Highest Ranking: #95 in Non-Fiction BROKEN That is my LIFE. Behind her every SMILE, Behind her every LAUGH, Hides a true PAIN, Pain that makes her heart NUMB And curse the word LOVE Will...