Broken 30

436 9 0
                                        

Kasalukuyan silang kumakain nang biglang tumunog ang cellphone ni Ami hudyat na may natanggap siyang mensahe.

Binuksan niya ito at napag-alaman na galing ito kay Apple. Nag-text ito upang malaman kung nasaan sila dahil tapos na niyang maipaprint ang sariling gawa.

Nag-reply naman si Ami sa kanya't sinabi na nasa canteen sila. Maya-maya'y dumating na si Apple kasama si Via na pawis na pawis at halata mo na pagod sila.

Inabot niya ang papel kay Ami saka nagpaalam habang tangay-tangay pa rin si Via.

"Why do you need to drag me along!!! I'm all sweaty and it's so hot! Why don't you just go by yourself?!! Uugghh!!!" rinig nilang reklamo ni Via na nag-iinarte na naman.

"Syempre! Last day na natin tomorrow sinusulit ko lang! Parang bonding na rin naman natin 'to noh! So stop complaining! adjdmkdsh..."

Sabi naman ni Apple. Hindi na nila narinig pa ang ibang sinabi ni Apple dahil masyado na sila malayo, kaya nagpatuloy na lang sila sa pagkain.

***

Nang matapos, agad-agad na sila pumunta sa faculty ng mga teachers para ipasa ang activitiy na pinagawa ng prof nila, at sa kasamaang palad, wala pa ang prof nila dahil nasa last class pa ito, kaya wala silang magawa kundi maghintay.

Umupo muna sila sa bakanteng upuan na nandoon, tiningnan ni Ami ang kan'yang relos saka nag-"tsk"

"11:15 pa lang! 12 pa tapos ng class ni Miss! Ang tagal pa natin maghihintay!" reklamo ni Ami.

"Ipa-iwan na lang kasi natin sa table niya may ibang prof naman sa loob eh" pagbibigay-ideya ni Emi.

"Oo nga noh! Ang galing mo talaga!" pagsang-ayon naman ni Ami na napabalikwas at dali-daling kumatok ulit sa faculty.

Ginawa niya ang sinabi ni Emi, ngunit dahil bago pa lang ang prof na naiwan sa loob, hindi nito kabisado kung saan ang table ng co-teachers niya, at isa pa nagmamadali na rin ito umalis dahil late na siya sa first class niya. Dahil dito, wala ng naiwan kahit isang tao sa faculty.

Napahawak na lang si Ami sa glass door ng faculty saka dahan-dahang nag-slide pa-upo habang nakasimangot at tila maiiyak na.

Agad naman siyang pinuntahan ng nagpipigil sa tawang si Emi saka inalalayan patayo.

"Ami, 'wag ka na ma-depress, pwede naman natin hintayin na lang si Miss eh, nandito naman ako 'di ka nag-iisa kaya 'wag ka na malungkot"

Pagchi-cheer sa kan'ya ni Emi habang inaalalayan paupo sa inupuan nila kanina.

"Paanong hindi ako ma-d-depress?! Ang aga natin sana makaka-uwi tapos biglang hindi pala dahil lang sa b*is*t na activity na 'to?! Ipagpapalit ko ba ang boyfriend ko sa activity na 'to?!! Ha?! Sabihin mo! Aarrgghh! nakakainis!!" reklamo ni Ami.

Natatawa na lang si Emi sa kan'ya dahil inaatake na naman ito ng "sakit" niya. Kapag kasi nagulo ang schedule niya o kaya naman may hindi siya nagustuhan dahil sa biglaang pangyayari ay nagta-tantrums siya, kung hindi man ay nagda-drama siya gaya ng ginagawa niya ngayon.

"Nakakainis talaga! Nakakainis! I've been looking forward to this moment tapos kung kelan nandiyan na saka pa magkakaganito! Arrgghh! Nakakainis talaga! B*isit! B*isit! B*isit!" reklamo niya pa na may kasamang pagpadyak ng paa.

"Ami, tama na ano ba kasi gagawin niyo ng boyfriend mo ngayon? Magde-date na naman ba? May bukas pa naman o kaya mamaya saglit lang naman 'to"

Natigil si Ami sa pag-ta-tantrums nang sabihin ito ni Emi.

"Date? Wala kaming date, gusto ko lang ma-surprise siya mamayang uwian nila. Gusto ko makita niya agad ako sa hindi inaasahang pagkakataon kapag labasan na nila, para sabay kami umuwi, tapos mag-HHWW kami, oh diba ang sweet!" sabi naman ni Ami na nagniningning ang mga mata.

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon