Broken 16

632 14 0
                                        

Naalimpungatan siya sa sakit ng kaniyang ulo. Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig at gamot, nang bigla niyang marinig ang pagsigaw ng anak.

"Lorie?" Tumingin siya sa orasan, 10:25 p.m

"Naku! baka ano nang nangyari sa anak ko!" Nag-aalala siyang tumakbo paakyat, papunta sa silid ng anak. Kakatok na sana siya, ngunit natigilan siya ng marinig ang sinisigaw ng anak.

"SINUNGALING KA KUYA! *sniff sinungaling ka! *sniff sabi mo 'di mo ako iiwan eh! Sinabi mo yun eh! Sinabi mo yun kuya! Pero bakit umalis ka! *sniff bakit ka sumama sa kanila?! Ha kuya bakit?! BAKIT?!!"

Hindi na niya itinuloy pa ang gagawin, kaya naman isinandal na lang niya ang ulo sa pinto ng kwarto ng anak at pinakinggan ang pagwawala nito.

"Kuya!! *sniff kuya Ken nasaan ka?! KUYA! AAAHHH!!! *sniff kuya lumabas ka, 'di ba ikaw ang superhero ko? Kuya please kailangan kita kuya"

Inialis niya ang pagkakasandal ng kanyang ulo, umikot siya upang isandal ang likod dito, nararamdaman niya ang paghihinagpis ng anak. Napatakip na lang siya sa bibig at unti unting napa-upo habang umiiyak.

Naaalala niya ang araw ng kamatayan ng anak. Napahawak siya sa dibdib at pinipigalang may lumabas na hikbi sa kanyang bibig dahil ayaw niyang malaman o marinig man ni Lorie na nasa labas siya ng kwarto nito.

Umiiyak lang siya roon.

"Ken..." Sa mismong mga bisig niya inilabas ni Ken ang huling hininga nito. Masakit, napakasakit nito para sa isang inang kagaya niya. At hanggang ngayo'y hindi niya malimutan kung gaano iyon kasakit.

Huminga siya ng malalim upang matigil na ang kanyang pag-iyak, pinunasan ang luha saka tumayo, aalis na sana siya nang marinig muli ang anak.

***

Umiyak lang ng umiyak si Emi sa kaniyang kwarto hanggang sa nabasa na ang sapin ng kama niya. Medyo nahimasmasan na siya ngayon.

"Kuya,*sniff alam mo ba, *sniff demonyo pala ang tingin sa akin ni Papa? Hahaha! Nakakatawa 'di ba?"

Tumawa siya ng mapait, habang nakatingin sa hawak na stufftoy na wari'y kinakausap ito.

"Sinabi sa akin yun kanina ni mama, naglasing na naman kasi siya eh" Pinunasan niya ang luha sa kaniyang nanlalabong mata gamit ang kanang kamay, saka pinagpatuloy ang pakikipag-usap sa stufftoy.

"Anong masasabi mo kuya? *sniff Ha kuya? *sniff magsalita ka naman kuya *sniff please?"

Gaya ng inaasahan, wala siyang sagot na nakamtan, at muli nag-iyak na naman siya, nagsisigaw, niyakap ang stufftoy gamit ang kaliwang kamay habang pinanghahampas sa higaan ang kanang kamay.

"Tsuuup I Love You!"

Hindi niya inaasahang tutunog iyon, naipit na pala ito dahil sa higpit ng pagkakayakap niya. At dahil doo'y saglit siyang napatigil sa pag-iyak at pagwawala.

"Kuya? *sniff kuya...*sob WWAAAAHHAHAHAAHHHH!!! *sniff AHHHH! *sniff"

Kinuyom niya ang sapin ng kama habang patuloy sa pag-agos ang kanyang luha.

Nang mapagod sa pag-iyak ay nakatulog siyang ganoon ang posisyon. Naka-upo sa sahig, habang yakap-yakap ang may kalumaang rabbit na stufftoy at basa ang mukha ng luha.

***

"Kuya,*sniff alam mo ba, *sniff demonyo pala ang tingin sa akin ni Papa? Hahaha! Nakakatawa 'di ba?"

Ito ang narinig ng kanyang Ina na siya namang nagpabigla sa kanya.

"P-paano niya 'yun nalaman?" tanong pa niya sa sarili.

"Sinabi sa akin yun kanina ni mama, naglasing nanaman kasi siya eh"

"O-oo nga pala, nag-inom nga pala ako kanina, naku! Mapatawad mo sana ako anak, nasaktan pa ata kita"

Naiinis na nag-aalalang sabi pa niya.

"Anong masasabi mo kuya? *sniff ha kuya? *sniff magsalita ka naman kuya *sniff please?"

Patuloy lang niyang pinapakinggan ang anak...

"WWAAAAHHAHAHAAHHHH!!! *sniff AHHHH! *sniff"

gusto na niyang pumasok sa kwarto nito, hinawakan na niya ang doorknob at akmang bubuksan ito, ngunit hindi rin niya naituloy.

Ayaw niyang malaman ng anak na nasa labas siya ng kwarto nito, dahil ang alam ni Lorie, tulog na siya, at isa pa, ayaw niyang istorbohin ang anak.

Kilalang kilala na niya si Lorie, dahil una sa lahat anak niya ito, kaya naman alam na alam niyang ayaw nitong bigla bigla na lang may pumapasok sa kaniyang kwarto. Kaya naman, bumaba na lang siyang muli, ayaw na niyang marinig pa ang pag-iyak ng anak dahil mas lalo lang siyang nasasaktan.

Pumunta siya sa kusina nila, wala na ang sakit ng kaniyang ulo, maging ang kaniyang kalasingan ay nawala na rin. Kinuha niya ang basyo na may lamang kape, kumuha ng isang tasa at nilagyan ito ng isang kutsaritang kape. Bubuhusan na sana niya ito ng mainit na tubig, ngunit ubos na pala ang laman ng kanilang termos.

Napabuntong hininga siya, kinuha ang takure at nag-umpisang mag-init ng tubig.

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon