•••••FLASHBACK...
Time check: 11:00 p.m
Naglalakad na patakbo si Emi dahil nagmamadali na itong maka-uwi.
"Naku naman! anong oras na! lagot ako!" parang nakikipagkarera ang kanyang puso sa bilis ng tibok nito.
3rd year highschool siya noon, kagagaling lang niya sa bahay ng kaklase niya na dalawang sakay ang layo mula sa bahay nila dahil nagpatawag ito ng isang surprise meeting para sa gagawing role playing nila. Hindi siya nakapagpaalam at wala rin siyang load para maitext ang kanyang magulang,wala rin naman siyang pera pang-load dahil sakto lang ito para sa kaniyang pamasahe. Wala rin namang pantext ang iba niyang kaklase sa ibang network, may telepono sa bahay ng kaklase niya, ang problema, wala silang telepono. Hindi rin siya maka-utang dahil gaya niya, sakto lang ang dala nila para sa pamasahe.
Maaga-aga sila natapos sa ginagawa, kaya medyo confident siya na makaka-uwi sa oras, ang masama, biglang umulan ng pagkalakas-lakas, nagkataon pa na wala siyang dalang payong. Wala rin siyang makakasabay na kaklase pauwi dahil iba ang mga daan nila.
"Tapos ngayon lobat pa ko! Haayy! Ang galing! Sobrang galing talaga! Hhhuhhhmmm patay talaga ako nito"
Maiyak-iyak na sabi pa niya.
At sa wakas nakarating na rin siya. Kinakabahan siya, kinagat niya ang labi saka itinulak ang gate nila.
Umaasang bukas iyon.
At sa kanyang sorpresa, bukas nga iyon. Medyo nakaluwag siya. Dahan-dahan niyang binuksan iyon, pumasok siya ng buong ingat saka sinara ito ng dahan-dahan.
Sarado na ang ilaw ng loob ng bahay nila, tanging ang labas na lang ang nakasindi.
*tap *tap *tap ito lang ang maririnig mo, ang tunog ng pagtama ng mga alitaptap sa nakasindi nilang ilaw.
Pumasok siya ng marahan sa pinto ng kanilang salas, at sa kanyang sorpresa bukas din iyon. Hindi na siya nag-abala pang buksan ang ilaw at agad-agad siyang pumanhik pataas sa kaniyang silid.
Dahan dahan siyang pumasok, ayaw niyang gumawa ng kahit isang maliit na ingay, dahil ayaw niyang magising ang kanyang magulang lalo na ang kanyang Ama. Pagkapasok na pagkapasok niya ay nakahinga siya ng maluwag at agad na binuksan ang ilaw ng kanyang kwarto.
"SAAN KA GALING?!" ngunit nasorpresa siya ng tumambad sa kanya ang kanyang ama na naka-upo sa upuan ng kanyang study table. Nakaharap ito sa kanya, naksuot ng puting t-shirt gaya ng nakasanayan nito, naka-shorts at may hawak na yantok (Arnis) sa kanang kamay.
Nanigas siya, nanginginig siya
"D-d-dun p-po s-sa b-bahay po ng k-kaklase ko po"
"Bahay ng kaklase? Anong ginawa mo dun?" Seryosong tanong ng kanyang ama na labis na nagpakaba sa kanya.
"M-may emerg-gency m-meeting po k-kasi e,"
"BAKIT DI KA NAGPAALAM?!" tumayo na ang kanyang ama at itinungkod ng malakas sa semento ang yantok na dala-dala. Nagulat siya at napapikit.
"Ano ba to?!" pagsingit ng kanyang ina.
"WAG KA MANGEALAM!"
"T-tay-"
"Dapa" ma-otoridad na utos ng kanyang ama.
"P-po?"
"Ang sabi ko DAPA!!"
"P-pero Pa-" Nanginginig siya at naluluha na .
"SABI KO DIBA DUMAPA KA!" hinihila na siya ng kanyang ama ngunit nagmamatigas siya at nagmamakaawa.
"Pa ayoko po! May dahilan naman po ako eh!"
"Ano ba! Pagsalitain mo muna ang anak mo!" depensa ng kaniyang ina.
"SABING WAG KA MANGEALAM DIBA!" Singhal niya sa asawa saka ito sinampal gamit ang likod ng palad, dahilan para mapaupo sa sobrang lakas ang kanyang Ina.
Nakatayo lang si Emi sa gilid at pinagsisiksikan ang sarili, gusto niyang magtago pero wala siyang mapagtaguan, umiiyak na siya't nanginginig.
Sapilitan siyang hinila ng kanyang ama, pumipiglas siya ngunit dahil malakas ito, hindi niya magawang makawala. Pinadapa siya sa kanyang higaan, nasa dulo siya ng kanyang higaan ngayon.
Pinaghahampas siya ng kanyang ama sa kanyang puwit, hinaharang niya ang kamay niya pero wala itong nagagawa dahil hindi nito napipigilan ang paghampas sa kanya ng Dad niya. Nasasaktan lang siya lalo dahil natataman na siya sa buto ng kaniyang braso, daliri at tagiliran.
"ANO! UULIT KA PA?! SUSUNOD KA SA KUYA MO?!"
"HINDI NA PO! AAHHH!! *sob *sob PA TAMA NA PO! ARAHAHAY!! *sob HINDI KO PO GAGAYAHIN SI KUYA PANGAKO PO! AHHH! *sob *sob"
Ngunit patuloy pa rin ito sa paghampas sa kanya.
"TAMA NA!" pigil ng kanyang ina habang hinihila ang asawa.
"ANONG TAMA NA! KAYA HINDI NATUTUTO ANG MGA ANAK MO! DAHIL KINUKUNSINTI MO!"
Nanghihina na si Emi, nanginginig na siya at parang naubusan ng lakas. nakadapa nalang siya sa sahig ng kanyang silid, may luhang umaagos sa kanyang mata, ngunit wala na siyang lakas pa para punasan iyon, nanghahapdi ang buo niyang katawan, at para siyang basang sisiw na nakalubog doon.
Umalis na ang kanyang ama nang makitang ganoon na ang kalagayan niya, habang ang kaniyang ina ay sinundan ang ama niya habang sinisigaw-sigawan ito.
****
KINABUKASAN:Bumangon si Emi sa kanyang higaan na nananakit ang buong katawan, may pasa sa bisig, binti, at mga galos. Halos hindi na siya makagalaw dahil sa kondisyon niyang iyon. Hindi na niya naabutan pa ang kanyang ama dahil pumasok na ito sa opisina.
Nang araw ring iyon, halos hindi siya maka-upo ng maayos dahil sa hapdi. Tinatanong siya ng kanyang mga kaklase kung bakit may pasa at galos siya.
"Nadapa kasi ako kahapon, umulan kasi 'di ba, madulas 'yung daan kaya ayun nadulas ako, tumatakbo kasi ako eh tapos tumama pa ako sa bakal kaya ito nagkapasa." Pagsisinungaling niya.
"Ahhh... ikaw kasi eh! Mag-ingat ka naman! Careful-careful din pag may time ha!"
"Hahahah!! Oo naman!" Naka-ngiti niyang tugon kahit na nananakit ang kanyang katawan at nanghihina.
••••END OF FLASHBACK••••
Date updated: Apr.7,'15
BINABASA MO ANG
Broken-COMPLETED
Non-FictionPresent Highest Ranking: #37 in Non-Fiction❤ (050718) Previous Highest Ranking: #95 in Non-Fiction BROKEN That is my LIFE. Behind her every SMILE, Behind her every LAUGH, Hides a true PAIN, Pain that makes her heart NUMB And curse the word LOVE Will...