Broken 4

1.1K 22 0
                                        

"LORIE! Ayos ka lang ba?" tanong ng kanyang Ina, bakas sa tinig nito ang pag-aalala para sa anak.

Panandaliang GULAT ang gumuhit sa mukha ng kanyang Ama, pero sa halip na tumigil ay...

"BAKIT KASI BIGLA KA NALANG SUMUSULPOT DIYAN! ANG TA**A-TA **A MO TALAGANG BATA KA! MAG-INA NGA KAYO! PAREHO KAYONG WALANG KWENTA!"

GALIT, galit at panunumbat ang lumabas sa labi ng kanyang ama.

"Pa, tama na po, pls."

May namumuo nang luha sa mga mata Emi dahil sa sakit na nararamdamang pisikal, at sakit na nararamdamang emosyonal.

Nanghahapdi ang kanyang mukhang tinamaan ng kamao ng kanyang ama.

"Pa, tama na po, 'wag na po kayo mag-away"

Nanginginig ang katawang tumayo si Emi, inaalalayan siya ng kanyang Ina habang sinasabihan siya ng "Lorie, umakyat ka na pumasok ka na sa kwarto mo, sige na!" ng pabulong. Pero, hindi ito pinansin ni Emi.

"Ma, sumosobra na po si Papa ayoko na makitang sinisigawan ka at sinasaktan" mahinang sambit ni Emi dahil sa pinipigilang iyak at sakit ng mukha.

"AKO?! AKO ANG SUMOSOBRA! Aba at! Talagang!..." galit at nanggigigil na ang kanyang Ama, nagpipigil lang ito.

"Pa, opo! SUMOSOBRA na po kayo!"

"AHHH! SUMASAGOT KA NA!"

"Hindi, pa pinapa-"

"HOY! IKAW NA BATA KA! PINALAKI KITA! PINAG-ARAL KITA!"

Dinuduro siya ng kanyang Ama habang ang kanyang Ina'y hinaharangan ang kanyang Ama at pinipigilan itong makalapit sa kan'ya.

"Wag mong isali ang bata!" pagbabanta ng kanyang Ina.

"Bata? 'Yan? Bata! SINASAGOT SAGOT NA NGA AKO E! Marunong ng sumagot-sagot! Tapos BATA! Disisyete na 'yang ANAK MO! BATA PA RIN?! HOY IKAW LORIE!" buo at pasigaw na hinarap siya ng kanyang Ama muli.

"Tandaan mo! AKO ang nagpapa-aral sayo! "

"INAAMIN KO NAMAN PO E!! IKAW ang nagpapa-aral sakin! IKAW ang bumubuhay samin! pero pa, IKAW rin ang nananakit samin"

May hinanakit sa kaniyang tinig ng sinabi ni Emi ang mga salitang ito. Buong tapang niyang hinaharap ang kaniyang Ama kahit na ang kaniyang puso'y nagwawala na sa kaba.

KABA

at

TAKOT.

"WALA KANG PAKE! DAHIL ANAK LANG KITA! AKO, TATAY MO 'KO! AKO ANG MASUSUNOD SA BAHAY NA 'TO!" 

Sa mga sandaling ito'y nakalapit na sa kaniya ang kanyang Ama at ngayo'y dinuduro siya sa kanyang ulo ng may pwersa dahilan para mapahakbang siya sa bawat pagdurong ginagawa sa kaniya.

"TAMA NA!" akmang sasampalin si Emi ng kanyang Ama, napapikit siya at hinanda ang sarili, hinigpitan pa niya ang paghawak sa dala niyang bolpen pero walang sampal siyang naramdaman.

Dahil natigilan ang kanyang Ama sa sigaw ng kanyang Ina kasabay nito'y hinawakan niya ang braso ng asawa.

"Ako na lang ang saktan mo, huwag mong idamay ang anak natin dito,

Lorie sige na umalis ka na please lang"

Ma-otoridad na sabi nito.

"Pero ma-"

SLAP!!!

Harap-harapang sinampal ng Ama niya ang mahal niyang Ina.

Nanlalaki ang mga mata ni Emi sa nasaksihan, naghahalong emosyon ang kanyang nararamdaman. Gusto niya ng umiyak, pero ayaw niyang ipakita ito sa harap ng kanyang mga magulang.

Nanginginig siyang tumakbo palabas ng kanilang bahay. Sumandal siya sa pader ng kanilang garahe at doon siya umupo, matapos sampalin ng Dad niya ang Mom niya, hindi na niya alam pa kung anong sumunod na nangyari. Ang alam lang niya, ay ayaw na niyang makita ang susunod na mangyayari.

Mula sa garaheng pinagsasandalan niya, maririnig mo ang sigaw ng kanyang Ina, masakit ito para sa kaniya kaya naman tinakpan niya ang kanyang tainga gamit ang kan'yang palad kahit na nasa pagitan ng kan'yang kanang kamay parin ang bolpen na kanina pa niya daladala, ay nagawa niyang matakpan ang kan'yang tainga. 

Pinipigilan parin ang luha na 'wag pumatak mula sa kan'yang mata. May namumuo ng luha sa gilid ng kanyang kaliwang mata, ngunit upang 'wag itong tumulo'y humangad siya at nakita ang bubong ng kanilang garahe kung saan siya umupo. Habang sinasabi sa sarili na...

"Hindi ako iiyak, hindi ako iiyak!" ng paulit-ulit. Kahit na ang sikipsikip na ng kanyang dibdib at parang may kung ano nang nakabara sa kaniyang lalamunan, ay nagawa pa rin niyang pigilan  ang kan'yang luha.

"Malakas ako! Kaya hindi ako dapat umiyak!" dagdag pa niya. 

Nang makumbinsi ang sarili, nagbuntong-hininga siya. Saka siya tumayo, inalis ang mga kamay na kanina'y nakatakip sa dalawang tainga, inilagay niya iyon sa kaniyang gilid, pumikit siya at isang malalim na inhale ang ginawa niya. Naramdaman niya ang pagpasok ng hangin sa kaniyang ilong, inipon niya ang hanging iyon at saka pinkawalan ang isang mahabang exhale. Inulit niya ito ng tatlong beses, at dahil doo'y medyo gumaan na ang kaniyang pakiramdam.

Nang maginhawaa'y dinilat na niya ang kaniyang mga mata saka siya naglakad papunta sa kanilang pinto, hinawakan iyon gamit ang kanang kamay, daladala pa rin ang bolpen na ngayo'y inilipat na niya sa kaniyang kaliwang kamay, dahil ginamit niya ang kanyang kanang kamay para buksan ang kanilang pinto, at saka siya lumabas na nakayuko.

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon