Malapit na sila sa kani-kaniyang bahay dahil magkakalapit lang naman ang mga bahay nila. Nakaakbay kay Emi si Jack gaya ng nakasanayan.
Nauunang maglakad sa kanila si Ami dahil nagmamadali na ito at panay pa ang pagtingin sa relos nito.
"Ami!" pagtawag ni Emi.
"ANO?!" pasigaw namang tugon ni Ami dahil sa pagmamadali.
Patakbong tumabi si Emi sa kanya. Dahilan para matanggal ang pagkakaakbay ni Jack sa kanya, at maiwan mag-isa sa likuran nila.
"Diba pwede naman handwritten sa assignment natin?"
"Oo naman! Handwritten nga rin sa akin eh mabait naman yun si Miss! Tsaka para sa kaniya 'di ba mas mataas ang grade kapag sulat kamay kasi mas may effort."
"Sabagay..."
"Handwritten din ba iyo?"
Tumango lang si Emi bilang sagot.
"Ahhh, o sige dito nako"
Nasa tapat na sila ngayon ng bahay ni Ami.
"Hoy Jack! Ingatan mo si Milhae ha! Antayin mo makapasok siya sa bahay nila bago ka pumasok sa bahay niyo!"
"Oo na oo na, kahit naman di mo sabihin gagawin ko pa rin ee :-) "
"Good, good, o sige pasok na ako ha bye!"
At nagpaalam na sila sa isa't-isa. Naglakad pa sila at ngayo'y malapit na sila sa bahay ni Emi.
"Ahhh, Jack sige na uwi ka na rin baka hinahanap ka na ni Tita"
"Hindi y- *Ang mahiwagang mensahe!*" (AN: ringtone po yan ni Jack, credits kay Doraemon at sa gumawa ng ringtone na yan :-D )
Kinuha ni Jack ang cellphone niya mula sa kanyang bulsa at tumambad sa kanya ang isang mensahe mula sa kanyang ina.
"Ahhh, Emi, sorry ha pinapauwi na ako ee, kanina pa pala ako hinahanap ni Mami, bigla bigla daw kasi akong lumalabas ng bahay ng di nagpapaalam"
"Ok lang yun! Sige sabi sa'yo eh hinahanap ka na! Sige na! Uwi ka na! Para namang ang layo ng bahay mo! Sabay naman tayo papasok bukas"
"Sabi mo yan ha! Oh sige una na ako"
Paalis na sana si Jack nang biglang humarap ulit siya kay Emi.
"Sige na u-"
Naputol ang sasabihin ni Emi dahil bigla siyang niyakap ni Jack.
*dug dug *dug dug
Nanlaki ang mata niya dahil nabigla siya sa ginawa ni Jack. Nagtagal iyon ng halos limang segundo.
Kumalas na mula sa pagkakayap sa kanya si Jack at namumulang nagpaalam kay Emi.
Naninigas na naiwang nakatayo doon si Emi, wala pa ring tigil sa pagtibok ng malakas ang kanyang puso.
Nag-iinit ang kanyang mukha at hinahabol ang hininga. Nakagalaw lang siyang muli nang makitang nakapasok na sa kanilang pinto si Jack.
Halos mawalan siya ng lakas kaya napasandal siya sa kanilang pader, hinawakan ang kanyang dibdib at saka pinunasan ang pawis na di niya namalayan sa kanyang noo.
*dug dug *dug dug *dug dug
Hindi niya maintindihan ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.
"M-mahal ko na ba si Jack?" tanong niya sa sarili.
"Hindi! Hindi hindi! Hindi pwede!" sinasabi niya ito habang umiiling at hinahampas ang sarili sa ulo.
"A-ayokong magmahal! Ayoko masaktan! Ayoko matulad kay Mama!"
Tinigil na niya ang paghampas sa sarili saka tumingala, nakita niya ang mga bituin sa langit, napangiti siya.
Medyo nagtagal siya doon, hindi na niya namalayan kung ilang minuto ba siya nakatayo at nakatingala doon. Nabalik lang siya sa wisyo nang may dumaan na sasakyan.
"Naku! Ano bang ginagawa ko rito! ang tanga-tanga ko nman! Patay! Anong oras na kaya! Tsk!"
Inayos niya ang sarili saka hinawakan ang gate nila. Kinabahan siya. Natatakot siya na baka maulit ang nangyari noon.
----------------------------------------------------------
Date Updated: April 6, 2015

BINABASA MO ANG
Broken-COMPLETED
Non-FictionPresent Highest Ranking: #37 in Non-Fiction❤ (050718) Previous Highest Ranking: #95 in Non-Fiction BROKEN That is my LIFE. Behind her every SMILE, Behind her every LAUGH, Hides a true PAIN, Pain that makes her heart NUMB And curse the word LOVE Will...