AN:
*sorry for any kind of errors*
Balik tayo sa ating bida :-)
Enjoy!
Love Lots~
————————————————
"Every person is different, they don't share similar background and/or stories, so don't you dare compare!"
"Ms. Tatsugara can you please stand up and explain this" turo ng prof nila sa nananahimik na si Emi. Tumayo naman siya at sumagot.
"For me po Sir, it only means na, we shouldn't look at people similarly. 'Wag po natin isipin na dahil ganito ka, dahil gan'yan ka, eh ganon na rin po sila, ako o yung mga tao sa paligid mo. 'Wag mo po hanapin ang sarili mo sa ibang tao dahil bawat isa po sa atin ay may kani-kan'yang story that can explain why, or what are them now. We shouldn't aim to become a person we don't "
"Okay" tumatango-tangong sabi ng prof nila.
Nagpalakpakan naman ang mga kaklase nila.
"Now, Ms. Lore, can you please stand up and explain this" Nagbuntong-hininga muna si Ami bago tumayo.
"If you're asking for my opinion I'll say na that qoute of yours Sir, is really accurate. Because may mga tao talaga na hindi maiwasang mag-compare, pero bakit ba sila nagko-compare? Dahil INSECURE sila. Naghahanap sila ng mali ng isang tao. But according to your quote sir, Every person is different, yes! Every person is REALLY different, itsura pa lang magkakaiba na tayo. For me Sir, that quote is simply saying na we should be open-minded. All of us should, no exceptions. That's all"
Matapos niya magsalita, umupo na rin siya. At muli, nagpalakpakan ang buong klase.
"May hugot! Okay ikaw naman Ms.-" Bago pa man maituloy ng prof nila ang sasabihin, tumayo na si Via.
"Aba ready ah! Sige, explain this"
"I'll use that quote in decision making. Sa pagde-decide po kasi Sir. Sometimes mas nasusunod pa ang desisyon ng ibang tao para sa'yo instead of your own decisions. Oo nga, iba-iba ang tao, so once a person decide for you, do you think you should follow that? Sometimes yes, many times no. Kasi ikaw lang naman ang nakakakilala ng sarili mo eh. You shouldn't compare yourself to others, because once na ang decision ay maganda ang kinalabasan para sa iasang tao, do you think, that same decision will be good for you? For someone yes, because she's the one who decide for herself. But for you, for me, for everyone of us, a decision should be decided by you, because every person is different, that's why, like A said, all of us should be open-minded. And most of all, we should not compare. So El..." nagulat si Emi sa biglang pagtawag sa pangalan niya ni Via kaya napatingin siya rito.
"I'm sorry for comparing you to Apple, I shouldn't have done that." sabi niya kay Emi with sincere apology.
Ngumiti lang si Emi and mouthed the words 'It's okay'.
"Let's give this three a round of applause."
At nagpalakpakan nga sila.
Nagtawag pa ang prof nila ng iba para i-explain ang quote of the day niya. Habang si Emi ay nag-aalalang tinanong si Ami dahil kanina pa ito nakasimangot mula nang matapos ang sagutan nila ni Via.
"Ami, okay ka lang? Kanina ka pa tulala diyan, dahil ba sa sinabi ni Via?"
"No! I'm okay" sabi niya sabay ngiti, ngiting hindi totoo para sa mga mata ni Emi.
"You're not okay, Ami," hinawakan niya ang kamay ni Ami.
"Ano pa't nandito ako 'di ba?" sabi sa kan'ya ni Emi.
Tiningnan niya ang kamay niyang hinawakan ng kaibigan bago nagsalita.
"Hindi ko lang makalimutan 'yung mga sinabi ni Via" Tumigil siya saglit at lumunok para pigilan ang nagbabadyang luha.
"May tama naman siya eh, kabit lang si Mama kaya hindi kami pinili ni Dad" sa puntong ito'y may nakatakas na na luha sa kan'yang kaliwang mata.
Hinigpitan naman ni Emi ang paghawak sa kamay ng kaibigan.
"Tama rin siya nung sinabi niyang duwag ako"
"Ami, hindi ka duwag! A-"
"Hindi Milhae!" Tiningnan siya ng umiiyak na si Ami sa mata.
"Duwag ako! Totoo yun! Kasi, takot ako eh, natatakot ako sa lahat kasi, kasi...palagi na lang...palagi na lang nila ako inaasar na walang tatay" Tinakpan ni Ami ang bibig para maiwasang gumawa ng malakas na paghikbi.
"Ami..." nag-aalalang sabi ni Milhae, tinanggal niya ang pagkakahawak sa kamay ni Ami, at ipinalibot niya iyon sa kaibigan. Mabuti na lang at nasa gilid sila, sa likuran kaya natatakpan sila ng mga kaklaseng nasa unahan nila.
"Hindi mo 'yun alam Milhae kasi hindi tayo naging magkaklase. Pero alam mo ba, kahit na takot na takot na ako n'un, kahit gustong-gusto ko na umiyak, hindi ko ginagawa, kasi, naaalala kita"
"No Ami, kaya hindi ka umiiyak, kaya hindi ka sumusuko, kaya hindi ka nagpapatalo, kasi malakas ka. Ako ang mahina sa atin Ami, ako ang duwag, lagi mo nga ako inaasar noon 'di ba?" nakangiting sabi sa kaniya ni Emi.
"Sa ating dalawa, ikaw ang laging pumu-protekta sa akin, kahit na dalawang room ang pagitan natin, pinupuntahan mo pa rin ako kapag nalaman mo na inaaway nila ako"
"Haha!" pinunasan ni Ami ang luha at pinagpatuloy ang pakikinig sa kaibigan.
"Kaya Ami, sa ating dalawa, ako ang duwag hindi ikaw" naka-ngiting sabi sa kaniya ni Emi.
"Hindi Milhae, hindi mo ako naiintindihan"
"Huh?" nagtatakang tanong ni Emi.
"Matapang ka, kasi ikaw, kahit na mukha kang mahina, ang loob mo, malakas. Kasi kahit na ang dami mong problema, kahit na ganun si Uncle, kahit na wala na si kuya Ken, you still manage to stand up, you still manage to smile in front of everyone, you still manage to cheer me up, kahit na alam kong ikaw ang mas nasasaktan sa ating dalawa, and that's the real strength
Kaya ko lang naman nagagawang maging matapang kasi, sa tuwing nakikita kita, nabubuhayan ako ng loob, sinasabi ko sa sarili ko na, ikaw nga nakaya ako pa kaya! Hahah!"
Nagtawanan sila doon ng mahina.
"Kaya Milhae, salamat ha, salamat kasi, nandun ka nung mga oras na umiiyak ako, nung mga oras na pakiramdam ko nagunaw ang mundo ko, nung mga oras na iniwan kami ni Papa, nung mga oras na wala akong ibang malalapitan, salamat Milhae" naka-ngiting sabi niya kay Emi.
"Wala yun! Ano pa't pinagtagpo tayo ng tadhana 'di ba? Kung wala rin pala"
"Oo nga naman!"
"Basta nandito lang ako kapag may problema ka" Emi assured her.
"At nandito lang din ako!"masayang sabi ni Ami, saka sila ngumiti sa isa't-isa. Gusto yakapin ni Emi ang kaibigan, ganun din ang nararamdaman ni Ami, ngunit dahil nagka-klase sila, hindi nila magawa.
"Thanks Milhae, for everything. You're the best BESTFRIEND!!"
-------------------------------------------------
AN:
DW: 12M¥15
Date Updated: May 13, '15
![](https://img.wattpad.com/cover/33491435-288-k206780.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken-COMPLETED
No FicciónPresent Highest Ranking: #37 in Non-Fiction❤ (050718) Previous Highest Ranking: #95 in Non-Fiction BROKEN That is my LIFE. Behind her every SMILE, Behind her every LAUGH, Hides a true PAIN, Pain that makes her heart NUMB And curse the word LOVE Will...