Broken 10

945 15 3
                                    

"KAYSE!"

"Y-yes M-Mil-h-hae??"

Parang nabato si Ami sa kinatatayuan at naninigas na lumingon kay Emi.

Lumapit si Emi sa kanila.

"Akin na nga si Jack!"

At pagalit na kinuha ni Emi si Jack. Habang nakayukong binigay naman ni Ami ang hilong si Jack.

"Ahh! Ang bigat mo naman Jack!"

Pilit na inaalalayan ni Emi si Jack, ngunit dahil sa bigat nito ay natumba sila. Nasa ibabaw na ngayon ni Jack ang kalahating katawan ni Emi. Tatayo na sana siya ngunit pinigilan siya ni Jack sa pamamagitan ng pagyakap niya dito gamit ang kaliwang braso.

Dahil dito'y namula si Emi, bumilis ang tibok ng kaniyang puso at tila naubusan siya ng oxygen.

"KYAAHHH!!!" pagtili ni Ami.

"Ang cute niyo tingnan! sandali wag kayo gagalaw ha! Pi-picturan ko kayo!"

At nilabas nga niya ang kaniyang cellphone.

*click! *click

"Ahhh! Ami! Tigilan mo yan!"

Kuha lang ng kuha si Ami ng litrato nilang dalawa, madilim na at tanging ang street lights na lang ang nagbibigay liwanag sa kanila. Mabuti na lang at may flash ang camera ni Ami kaya malinaw niyang nakukunan ang dalawa. Habang si Jack naman ay palihim na nakangiti.

"Ami! sabing itigil mo yan eh! KAYSE!"

Tatayo na sana si Emi para habulin ang kaibigan ngunit mas lalo siyang niyakap ni Jack. Kaya ngayo'y nakakulong na siya sa braso ng binata.

"KYAAHHH!!! Grabee!! Kinikilig ako! Ganyan lang kayo ha! Jack! 'Wag mo pakawalan si Milhae! *click! *click! *click!"

*dug dug *dug dug

Hindi parin nawawala ang pamumula ng pisngi niya at ngayon parang mas nadagdagan pa ito, mas lalo rin bumilis ang tibok ng kaniyang puso, at hindi nanaman siya makahinga, hindi niya maintindihan kung gusto niya ba ang nararamdaman o hindi.

Kaya naman gamit ang kanyang free hand which is ang kanyang kaliwang kamay, buong lakas niyang sinuntok sa tiyan si Jack.

*click!

"Aray!! Huhuhu! T.T"

Dahilan para makawala siya sa pagyakap sa kaniya ni Jack.

"Waahh! Nakuhaan ko yun! Masakit ba Jack? Kawawa ka naman"

Pang-aasar pa ni Ami kay Jack.

"Kayse!"

"Yes Milhae?"

"May kasalanan ka pa sakin!"

"Sorry na kung tinawag kitang baliw! Sorry na! Sorry na! Ikaw naman kasi eh! Bigla bigla ka nalang tatawa diyan! Eh kanina lang para kang tangang iiyak-iyak diyan! May pahampas-hampas ka pang nalalamn sa puno! Eh ano sa tingin mo ang magiging reaksyon ko 'di ba?! Syempre! Aakalain kitang baliw!"

"Hahahah!"

"Oh tingnan mo! Tumatawa ka na naman! Eh kanina lang galit ka sa 'kin!"

Natigil sa pagtawa si Emi at tiningnan ng masama ang kaibigan, kaya naman nag peace sign na lang si Ami sabay ngiti.

Dahil doon nawala ang masamang tingin ni Emi at napalitan ng maamo niyang mukha.

"Halika nga dito Ami, umupo ka sa tabi namin"

"Hindi mo 'ko sasaktan?"

"Oo naman!"

Kaya lumapit nga si Ami sa kanila. At si Jack naman ay umupo na rin kasama nila.

"Ganito kasi yun, kaya ako natawa kanina kasi naalala ko nung mga bata pa tayo. Sinabi mo rin ang mga linyang yun kay Jack dati. Naaalala n'yo pa ba?"

Napa-isip tuloy ang dalawa sa sinabing iyon ni Emi.

"Ah! *snap oo nga noh! hahaha! naalala ko na!"

Sabi ni Jack na may kasamang pag-snap pa sa kanyang daliri.

Hindi pa rin maalala ni Ami ang pangyayaring iyon kaya nakasimangot niyang tinignan si Jack na ngayon ay natawa na rin.

"Hahaha! Oo nga! Hahah! Ang liliit pa natin noon haha! Ano naalala mo na ba Ami? *pat *pat"

Pagtatanong pa ni Jack na may kasamang pag *pat sa ulo ni Ami.

"Heh! wag mo nga akong hawakan sa ulo! 'Di na ako bata para hawakan mo sa ulo!"

"Wehh? Talaga di ka na bata?"

Pang-aasar pa niya.

Pinapanood lang sila ni Emi na may ngiti sa mga labi.

"Salamat at parati kayong nandiyan para sa akin. Ayoko ng umiyak sa harapan ni'yo, lalo na ngayong alam ko na naaapektuhan din kayo dahil sa akin"

Sabi ni Emi sa sarili.

"Oo! 'Di na ako bata!"

"Talaga? Sige nga tayo ka nga"

"At bakit ako tatayo?"

"Basta tumayo ka na lang"

Tumayo naman si Ami mula sa pagkakaupo.

"Emi, tayo ka nga"

"Huh?" pagtataka ni Emi

"Basta tumayo ka na lang din"

At nagtatakang tumayo si Emi, inalalayan naman siya ni Jack.

Pinagtabi niya ang dalawa saka sinabing...

"Tingnan mo! Mas matangkad nga sa'yo si Emi eh! Aminin mo na kasi, bata ka....BATANG HEIGHT! HAHAHAHAHA!!!!"

Namumula na sa galit si Ami, habang si Emi ay ngingiti-ngiti sa isang tabi.

"Jack, gusto mo talaga makatikim ng Ami Special huh!"

"HAHAHHAHA!!! ARAY! AMI! ARAY! AYOKO NA! SORRY NA! ARAY!"

At sinimulan na ngang wrestling-in ni Ami si Jack, at pinatikim ang kanyang 'Ami Special'

"Ahahaha!" maluha-luha si Emi kakatawa.

"Kayo talaga..haayyy di na kayo nagbago hahah!"

Tinigil na ni Ami ang pag-wrestling kay Jack at nilapitan si Emi saka inakbayan.

"Sooo, ano Milhae? Na-mend na ba ni Jack ang broken heart mo?"

Tumayo naman ng maayos si Jack, hinintay kung anong sasabihin ni Emi. Si Emi naman, tumingin kay Jack at sinabing...

"Broken ones can never be easily fix"

"Pwede kaya!" sabi naman ni Jack.

"How? Fix it with a glue?"

"Maybe, but duct tapes can do the trick, it can even fix a broken glass, just like the glass of the car na nakasira ng bahay ng ballpen na 'to (shows the pen)"

"Ha! Akin yan ah! Anu ba 'yan Jack! Tinapon ko na nga pinulot mo pa"

Tiningnan ni Ami ang hawak na ballpen ni Jack, sabay tingin sa relo.

"Waaahhhh!!! Magse-seven thirty na! Hahanapin ko pa yung album namin! Patay! Tara na uwi na tayo dali!"

"Ano! Mag se-7:30 na?! Lagot! Patay ako sa tatay ko nito! Tara dali"

Sabi naman ni Emi, at dali-dali na nga silang tumakbo.

"AHH!" sigaw ni Ami.

"Ano ba! Mag-ingat ka nga sa pagmamaneho mo! Makakapatay ka eh!"

Muntik ng masagasaan si Ami ng humaharurot na sasakyan.

"Ayos ka lang?" pag-aalala ni Emi.

"Oo, buti na lang nakaiwas ako, loko yun! bw*s*t!"

"Ahh, Emi, parang sasakyan n'yo yun ah" ani Jack

"Alin? Yun? Imposible! Di naman pala-alis sila Mama lalo na ganitong oras noh! Baka kamukha lang"

"Baka nga"

At nagpatuloy na sila sa paglalakad.

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon