Broken 23

443 10 0
                                        

Hinihingal si Ami at Emi nang makarating at makapasok sa room nila.

"Ami, sigurado ka na ayos lang si Jack?" tanong niya pagkapasok na pagkapasok sa room nila habang hinihingal pa.

"Oo naman! 'Wag ka mag-alala mamaya lang bati na kami n'un! Kailan ba kami nag-away ng matagal? Wala pa naman 'di ba?!" sagot ni Ami sa kan'ya nang maka-upo sila habang hinihingal din.

"Eh paano kung-"

"Shhh! 'Wag ka mag-alala ako na bahala" sabay kindat.

"AAHHH!! Ang init grabe!!" reklamo ni Ami habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.

"Oo nga eh" sabat ng isang kaklase nila. Medyo matangkad ito, may make-up ang magandang mukha, maputi, mapayat at nakalugay ang maalong buhok na umaabot hanggang sa kan'yang dibdib.

"Oh Via! Sabatera ka talaga! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot diyan"

"Sarey!" maarteng sagot nito.

"Ah Via, andiyan na ba si Sir?" tanong ni Emi sa kan'ya.

"Oo girl, ayan oh, nag-iwan pa nga siya ng quote of the day niya, umalis lang siya saglit babalik na rin 'yun maya-maya" sabi nito habang pinapa-ikot sa daliri ang buhok.

"Ahh.. ok" mahinang sabi ni Emi saka binasa ang 'quote of the day' ng prof. nila

"Every person is different, they don't share similar background and/or stories, so don't you dare compare!" ano daw meaning nun?"

"Ewan ko sa kan'ya! Tayo raw umintindi eh!"

"Hoy Via! Ano ba kailangan mo? sabihin mo na nga! Mamaya dumating na si Sir eh" iritang sabi ni Ami.

"Duh! Okay, balak kasi ng klase na mag-outing tayo, syempre last day na natin bukas, so last day na rin na magkakasama-sama tayo, I just want to invite you guys so kompleto tayo" naka-ngiti siya nang sabihin ito habang pinapa-ikot pa rin sa daliri ang buhok, ngunit hindi pa rin mawawala ang kaartehan sa pananalita niya.

"Ano? Join kayo A (pronounce as Ey), El??" dugtong niya na ngayo'y naka-hawak na sa desk nila at papalit-palit ang tingin sa kanila habang naka-ngiti na halata mong nangungumbinsi.

Hindi muna sila sumagot, nanatili lang na nakatingin si Ami sa kan'ya, si Emi nama'y nag-isip muna bago sumagot.

"Ah...Ano kasi Via...hindi kasi ako papayagan ehh" sabi ni Emi na hindi tumitingin sa kan'ya, kinagat niya ang labi at yumuko na lang.

"What?! Are you for real!!!" pasigaw na sabi ni Via na nakakunot-noong nag-cross arms.

"Tsk! What are you? A BABY?!" pagtataray niya pa.

"Ilang taon ka na ba!" sabi pa niya.

Lumapit na sa kanila ang iba nilang kaklase na gusto makasagap ng balita.

"Seventeen" nakayukong sabi ni Emi.

"Hoy Via! Hindi nga siya papayagan eh! Anong magagawa mo!" sabat naman ni Ami kahit hindi siya pinansin nito at nakatuon pa rin ang atensyon kay Emi.

"Eh magka-edad lang naman pala tayo eh! Anong dahilan bakit hindi ka papayagan?! You're old enough El! you can take care of yourself! Hindi ka rin naman tanga para madisgrasya or what! Sumama ka na! We're not complete if you're not gon'na join us!" sabi niya na tinanggal na ang pagkaka cross-arms.

"Sorry, eh kasi...sorry talaga! Hindi talaga ako papayagan eh" tugon ni Emi na ngayo'y nakatingin na kay Via na puno ng takot at pag-aalala ang mga mata.

"I told you! Hindi nga kasi siya papayagan! Ayaw mo maniwala sa 'kin eh BESTFRIEND ko yan!" sabat ulit ni Ami, ngunit hindi pa rin siya pinansin ni Via.

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon