Pagkalabas ni Emi ng kanilang pinto, nakita siya ni Jack na nagmumuni-muni sa bintana ng sariling kwarto mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Nagtatakang sinundan ng paningin niya si Emi, dahil hindi naman pala-labas ang dalaga maliban nalang kung may bibilhin siya o kung ano pa man. Pinagmasdan lang muna niya si Emi habang naka-ngiti.
***
Naglalakad na papunta sa isang tindahan si Emi, papaliko na siya nang may dumaan na sasakyan, pasimple naman niyang binitawan ang kanina pa hinahawakan at kinaiinisan na bolpen.
CRACK! (tunog ng nabasag na bahay ng bolpen dahil nasagasaan ng sasakyan
AN: pasensya npo sa tunog)
***
Mula sa bintana'y nakita ni Jack ang ginawa ni Emi, ngunit hindi niya makita kung ano ang bagay na tinapon ni Emi sa kalsada ng may dumaan na sasakyan.
Nawala sa paningin niya si Emi dahil nakaliko na ito.
***
(AN:
Yng tatlong asteris [***] po ay para lang po mahiwalay ang nangyayari kay Jack at Emi.]Nang makabili ng bagong bolpen ay nadaanan niya ang kaninang tinapon na bolpen na ngayon ay basag na ang pinaglalagyan. Tanging ang mismong lalagyan ng tinta nlng ang natirang buo.
Nang makita ang itsura ng bolpen ay napangiti siya. Dahil sa bolpen na iyon niya ibinalin LAHAT ng galit na nararamdaman niya.
Nakayuko parin siyang pumasok ng kanilang bahay ngunit ngayon ay may ngiti na sa kaniyang mga labi.
Isang masamang ngiti. Nakataas ang isang side ng kaniyang labi papunta sa kaliwa, at waring may itim na aurang bumabalot sa kaniya.
***
Nakita siya ni Jack na pumasok sa kanilang tahanan, nag-alala siya rito dahil ramdam niya na may dinaramdam si Emi.
At gusto niya na sa mga oras na iyon ay nasa tabi niya siya upang siya mismo ang magpagaan ng kalooban ni Emi.
***
Kasalukuyang pumapanhik paakyat si Emi papunta sa kaniyang silid. Ngunit natigilan siya nang marinig ang pinag-uusapan ng magulang.
"Sabihin mo nga, kung gusto mo ng hiwalay, bakit hindi mo ginawa noon pa?!" rinig niyang tanong ng kaniyang Ina.
"DAHIL SA ANAK MO!" sagot naman ng kanyang Ama.
"Dahil sa akin?" sabi ni Emi sa sarili habang ang isang paa ay nakapatong sa mas mataas na hagdan at ang isang paa ay nasa mas mababang hagdan.
"Ayokong lumaki ang anak mo na walang Ama o Ina!" rinig pa niyang sabi ng kaniyang ama.
"Dahil sa akin?!" pag-uulit pa niya.
Halos nawalan ng lakas si Emi dahilan para mabitawan niya ang bagong biling bolpen.

BINABASA MO ANG
Broken-COMPLETED
Non-FictionPresent Highest Ranking: #37 in Non-Fiction❤ (050718) Previous Highest Ranking: #95 in Non-Fiction BROKEN That is my LIFE. Behind her every SMILE, Behind her every LAUGH, Hides a true PAIN, Pain that makes her heart NUMB And curse the word LOVE Will...