Broken 31

395 9 0
                                        

"Malala ka na Milhae, sagutin mo na kasi si Jack alam ko namang may gusto ka na rin sa kan'ya eh. Finally! Na-realize mo na—ay kabayong bundat!!"  naputol sa pagsasalita si Ami nang tumunog ulit ang cellphone niya, napatalon din siya sa sobrang gulat nang mag-vibrate ito mula sa bulsa niya.

"Ano ba naman 'yan! Istorbo! Sabi ko kay Jack mamaya na kami mag-usap eh!" reklamo niya habang tina-type ang password ng cellphone niya.

Nanlaki na lang bigla ang mata niya nang makita kung kanino galing ang mensaheng natanggap.

"Aahhh!!! Milhae! Milhae! Nag-text si The One ko! Kyaahh!" kinikilig na sabi ni Ami.

"Talaga? Ano daw sabi?" nakangiting tanong niya kay Ami.

Nakita ni Emi na nawala ang kaninang masayang mukha ni Ami, nakatulala na lang ito sa screen ng cellphone niya, nag-alala siya kaya naman nilapitan na niya si Ami saka binasa ang mensaheng natanggap nito.

"Hindi kayo sabay makaka-uwi? Eh ano naman? Parang 'yun lang Ami, 'wag ka na matulala diyan pwede naman kayo magsabay bukas sa last day natin eh" sabi ni Emi nang mabasa ang mensahe galing kay The One.

"Anong 'yun lang'?! Milhae big deal 'to! Malay ko ba baka mamaya may ipinalit na siya sa akin 'di ba?! GIRLFRIEND ako Milhae! GIRLFRIEND! I deserve an explanation! Bakit ganun siya?! Zabi niya kahapon susunduin niya raw ako pero tumanggi ako kasi sabay naman tayo pumapasok at isa pa ayoko siya ma-istorbo kaya sabi niya babawi na lang daw siya ngayong uwian sisiguraduhin daw niyang sabay kami ngayon uuwi tapos bigla-bigla siya mag-t-text na mauna na ako?! Na hindi siya makakasabay?! At ano naman ang idadahilan niya?! Kasi may emergency? Kasi may imaportanteng nangyari? Bakit? May mas importante pa ba kay sa sa akin?! Kay sa sa GIRLFRIEND niya?! Huh!" dire-diretsong sabi ni Ami na may kalakasan, pinagtitinginan na tuloy sila ng mga estudyanteng nagdaraan.

"Tingnan natin humanda talaga siya sa akin! Makikita niya kung anong hinahanap niya!" sabay pindot ng reply button.

Handa na siyang awayin ang kasintahan nang pigilan siya ni Emi.

"Ami, 'di ba sabi mo nga you deserve an explanation? Edi tanungin mo siya, malay mo may biglaang nangyari 'di ba? Don't just jump into conclusions Ami, know first the reason before you judge him, hindi lahat ng tao kagaya ng ex mo kaya Ami, hear first his reasons before you say something that may hurt him or worst..." huminto saglit si Emi, pinapakiramdaman niya si Ami.

"May end your relationship" nakita niya ang pagkabigla sa mga mata ni Ami.

"Milhae don't say that! Ha...ha! Ite-text ko na nga siya 'di ba? Ha.ha! Aalamin ko na nga yung reason niya 'di ba? Ha.ha!" sabi ni Ami habang tumatawa ng peke.

Napangiti na lang si Emi saka nilabas ang sariling cellphone at nag-umpisang maglaro.

***

"Milhae, thanks ha kung wala ka siguro, baka naaway ko na siya o kaya baka nag-break na kami"

Abala sa paglalaro si Emi nang biglang magsalita si Ami na bakas ang kalungkutan.

Natigil sa paglalaro si Emi dahilan para mabangga ang ibon na nilalaro niya.

"Ami, ganyan talaga 'pag  magkaibigan, nagpapayuhan!" Nakatawang sabi naman ni Emi.

Natawa rin ng bahagya si Ami saka nagsalita.

"Pero alam mo Milhae, hindi ko expected na sasabihin mo 'yun, biruin mo wala kang experience sa love pero ang galing mo mag-advice, daig mo pa ako! Mas love expert ka pa pala kaysa sa akin!" nakangiting sabi ni Ami.

"Pero Milhae, seriously speaking, bakit ayaw mo pa sagutin si Jack?"

Napa-atras si Emi sa naging tanong ni Ami, nanlaki ang mata niya't napahigpit ang hawak sa dalang papel.

"Kasi ayaw ko matulad sa sinapit ni Mama" sabi niya pero hindi ito narinig ni Ami dahil sa sarili lang niya ito sinabi.

"Bakit Milhae? Sige na sabihin mo na, ako lang naman makakaalam eh" pagpupumilit ni Ami.

"Bakit" pag-uulit ni Emi.

"Oo bakit?" inosenteng sagot naman ni Ami.

Nakakabingi na ang katahimikan. Napa-atras ulit si Emi sa tanong na 'bakit', kinakabahan siya sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Milhae, kung ayaw mo sabihin, hindi naman kita pinipilit eh" sabi ni Ami na humakbang na rin palapit kay Emi upang pigilan ito sa pag-atras palayo sa kan'ya.

"Kasi walang forever"

Natigil sa paghakbang si Ami sa biglaang pagsagot ni Emi. Kumurap siya ng ilang beses, sinusubukang intindihin ang mga salitang sinabi ni Emi.

"Haha, haha! Hahaha! Haahhahahaha!"

"B-bakit ka tumatawa?" pagtatanong ni Emi sa humahalakhak na si Ami.

"Haahhaha! Ano ba yan Milhae! Hhahaaah! Akala ko ba naman kung ano na ang idadahilan mo! Hahahhaha! Juice colored! Hahhaha!" sabi ni Ami sa pagitan ng pagtawa niya. Nakahawak na siya sa sariling tiyan at naluluha na sa sobrang tawa.

Si Emi nama'y nakatingin lang sa kan'ya na hindi malaman kung bakit 'yun ang sinagot niya.

"AMI!!!" Natigil sa pagtawa si Ami at napatingin sa tumawag sa kan'ya, si Emi nama'y napatingin din sa tumawag kay Ami.

"Jack?!" gulat na sabi ng isip ni Emi. Napahigpit ang kapit niya sa dala-dala habang sinusundan ng kan'yang mga mata ang lumakad na si Jack palapit kay Ami.

"Oh Jack! Buti naman at natapos na klase niyo, kanina ka pa namin hinihintay eh!" sabi ni Ami na tapos ng tumawa.

"Bakit ka tumawag kanina! Alam mo ba na muntik na ako sermonan! Mabuti na lang at napatay ko kaagad! Alam mo namang terror yung prof namin 'di ba!" galit na sabi ni Jack kay Ami.

"Ha! Edi sorry! Hindi ko naman alam na si Sir. Terror yung prof mo ngayon eh! Bakit ka nagagalit? Ang liit-liit na bagay!"

Marahas na inakbayan ni Jack si Ami saka kinutusan sa ulo.

"Anong maliit! Ikaw kaya sa lugar ko kanina ha! Ikaw talaga ang kulit kulit mo!" sabi pa niya habang kinukutusan ng mahina sa ulo si Ami.

"Aray! Aray! Jack! Tigilan mo 'ko! Salamat ka matangkad ka sa 'kin! Aray! Aray!" daing ni Ami habang nagrereklamo.

"Hahaa! Salamat na lang talaga at matangkad ako sa'yo! Bwahahhha!"sabi pa ni Jack.

Nakatingin lang sa kanila si Emi, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.

Nasasaktan siyang nakikitang kinukutusan si Ami, ngunit mas nasasaktan siyang nakikitang nakangiti si Jack, nasasaktan siyang nakikitang masaya siya kapag kinukulit si Ami, nasasaktan siyang makita kung gaano sila ka-komportable sa isa't-isa, nasasaktan siyang malaman na ang mga ngiting iyon ay dahil kay Ami...

At hindi dahil sa kan'ya.

————————————————————————-

AN:

WRITER'S BLOCK

that's what I feel while writing this update. Kaya sorry kung boring 'to, oo alam ko boring at pangit 'tong story pero feeling ko mas lalong naging boring at pangit today ehh..haayyy..

Date Updated: June 2, 2015

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon